Ayan ka nanaman ha. Nagiging confused ka na naman. Akala ko ba may new direction ka na? Panindigan mo na yun. Alam mong yun lang ang paraan para hindi sya mawala ng tuluyan sayo. Ikaw talaga. Alam ko namang nahihirapan ka eh. Kaya sige na Dyosa, panindigan mo na yung desisyon na yun. Kaya mo yan. Everything starts with the initial step, then another, then another, hanggang sa normal nalang sayo yung ganun.
Alam kong mahal na mahal mo ang ideal guy mo, pero wala tayong magagawa kung sya, hindi ka nya mahal. Mahirap talaga yung ganun. Akala mo fairytale ending na kasi dumating na si Prince Charming. Pero nakalimutan mo na tao lang din si Prince Charming, may buhay din sya. At ikaw, hindi ka prinsesa para alagaan ka nya. Ang hirap mainlove sa ideal guy mo na hindi ka mahal no? Hindi mo pwedeng ipilit ang alam mong hindi mangyayari. Sinubukan naman daw nya, pero talagang wala. Kaya dyosa, tanggapin mo na kasi na hindi ka nya magagawang mahalin. Alam mo din naman na yun din ang iniisip ng mga nakapaligid sa kanya. Masasaktan ka lang ng paulit ulit. Hindi mo maiparamdam sa kanya yung nag-uumapaw na damdamin mo para sa kanya. Hindi ka rin naman nya priority. You will just be in the losing end. Nagmamahal ka sa taong hindi naman magiging sayo.
Gusto mo syang yakapin. Wala nang salita salita. Basta pag niyakap mo sya, alam mong mararamadaman na nya yung tinitibok ng puso mo; Gusto mong sabihin sa kanya kung gaano mo sya kamahal. Hindi ka magsasawang sabihin yun sa kanya, kasi yun naman ang totoo. Mahal na mahal na mahal mo sya. Sobra sobra; Gusto mo syang ipagluto araw araw. Lahat ng mga bagay na kaya mong iluto, ipapakain mo sa kanya. Triple happiness kasi sayo yun, dahil alam mong gusto mong nagluluto, nagugustuhan naman nung kumakain yung niluto mo, tapos sya yung pinagluluto mo; Gusto mo syang magkwento sayo kung kamusta ang trabaho nya. Hindi matatawaran ang kasiyahan mo twing nagkwekwento sya. Sa sobrang saya nyo, at sa sobrang daming pwede nyong pag-usapan patungkol dun, mabilis na nawawala ang oras; Gusto mong ilagay yung ulo mo sa balikat nya. Para sabihin sa kanya na kailangan mo sya. Sya ang sandigan mo. Hindi ka matalino, hindi ka malakas, hindi ka magaling. Hindi ka isang dyosa, kundi isang tao lang din na nagmamahal sa kanya. Na sa kanya ka lang. Wala nang iba. Sa kanya lang; Gusto mong titigan lang sya. Kasi yun lang masaya ka na at gagawin mong lahat wag ka lang nyang iwan. Basta gusto mong kasama ka sa buhay nya. Dahil alam mo na hindi sya maalis alis sa buhay mo.
Di ba dyosa sabi mo dati, you complement each other. Pero dyosa baka ikaw lang ang nag-iisip nun. Pero ano pa man ang sagot nya sa statement na yan. Alam kong may nabuo sa pagkatao mo nung bumalik sya. Whether you like it or not, he’s already part of you. Whether you like it or not, para sayo, sya ang ideal guy mo. Sya si Prince Charming para sayo. Pero hindi ikaw ang prinsesa nya. Kaya itigil mo na yan. Ayaw mo man aminin, hindi na kayo click. Hindi na sya interisado. Please. Itigil mo na. Please. Tama na.
You tried everything to penetrate his defenses. But you weren’t successful in making him accept you in. There will always be an invisible wall between you and him. He might not notice it. But you do, and it’s killing you every single day. Wag mo na kasing ipilit. Tama na dyosa. Itigil mo na ang laban. Sakit lang ng puso at isipan ang idudulot ng pagkastubborn mo sa pagkakataong ito.
Bat ba ang kumplikado ng Friendship nyo kasi? Bakit ba kasi humantong sa ganyan? Diba dati naman give and take kayo? Bakit ngayon ganyan? Isa lang naman ang pumapasok lagi sa isip ko eh, pero lagi naman nya yun pinapabulaanan, at pinaniniwalaan mo sya. Kahit na ang lakas ng sigaw ko against it. Lahat naman ng sinasabi nya pinaniniwalaan mo eh. Ako lang tong makulet na hindi maintindihan ng logic ng pinagsasabi nya.
Malapet ka na maggive up. Nararamdaman ko yun. Sabi mo pag hindi kayo natuloy kakalimutan mo na sya. Mawawala ka nalang na parang bula sa buhay nya. Nung sinabi nya sayo yung reason nya nung gabing yun kaya hindi sya makakasama sayo, nabasag nanaman ang puso mo. Kaya sinalo nanaman kita. Ako ang nagalit para sayo. Pero sabi mo, kung hindi mo sya tatanungin ulet, pagsisisihan mo yun habambuhay, kaya hinayaan kitang tanungin sya ulet. Sa huli, natuloy din kayo, and it made you realize that you still love him. You still love him very much. Andun na sya, katabi mo. Aabutin mo nalang. Pero wala kang magawa kundi pigilan ang sarili mo kasi hindi mo alam kung anung magiging reaksyon nya. And it’s killing you still.
Dyosa, gising na. Gising na please. Tama na yan. Sinasaktan mo lang talaga ang sarili mo. Remember ang kanta ni Ate Jordin? Kanta ka na ng Tatoo araw araw.
Can’t waste time so give it a moment
I realized nothing’s broken
No need to worry about everything I’ve done
Live every second like it was my last one
Don’t look back got a new direction
I loved you once, needed protection
You’re still a part of everything I do
You’re on my heart just like a tattoo
Pamparelieve ng sakit. Kanta ka ng malakas ulet sa bridge ng Carmelray.
Diba kaya mu nga nilagay yung sticker sa likod ng cellphone mo para ipaalala sa sarili mo yung new direction mo? Nandun man yung pangalan nya, yung meaning nung sentence na nandun, really states kung ano yung dapat mong gawin. Pero kelangan mo muna kasi maresolba yung mga pag-aalinlangan mo. Tapos pag nakapagdecide kana, panindigan mo na yun ha. Yun lang kasi ngayon ang gumugulo sa isip mo eh. Hala ka, baka matalsikan ka ng asido sa work! Sige ka!
Meron akong tanong sayo dyosa, although alam ko dapat tayong magpasamalat dahil natuloy kayo, naiisip ko lang, kung may time sya para sa ibang tao sa buhay nya, bakit kaya sayo laging bitin? Hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga times na inaya ka nya at super saya mo. Tapos hindi rin matutuloy. Babawi daw sya pero alam ko namang wala syang time… Well… sayo. Nakakapagbigay sya ng time sa mga taong gusto nya pero sayo sa mga time na yun hindi. Well, magpasalamat nalang tayo at natuloy kayo. Ituring mo na yun na malaking bagay kasi alam mong baka hindi na yun maulit.
Marami na akong insights na nasabi syo dyosa. Magdecide ka na. Ikaw lang ang makakapagdecide kung anung gusto mong gawin. Hihintayin mo nalang bang maging manhid ka para andyan pa din sya? O magmomove on ka na kaso mawawala sya? The choice is yours and yours alone. But whatever that decision is. Sana maging masaya ka dyosa. You deserve it!
Love Love,
Inhinyera Dyosa Whilhelmina
4 comments:
parang na feel ko na yung ganyan...
pero sa letter na to masyadong deep kumpara sa na feel ko.. T_T,..
hirap talga magmahal, kaya nga minsan sana yung mga movies na gusto ko, kahit almost a fairy tale umaasang mangyayare...
hmm ang akin siguro, kung kaya gang frendship lng gang frendship lang, panget din siguro kasi pagbiglang nawala...
:)
@pong
Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko talaga sya! Ibibigay ko kahit ano! T_T
ay uo nga ramdam ko
di naman masyadong halata..
:)
haaaay pong... Hindi kasi pwedeng compromise. Hindi nya kasi kayang maibigay yun.
Post a Comment