- I learned a lot from what happened. I experienced how to love with all my heart. Walang biro yun. Mahal na mahal na mahal ko talaga yung lalaking yun. Wala akong regrets kasi ang panget naman kung magsisisi ako na nagmahal ako diba? It’s normal for people to love, eh sadyang ganun ang buhay, minsan unfair. But you just need to be positive and look at the two sides of what happened. Analyze it. Internalize and find the deeper meaning of what happened.
- I might sound sour graping but it will be a destructive relationship anyway. Hindi namin magawang intindihin ang isa’t isa. Ako sinusubukan ko, ewan ko lang sya. Pero dahil nga maraming malabo kaya hindi ko magawa yung bagay na yun. Ayaw naman nya iexplain. Tsaka nafifeel ko marami pa syang issues na dapat maresolve sa sarili nya. Frustrated sya. Yun lang masasabi ko.
- Nagising ako sa katotohanang hindi sya si Prince Charming. Masyado lang talaga akong natuwa na bumalik sya. Nacurious lang kami siguro sa isa’t isa nung simula. Naudlot kasi yung friendship namin nung naghiwalay sila nung close friend ko dati. Confusing talaga yung ganung feelings. Pero minahal ko sya ng tunay at walang bahid libog, although of course sexually attracted ako sa kanya pero nirespeto ko yung sinabi nya sakin na ayaw nya ng mga bagay na bastos (na it turns out to be a lie).
- Dagdag mo pa na hindi sya si Prince Charming kasi he’s not that intelligent. Sabi ko sa mga friends ko gusto ko kasing talino ko or mas matalino saken. Although, titillating yung mga conversations namin, it all revolves sa mga topics na kaya nyang i-grasp. Pero I’m a science person. Kaya nga sinubukan kong i-open yung conversation namin about it. Pero hindi nya talaga hilig. Naalala ko binuksan ko yung topic about Industrial Revolution. Kasi mix ng science at history yun eh. Kaso hindi din namin masyadong napag-usapan yung science part kasi minimal lang naman daw yung discussion dun kasi puro art yung main topic daw dun. Yung isang part lang na napag-usapan namin yung science eh yung tungkol sa anti-Matter. Kasi favourite author din nya si Dan Brown. Eh sa Angels and Demons diniscuss yun diba? So syempre inexplain ko. Tsaka yung about sa Nuclear Energy. Ayaw nya daw nun kasi baka matulad lang tayo sa Chernobyl. Haaay nko! Prejudice of the peasants! Wahahahha!
- Madami syang inconsistencies sa mga sinasabi nya. Ayoko ng ganun. Dapat kung ano ang sinabi mo sa una, yun na yun. He’s also full of excuses. Puro dahilan ayaw muna gumawa ng paraan. Gusto nya daw ng taong malawak ang isipan at kaya syang ipaglaban, pero yung mga bagay na yun hindi nya magawa para sa iba. Bago pa nya nasubukan, may prejudice na sya na hindi nya kaya or makakasama (ponemang suprasegmental bigyan diin ang ponemang “ma”, Filipino 2 topic nya yan kelan lang! whahahah!) yun. Open-mindedness ba yun? Ang inconsistent.
- Ayoko sa duwag. Period!
- On a positive note, masaya ako kasi wala na akong baggage. Nawala na talaga yung bigat sa puso ko. Nailabas ko na din sya halos lahat. Meron kasing isa pa na unti-unti nang nagdidissipate kasi napag-usapan na namin sya ng mga kaibigan ko. Pero mawawala din yun. I know, I will be truly happy!
- I’m far too important to waste my life sa isang tao. Isa akong Dyosa! Ang partner ng isang Dyosa ay isang Dyos! Tapos! Wahahhaha!
Oh para mas maintindihan nyo ang nararamdaman ko. Samahan nyo nalang akong kantahin ito!
One Step at a time
by Jordin Sparks
Sabi nga sa kanta:
and you’ll find the reason why… One step at a time
Mailap yung reason kung sa kanya ko hihintayin. Kaya ako na mismo maghahanap para sigurado akong makukuha ko ay totoo at walang bahid ng kasinungalingan. Malay nyo, yung Dyos na laan para saken ang magbigay ng tama at totoong reason? Wahahahha! Kaya dahan dahan lang ako! One step at a time!
2 comments:
ahaha, bitter! lolz
@green
I hate you!!! wihihi!!! may karapatan akong maging bitter! ihihihi!!!
Post a Comment