For the 1st time, hindi sawi ang kinakanta ko kanina nung dumaan ako sa bridge ng Carmelray. Nakangiti ako habang naglalakad at kumakanta ng Extraordinary ni Mandy Moore. Ewan ko, Masaya ako ngayong araw na ito. Hindi ko din alam. Dapat ngangarag ako kasi 3 hours lang ang tulog ko. Medyo sinisinat nga din ako eh. Pero basta, I feel light and I feel happy. Siguro nailabas ko na yung sama ng loob ko kakakanta ng sawi nung mga nagdaang mga araw at linggo. Hindi ko na din masyadong iniisip yung mga nangyayari. Siguro talagang nangyari yung mga na yun para may matutunan ako. At alam ko naman pag may nangyayaring disappointment sa buhay ko, may kapalit yun na kasiyahan. Mag-iintay nalang ako kung ano yun. At sabi nga nang kanta na kanina pa paulet ulet:

And now I’m ready…

And now I’m ready…

And now I’m ready to be…

EXTRAORDINARY!!!

Dahil may new direction nako at feel na feel kong maging extraordinary, I think this is a good start for me. Alam ko kung anung gusto kong gawin, and no one will stop me in realizing it!

Finally after so many weeks, masasabi ko nang Masaya talaga ako! Genuine Happiness ito! =D


Photobucket