Sa mga nagsasabing napakabitter ko. YES! I AM BITTER! At may karapatan akong maging bitter! Minahal ko talaga si Angel ng sobra sobra. Wala akong ginawa kundi pilitin na intindihin sya at mahalin sya. Kaya nga lagi ko syang gustong kausap, at lagi ko syang tinatanong para magauge ko kung pano ko sya iintindihin. Eh on my part, mahirap umintindi kung di ka naman sure sa mga facts na meron ka. Ayaw din naman nya sagutin directly yung mga tanong ko so wala na ko magagawa.
May karapatan akong maging bitter kasi mahal na mahal na mahal ko si Angel. Hanggang ngayon oo, inaamin ko na mahal na mahal na mahal ko pa din sya. Last Tuesday ko lang naman napagtanto yung mga dapat kong gawin eh. Mawawala din unti unti yun. Pero hindi nako malungkot. Marami nakong narealize. At isa na dun na ang sarap magalet sa kanya! Na hindi ko na kailangan pang sisihin yung sarili ko sa nangyari samen. Napakaliberating. Kasi dati, pilit ko pa din syang iniintindi kaya kahit alam kong wala nang logic yung mga reasons nya saken, sinusubukan ko pa din intindihin. Pero ngayon, kahit wala pa rin akong sagot sa mga tanong ko, masaya ako, kasi wala na halos yung baggage sa kaloob looban ko.
Kung ang mga blog ko lately sounds bitter, well, yun kasi talaga yung narealize ko ng mga nakaraang araw. Being alone in a bus twice a day more than an hour each can give really give you time to think. At dahil mas clear na yung head ko about certain things, hindi nako confused sa mga facts na alam ko. At madali akong nakakapag-analyze ng mga scenario sa utak ko.
Bitter man ang Dyosang to, no regrets! Ganun ako magmahal eh! =D
0 comments:
Post a Comment