Hindi ko malilimutan yung magiging Usher ko dun sa UST Engg Reunion nung last day of the Engg week. Kasi ang dami kong nameet na Engg Alumni. Nakipaginteract ako sa kanila. Malay ko ba baka sa susunod eh sa desk nila ako umupo pag nag-aapply nako ng trabaho. Successful kasi lahat nung dumating eh. pag makikita mo yung sinusulat nila sa papel na position nila ngayon puro General manager, supervisor, Chief, etc... Ako, naassign ako sa COMELEC booth. Anu ba yan, pati ba dito eh pulitika pa din ako. Anyway, ang task ko lang ay pabotohin yung mga alumnus para sa kanilang Alumni Board. Merong mga madaling kausap, meron din namang ayaw pa muna, meron naman todo bugaw kung sino ang iboboto. in general, masasabi kong wise voters ang mga Engineers na yun. Ayaw nalang magsulat ng pangalan, gusto alam kung tama ba yung iboboto nila.
Matapos ang endless line ng sunod sunod na pagdating ng mga Alumni, pinakain din kami sa buffet. At nakatikim din ako nung masaram na infinity vodka cocktail drink ng San Miguel. After nun, binigyan kami ng sweldo. isang tumataginting ng 0.5k!!!!
para sa limang oras napagtayo dun! 500 pesosesoses!!! Ang galing! May food pah! At maraming bonus!
- Ang pagdating at pagpicture with Engr. Jun Lozada
Si Engr. Jun Lozada at kami
- To meet and greet ang barkada ni Ma'am Eevee.
- Ang malaman na magkabatch pala si Ma'am Deleña at si Ma'am Amon.
- Ang malaman na five years ang tanda ni Sir Amon kay Ma'am Amon.
- Ang malaman na ang tawag ni Ma'am Amon kay Sir Amon ay Popsicle.
Kulitan sa Wallpaper!
Wanted Murderer! Wahhahahah!
0 comments:
Post a Comment