Photobucket


At sa wakas! Natapos na din ang isa sa pinakaayaw kong subject! Ang Industrial Process Lab! Masaya din sa exhibit actually. Masarap makipag-interact sa mga tao. Especially, pag tinikman na nila yung product na dugo't pawis mong pinag-isipan, pinaggastusan, at pinagdusahan (Mag-aagree saken si Jen dito! Wahhahahah).

Anyway, marami namang nakaappreciate sa product namin. Well, samin naman nila Armie at Jaboy, kahit hindi kami manalo ok lang. Basta matapos lang itong IP na ito. Pero marami kasi kaming nareceive na positive feedbacks hindi lang sa mga estudyante kundi pato na din sa mga ibang Facuty at yung mga classmates namin. Para tuloy nalight up yung fire sakin na baka manalo kami.

Sa picture diba may kaldero, kasi nagluto kami ng sinigang. Intended kasi namin talagang pansigang yun, pero nung second day, since alam namin namatatagalan yung pagluto ng mas malaking quantity ng sinigang, we put our theory to a test. Gumawa kami ng mangomayo dip. Made from Mayo and our Manggasim powder. At patok sa tao! Super patok! As in! Meron pa ngang 3rd year ChE na super nilantakan yung chips namin! Kulang nalang eh kunin nya yung buong dip! Patok talaga sya kasi pati mga classmates namin eh hindi matigilan yung dip. Winner!

Meron lang akong kinaiinisan na mga tao dun sa fair. yung mga pesteng IE kala mo kung sino mga makatanong. Eh alam naman nilang trabaho nila yun. Meron akong binara. Tinanong ba naman ako: Kunwari daw investor sya, pano daw namin i mamarket yung product namin. Ayan, english mode ako! "Well, honestly, it is not our job to do marketing. There will be key persons that will do that for us, because for us Chemical Engineers, our main job is to develop the process on how to make a product. It is not our concern because there will be other professionals who are good in that field that will suffice to solve the marketing strategies." Che!!!! Kulang nalang idagdag ko, "If we Chemical Engineers are good in marketing, then there will be no such profession as Industrial Engineers!" Che!! Eat my Erna!!!