malapet na daw matapos ang favorite ko ngayong show na Zaido: ang pulis pangkalawakan. Bentang benta talaga saken to with the costumes and all. Lalo na pag sumigaw na si Amy nag "Codename! Spacecop Yellow!" Grabeh napapasigaw din ako! "Codename! Gaycop! Purple!" SHWWWWWWWWIIIIIIINNNNNNNNNGGGGGGGG! Transform! Bentang benta talaga!

Nagbalik Kapuso ang burhildang Angelica Dela Cruz. I mean, what's the thing with the jumping back ang forth nang bakod? Ateng, baka mapagod ka kakatalon! Hindi sya originally from GMA dahil alam kong sa 2 talaga sya nagsimula. Sya yung kapatid ni Judy Ann Santos sa telenovela nyang Esperanza, namatay sya nun dahil nasagasaan sya. Tapos kinabukasan nasa 7 na sya! Wow! At nagstar sya sa mga soap, like ko sya sa Pintados! Sya si Diwata dun eh! After that nagstar na sya ng lead roles sa kanyang mga soap opera sa 7, tapos ang bruha, lumipat bigla sa dos ksabay ni Ms. D, at Nina. Nako ewan ko ba bat pa sya lumipat palibhasa kasi panghapon nalang ang beauty niya sa dos!

sayang talaga yung Joaquin Burdado for Christine Reyes, break na nya yun for a lead role ng primetime. Too bad nagback out sya. Opposite Robin Padilla, sure ako panalo yun. Sayang!

Eto pang-isang sayang! Si Jennelyn Mercado! Syang ang career mo ineng! May album launch ka pala ng Feb, may soap ka pa na panghapon! Sayang! Sayang! Nafreeze na nga yung career mo dahil kay Angel Locsin, ngayon mafrifreeze nanaman dahil sa kagagahan mo! Sayang talaga!

Si Marian talaga feeling ko si Dyesebel, ayun ata susunod nyang soap, sino kya ang leading man nya dun?

I think, after ng Kamandag, Captain Barbel meets Darna ang next project ni Richard Gutierrez, feeling ko si Katrina Halili ang magiging Darna, she palyed Black Darna before, I'm sure she's a choice for it.