Track #1 - Echoes
Naimagine ko yung sarili ko na tumatakbo. Parang may tinatakasan. Parang isang chase scene sa isang show or movie. Gabi yung setting nya tapos may confusion kung saan pupunta tapos biglang tumatakbo nalang.
Track #2 - Trigger Happy
I saw myself na nakatayo. Kulay itim lang yung background. Tapos, kinakanta ko yung lyrics ng kanta. And I have one person in mind kung kanino ko sya kinakanta. =D
Track #3 - Wonderland
Feeling ko this song was written for me. Naalala ko si Monster, yung lalaking minahal ko na sinira ang pangarap ko at puso ko. Yung lyrics nya kasi, speaks of the words I asked myself and also the questions I asked him. A wonderful feeling that was gone abruptly and was left with questions.
Track #4 - After hours
Feeling ko nakikipagsex ako. Maharot. Magaslaw. Passionate. Umiikot sa kama. Maharaught. Period.
Track #5 - Disconcerting Ride
Yung eksena dito parang music video sa LRT1. Sumakay daw ako sa EDSA station. I assumed sa EDSA sya kasi dun sa area ako na yun sumasakay sa EDSA station ng LRT1. Umuulan ang setting, malamig. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habnag nakaupo. Ang hilig ko kasing mag-isip pag walang magawa. Parang ganun ginagawa ko, hanggang sa ending ng kanta, bumaba na ako sa Tayuman station.
Track #6 - High
Face to face with an angel. Hindi ko masyadong maexplain. Pero yun yung nakita kong eksena.
Track #7 - Make it Better
Eh syempre, dahil meron na syang music video, naimagine ko ang sirena effect ni Ms Alex sa kanyang video! Pak na pak!
Track #8 - Deep Down
Nakita ko yung sarili ko na kinakausap yung reflection ko sa salamin. Tinatanong daw ako nung refelction ko kung pareho daw ba kami. Sa likod nung reflection ko nakikita ko yung times na hindi ko sinabi yung tunay na nararamdaman ko. Kalerkey.
Track #9 - Frozen World
Meron akong nakitang different sceneries. Eto yung mga sceneries na mga picture perfect. Pero hindi lang yun yung common denominator nila, sila din yung mga sceneries na tumitig ako sa kawalan kasi nag-iisip ako ng malalim. Yung sa ledge sa Caleruega, lights ng Manila sa Rizal outlook na pinuntahan namin. Sa bahay nila Jarry dun sa taas nung pinagtulungan namin.
Track #10 - Dream to me
Yung feeling ko nagflofloat ako sa gitna ng dagat. Nakadilat lang tapos nakikita yung mga clouds na dumadaan. Tapos may mga gentle waves na nagpapagalaw sa katawan ko. Tapos yung paulit ulit na lines para syang ripple effect ng waves. This is probably my most favorite of all the songs from the album.
Track #11 - Maker
Di ko maexplain pero I imagined myself as a teacher. Yung profession talaga na gusto kong maging. Naalala ko din yung role ni Ms. Alex sa Mga munting tinig. Naalala ko din yung mga estudyante ko dati sa TP4. Nakita ko yung sarili ko na nagtuturo. Masaya. Nakangiti. Kasi nakita ko din yung mga estudyante ko successful nah.
Ay nako mga friends! Pak na pak ang Adrift album ni Ms de rossi!!! DOWNLOAD nah!
0 comments:
Post a Comment