Haru dyos ko! One year in the making ang sequel ng aking board exam experience! Wahahahha!!! Paxenxa na kasi for the longest time kasi wala akong time dahil nagwowork ako. Tapos ngayong bum ko, ni-indulge ko yung sarili ko sa pagsusulat ng mga maraming bagay. In short, ngayon lang ako nagkaron ng mood para isulat ito! Whahahahah!!!
Maraming salamat nga pala sa lahat ng nagbasa ng part 1. Sana nakatulong dun sa mga nagboard last year yung pinagsusulat ko.
Alright! Lesgehitowwwwwwwwwwwwwwwwwwn!!!
Okay, so sa last post ni-promise ko na ishe-share ko yung technique sa pagsasagot. Super simple lang nito. Gagawan lang natin ng procedure yung pagsasagot para time saving. katulad ng ang sinabi ko nung huli, oras lang ang kalaban mo sa exam.
Sa sobrang simple nito, para ka lang nagsisimba. Hahatiin mo lang sa Readings yung pag sasagot mo. Depende sayo kung ilan yung gusto mong hati. Pero ididiscuss ko yung procedure na ginawa ko.
Hinati ko sa apat (4) na readings yung pagsasagot ko. 1st reading. 2nd reading. 3rd reading. Homily. O diba mass na mass ang peg! Ang objective kasi natin eh mabasa mo yung lahat ng questions. Para mag-gauge mo yung amount ng time na gugugulin mo sa isang question. You have 6 hrs to answer 100 questions. Basically 3 minutes 36 seconds per question.
Explain ko naman yung apat na hati ng pagsasagot. Pinangalanan silang "Readings" kasi babasahin mo yung lahat ng questions. So yung apat naa hati means apat na beses kong naflip yung pages nung questionnaire.
Eto ang pakatandaan nyo sa exam: Kahit gano pa katagal ang igugol mong time sa isang number, one (1) point lang din yun sa bandang huli. Kaya nga ang objective natin eh masagutan mo lahat nung alam mong question para may SURE POINTS ka na. Dadagdagan mo nalang ng TENTATIVE POINTS.
1st reading. Dito, babasahin mo lang yung questions ng isang beses. Sagutan mo agad yung mga pagkabasa mo pa lang alam mo na yung sagot. Normally eto yung mga Identifications at Fill in the Blanks. Pero syempre wag mo lang i-limit dun katulad netong example:
If A = B and B = C, What is C2=AB? | |||
a. | A | b. | B |
c. | A or B | d. | None of the above |
Syempre sa unang basa mo palang alam mo na kagad na C yung sagot. Panis diba? Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong This is an actually board problem? Yes, this was a question nung nagtake ako.
(1) Kelangan isolve ang sagot
(2) Hindi mo naintindihan yung question
(3) Hindi mo alam yung sagot
(4) Hindi ka sure sa sagot
Isang very very useful tip. Yung mga nasagutan mo sa 1st reading, ishade mo na agad sa answer card. Pwede mo silang gawing guide mamaya. Siguraduhin ang na ang isheshade ay ang tamang bilog...
>>>>>Icheck ang number sa questionnaire
>>>>>Hanapin yon sa answer card.
>>>>>I-point yung lapis sa bilog ng sagot mo na in-line sa number.
>>>>>Idouble check ulet yung number, importante to!!!
>>>>>Ishade na ang sagot.
Since puro bilog bilog lang kasi makikita mo dun sa answer card, nakakalito talaga, kaya idouble check lagi bago magshade. Ako na nagsasabi, mahirap burahin ang mongol 2. Pwamis!!!
Bilangin mo kung ilan itong nasagutan mo, lagay mo dun sa scratch paper mo kung ilan. Lagyan mo ng caption: SURE POINTS
Oh edi natapos mo na basahin yung 100 questions. Balik ka ulet sa simula.
2nd reading. Dito pwede mo na idigest mabuti yung mga questions. Babalikan mo na yung mga questions na hindi mo nasagutan. Dito masasagutan mo na yung (1) at yung ibang (2) scenarios.
Para malaman mo kung ano yung mga questions na wala pang sagot, gawin mong guide yung answer card mo. Yung mga numbers na wala pang shade sa tabi, yun na yun. Check mo yung number sa answer card, tsaka mo hanapin yung number na yun sa questionnaire
Yung mga nasagot mo din dito ishade mo na din, sigurado ka din kasi sa mga sagot mo dito. Bilangan mo ulet tapos iadd mo dun sa sure ka sa 1st reading. Nadagdagan na yung SURE POINTS mo.
End of questionnaire? Go back to start!
3rd reading. Dito na pumasok yung mga hindi mo nasagutang (2) dun sa 2nd reading tsaka yung (3) and (4) scenario questions nung 1st reading. Ganto sila sasagutan:
[1] By Epiphany - basahin lang ng basahin yung question, magugulat ka na lang bigla mo maalala yung sagot. This happened to me!
[2] By Trial and Error - Refer to the 21-gon diagonal example from Part 1. Hindi kasi ako sure, kaya madami akong ginawang trials bago ko nilagay yung sagot ko.
[3] By Back-Substitution - Parang ang unethical noh? Well, that's the downside of multiple choice. One of them is the true answer, you just need to use them all. Given na may oras ka. Dito pumapasok yung pagiging mabilis mo sa 1st and 2nd reading. Para magkaron ka ng oras gawin to.
[4] By Deduction - Mas kilala ito sa tawag na 50-50. Ang gagawin mo, tatanggalin mo na yung dalawang choice na sa tingin mo improbable. Pano mo malalaman? Instinct and Intuition. Pag andun ka na, magugulat ka sa reasoning mo. Basta alam mo, hindi pede yung mga sagot na yun. Magandang i-couple ito dun sa back-substitution. Para dalawa nalang yung i-ba-back-substitute mo.
[5] By Reading - Yes, you read it right! Pwedeng gumamit ng Handbook! At maraming information sa Handbook lalo na yung basic Process Control. DUn ko nakuha yung answers ko sa Process Control eh.
Magkakaron ka ulet ng ilang sure answers dito. Wag kalimutan idagdag yun sa SURE POINTS mo. Tapos bilangan mo din yung mga numbers na may sagot na pero hindi ka sure pero mataas ang chance na tama. Isulat mo din yun sa scratch mo with the caption: TENTATIVE POINTS.
Tandaan na mag-ingat sa pagsheshade ah!!!
Tapos na ulet? You know the Drill!!! Isa pa!!!
Homily. Eto na yung mga hindi mo talaga alam. Ginamit mo na yung 5 ways to get the answer sa last reading pero wa epek. Eto na ang chance mong magdasal at magtawag ng anghel para ilaglag sayo yung sagot galing heaven, o ng demonyo para ipukol from hell ang sagot. In other words, HULAAN MO NAH!!!! Dito na pumapasok yung Chamba factor!
GOGOGOGOGOGOOGOGO!!!
Bago ipasa ang papel. Tandaan ang SURE POINTS at TENTATIVE POINTS. Gawin ang pagkuha ng mga ito sa tatlong araw ng exam. Para makuha mo yung Theoretical Grades mo.
Tandaan ang Exam weights according sa Chemical Engineering Law IRR:
30% Chemical and Physical Principles
40% Chemical Engineering Principles
30% General Engineering Principles
At para makapasa, kelangan ang grades mo sa lahat ng exam ay greater than or equal to 50%, tapos yung average nung tatlo ay more than or equal to 70%.
i-solve ang iyong Theoretical grades - Sure Average at Tentative Average
Day 1 + Day 2 + Day 3 | |||||
or TP | (0.3) | or TP | _(5)(0.4)_ 4 |
or TP |
(0.3) |
= SURE AVERAGE or TENTATIVE AVERAGE |
Yung Day 2, 80 items lang nun samin kaya may correction factor na 5/4.
hmmmp... Sure Average ko ay 65.7. Tentative average ko ay 86.1.
Ang Grade ko ay...
In between ng dalawang yan! Whahahahahh!!!
- Icheck sa PRC kung pede ba gamitin sa Board exam ang Calculator mo. In general stringent sa Sharp brands. Ay meron nung nagtake ako hindi pinagamit ng Calcu nung 1st day! Kakaloka!
- Masterin ang Calcu na gagamitin. Stats, Calculus, solve function, equation function. Lahat na! Super helpful nya promise! Mas mabilis makapagcompute.
- Wag pag-aksayahan ng oras ang vague questions. Yung mga wala namang given sa problem pero pagdating sa choices may mga figures. Laktawan. Intayin ang announcement. Pag malapit na matapos ang time, i-treat as (3) scenario question.
- Iwasan sumagot ng letter E. Trick letter yun.
- Kumaen pag gutom. Pwedeng kumen pag nageexam. Ako nga Egg and ham clubhouse sandwich ang dala ko at Jungle Juice! Elementary ang Peg!
- wag kabahan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
- Kahit pinalagyan ng Bond paper yung Periodic table sa Likod ng hard cover ng Handbook 8th edition, wag nang magkabisado ng atomic weights. Pwede nyo itong makita sa Properties of Pure Substances Table sa Chapter 1.
- Mag-CR na bago magexam. Sayang sa oras kung mag-C-CR ka pa on the exam time.
- Wag nang mag-aral before the 1st day of exam and after the 1st and 2nd day. Magrelax. Matulog ng maaga. Walang idudulot ang pagcracram mo kundi kaba.
- Dumating ng maaga sa venue. Mas mawawala ang kaba mo.
- Wag nang magpapalit palit ng sagot. Nagiging sanhi yan ng pagkabagsak.
- Please read my article regarding the Legend of Uncertainty Principle: Totoo ba ang When in doubt, choose b or c'?
Finally na tapos ko din ang second part!!! woohoo!!! Goodluck Future Chemical Engineers!
0 comments:
Post a Comment