Ang lansa!!! Ang lansa lansa!!! Ang lansa lansa lansa!!! Ang lansa lansa lansa lansa!!! ... Ang lansainfinity!!! - dating tindera ng baboy na ngayon tindera na ng isda
Kahapon 1st time namin nameet si Sir Tengkiat. Sya yung prof namin sa CPI or Chemical Process and Industry. Like ko yung shirt nya fav ko yung color. Medyo wala akong narinig na magandang comment sa kanya. Laging nega. Naninigaw, nagmumura, mga chorvang ganun. May bad encounter pa naman kami sa kanya before. Basta sa huling part nung encounter na yun ang sabi nya “Humanda kayo sa 4th year nyo!” And what do you know! 4th year na kami at sya yung prof namin! Che!
Medyo matagal din bago sya nagsimulang magdiscuss. Kasi nasa powerpoint yung discussion material nya. Eh wlang gumaganang projector. Kaya hayun, makailang beses din nagpalipalit na projector, walang bisa. Kaya he decided nalang to read from his laptop.
Ayan na discussion proper nah. Syempre ang mga set of rules nya. Ayaw daw nya ng may malelate. Ayaw daw nya ng kumakain sa classroom. Ayaw nya ng late magsubmit ng requirements. Ayaw nya ng natutulog. Ayaw daw nya ng nagchichizmisan sa classroom. Sya daw mamimili ng magkakagroup etc. Ang haba din nun ah. Ang nagustuhan ko lang sa rules nya eh yung ipapadala nya lahat ng powerpoint nya sa yahoogroups namin.
After ng set of rules, nagsimula na ang a little overview ng Chemical Engineering Profession. Super tinira niya yung mga BS Chem. Overlou talaga! At ang mga I.E. Hindi rin nakalusot! Nagkwento din sya tungkol sa mga plants (planta ha hindi mga halaman). Andami kong natutunan sa kwentong iyon. Medyo nagooverload na nga kasi marami din akong natutunan dun sa naunang subject namin before CPI.
Syet naloka ako sa huling topic nya! World history itu! World War I. Nung naassassinate ang Archduke ng Hungary-Austria ng isang Serbian spy, nagsimula ng World War I. Syempre may mga alliance ang Hungary-Austria at Serbia. Eh yung gumagawa ng mga bala eh ally ng Hungary-Austria, san ngayon kukuha ng bala ang Serbia? San pa edi sa sarili nila! Basta kelangan nila ng Nitrates! At san sila kukuha nun? Sa mga chorbels ng paniki! Pag gabundok na hukayin at i-separate ang Nitrates! Mabuhay naman diba! Bongga ang mga tae nung mga paniki nung araw! Kalerkey!
World War II. Rubber industry yung nagbuboom. Kaso super hirap kumuha ng natural rubber dahil hindi mo pwedeng justohin yung pagkuha dahil mamamatay yung puno. Bukod pa dun limited lang yung number nang mga rubber tree noon which gave rise to the synthetic rubber industry.
Feeling ko talaga nung mga panahon na iyon sasabog na yung utak ko! Overloaded na sa information! Nakakaloka! Meron pa akong nalaman pang isa pa! Ang binabayaran pala ng mga tao sa gasolina ay yung octane content. Ang maximum na octane percentage na pwedeng bayaran ng mga consumer ay 93% lang. So, ang presyo ng gasolina divided by 93. yun angt presyo ng octane na binabayaran ng consumer.
Pero meron pa akong gustong sabihin! At gustong gusto kong ikowt si Manang na dating tindera ng baboy at ngayon tindera na ng isda! Che!
0 comments:
Post a Comment