"Ang kaibigan ay hindi yung taong kausap mo araw-araw, o kasama mo lagi-lagi. Ang kaibigan ay yung taong nagparamdam sayo, kahit isang sandali, na walang problema sa mundo, na kumpleto na ng iyong buhay, at pwede ka nang mamatay at maglaho, dahil nakaramdam ka na ng kasiyahang di mapantayan kahit langit." - Dilang Anghel
Siguro nga tama nga yang katagang yan. Kung kaibigan lang na nakakasama araw-araw, marami ako nyan. Super dami. Lalo na ngayong nasa Central Student Council ako, halos araw araw marami akong nakikilalang mga bagong kaibigan.
Nung nabasa ko yan sa bagong bili kong libro na pinamagatang Dagta: Antolohiya ng Erotika, nagulantang ako. May point kasi eh.
Masasabi kong sa Central Student ng Council, marami akong kakilala, at nakilala. Pero kaunti lang talaga ang nakakakilala sa akin para talagang maituring ko silang kaibigan. Madalas kasi hanggang dito lang talaga sa Council ang komunikasyon namin. mapipili mo lang yung mga taong kahit wala kaming communication, sila pa din yung mga taong alam kong mapagkakatiwalaan ko.
Namimiss ko talaga yung mga High School friends ko. Sa kanila ko talaga naramdaman yung contentment. As in kahit magkakasama kami, tapos walang nagsasalita hindi awkward. We have that comforting silence. Yung minsan, hindi na kelangan ng salita yung mga gusto mong sabihin. Basta alam mo, yun ang kelangan mong gawin para sa mga kaibigan mo. Yung kahit minsan nalang kami kung magkita, nandun pa rin yung closeness. Kung ano sila nung huli kong nakita. Ganun pa din sila.
Minsan tinatanong ko sa sarili ko, mabuti kaya akong kaibigan? Ang alam ko oo, pero syempre, iba-iba pa rin ang isip ng mga tao.
0 comments:
Post a Comment