Sabi ni Jarry 6am daw ang call time. So, nagdecide akong gumising ng 4am. Mabagal talaga kasi akong gumalaw pag bagong gising. Himala nga eh, naunahan ko pang mag-ring yung cellphone ko. Pero mga 5 seconds lang naman. Morning ritual. Saktong 5:30 am nakaalis nko ng bahay.
Mabilis lang ang byahe. Mga 5:45 am nsa UST vicinity nako. Bumili ako ng breakfast sa may ministop sa dapitan, sabon, shampoo, wax, etc. Pati nga pala dyaryo dun din ako nakabili. Sarado yung dapitan gate. So umikot pa ako sa may A.H. Lacson gate para makapasok. Ang meeting place ay sa may AMV lobby. Naku! Mukhang wala pang tao. Ako yung nauna. Andaming nagjojogging. Pinagtitinginan ako. Care ko. Excuse me, may ID ako.
Hindi rin ako naghintay ng matagal. Dumating si John. Then si Jules, tapos si Chesca, si P.I., ang may ari ng lugar na pupuntahan namin, si Jarry. Tapos ang super duper late na si Mon, na dumating nung paalis na kami.
Sumakay kami sa isang rental van sa harap ng UST-Mcdo. Si P.I. sa harap. Si Jarry at Mon dun sa 1st car seat, ang lovebirds na si Jules at Chesca sa 2nd car seat, tapos si John at ako sa 3rd car seat.
Nung nasa SLEX na kami. Tumawag si Belinda sa cell ni Jarry. It seems na pumunta sya sa UST for the trip. Unfortunately 8 am na sya dumating eh 7:30 am kami umalis. Late na talaga sya.
Hindi ko makakalimutan ang byaheng yun papuntang Taal, Batangas! Dahil super nahilo ako! Hyper magpatakbo si Kuya Driver! Halos masuka ako! Buti nalang ginamit ko ang Control-my-hilo-ni-jutsu kaya hindi ako gumawa ng lugaw dun sa van. Super magovertake parang lilipad na kami sa loob nung van! Haaay! I was so glad nung bumaba na kami sa sasakyan na yun! Sobra!
Si Jar-jar nung nasa SLEX kami si PI kumuha nyan.
Kaming lahat bagsak sa sobrang hilo sa byahe.
Dumaan na kami ng Tagaytay, tapos nakarating din kami sa place called Lemery. Dun nadaanan namin yung Ospital na pagmamay-ari nila Jarry. Dun talaga napaisip ako na mayaman sila Jarry. Pero hindi ko masyadong pinansin. We crossed a bridge turned right and then left to a slope. Grabeh, ang hirap magpasok ng sasakyan dun, andaming mga batang naglalaro! Tinanong ni Jarry yung mama kung pwede kaming pumasok dun. Akala nga namin yun na yung house nila. Pero nashock ako nung nakita kong its just a lot. Bumaba na kami sa sasakyan, at sinundan si Jarry patungo sa house nila.
Hindi rin naman malayo ang nilakad namin. Nasa bungad din lang pala yun nung entrance nung lot.
1st reaction ko.... XETTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!! ANO TO!!!!??? RESORT??? WTF! Ang unang makikita mo kasi yung sobrang puting gate nila Jarry. Mula sa labas, ang view eh yung sa right side may bahay na 1 story lang, na may kotse sa harap ng pinto tapos may medium sized tree na napapalibutan ng ng ring like table with na may katernong mga chairs na pinasadya kasi yung design nya parang puno din. Sa left side, it's like an open bar. May videoke machine, tapos may table and chairs. Feeling ko dun ang inuman ng mga barako. Sa gitna. Kita mo pa ang isa pang bahay. Tapos likod ng isang Basketball Court. At isa pang puno na mas malaki kesa dun sa kanina tapos same design din. May table and chairs na pasadya. Oh I forgot to mention, may MGA sekyu sila. Ang yaman! Xet!
Para makapunta ka dun sa main house dadaan ka sa isang chinese style na bubong. Parang yung sa chinese garden ng Luneta, ganun. Chinese lamps, and ilang lights na nakabaon sa lupa. Chinese garden nga ang look nun. Pag tumigil ka sa kabilang end nung Chinese walkway, pag tumingin ka sa kaliwa, makikita mo yung collection nila ng birds. Kwento ko later yung mga yun. Sa right, yung court at isa pang bahay. From that point also mkikita mo na nakaelevate pala kami. May way papunta sa taas into a wooden house, then sa baba into a dining area. and to the pool. Sa left side nung lowest part ay billiard table kung saan may 1 restroom at isang bedroom na i think is really for the guests. Then sa right side naman ng lowest area is the pool, and a gate leading to another house.
Dinala kami ni Jarry dun sa may taas, sa may wooden house. Pinapasok kami dun sa isang room. Nagchillax muna kami dun. Music mode using yung mga ipod ng mga tao. Muntik pa nga sirain ni Mon yung reclining chair nila Jarry. Hindi sya kinaya!
Chesca sitting on the reclining chair
Tapos nag-aya magbasketball si Mon. Nagpalit din si Jules ng panlaro pati si Jarry. Naglaro sila with Jarry's Kuya. Habang ginagawa nila yun, nagchicheer naman sina PI, John and Chesca, while taking pictures. Ako? Nagwawala sa loob nung room sayaw ng sayaw sa different songs dun sa ipod ni Chesca. After ko magwala pinuntahan ko yung cages nung mga birds nila Jarry. (literal birds ah)
Ayan ang game nila.
Let us give the floor to the boys na kasama ko sa trip na naglaro ng basketball.
Si Mon
Si Jules
At syempre ang principe nga lugar na ito, si Jarry
Anu itu? nag-aadvertise? =D
After nun, inaya na kaming kumain. May celebration pala. Nakapasa kasi sa Bar yung kuya ni Jar-jar. Nagulat kasi kami may catering, akala nga namin nung una, araw araw naka-cater sila Jarry eh. Infairness masarap yung food. Lalo na yung pudding. Syempre, kulitan mode yun, nandun si Mon eh. After that nagchillax nalang muna kami sandali sa room then pumunta kami dun sa hostpital nila Jarry.
Sumakay kami sa teal green na van nila Jarry, si Jar-Jar pa nga yung nagdrive eh. May kasama kaming isang tauhan nila. Off we went to the hospital. Ang Our Lady of Caysasay Hospital sa Lemery, Batangas. Infairnalou, napaka-modern ng facade ng hospital nila ah. Talagang mayaman ang may-ari. Ni-tour kami sa loob.
Ang first floor:
Maraming tao. Hindi naman sobrang dami. Pero there is enough volume para mafeel mo na special ka kasi pinagtitinginan kayo. Ayon sa nabasa kong poster dun sa hallway, Dr. Hernandez daw ang president ng hospital na yon. And I know for a fact na ang middle name ni Jarry ay Hernandez. Bongga!
2nd Floor:
Wala nakidaan lang kami. Chorva lang.
3rd floor:
Dito yung Maternity ward. Dyan daw kasi nanganak yung sister-in-law ni PI. Dito may nurses dun sa Nurse station. Kaso wai akong nakitang papalou, kasi bektas din yung isang male nurse.
4th floor:
May mini prayer room. Ang cute nung itsura. Tas may napansin nako sa mga pangalan ng wards nila. Pinangalan sa mga symbol ni Mother Mary. Our Lady of Manaoag. Mga Chorvang ganun.
5th floor:
Hindi pa tapos gawin eh. It's like a gym. Pero may mga functional rooms dun. Pag timingin ka sa kaliwa, may isa pang set of stairs, leading to a meeting room na ang bonggang bongga kasi mukhang dun nagmimeet yung Board of Trustees. As you go further makikita mo na nandun din yung staff lounge tsaka yung medicine room.
And on the farthest side makikita mo yung isang computer shop na hindi pa bukas. Siguro kasi bagong gawa lang din yung hospital.
After that bumaba na kami using the elevator. Kamukha nga yun nung elevator ng TYK eh. Sa baba sumakay na kami ulet ng van this time yung staff na kasama namin kanina na ngayon yung nagdrive. Pumunta kami sa Our Lady of Caysasay Church. Naglibot-libot. Ang feel ko nga nakapunta nako dun before. Feel na feel ko talaga sobra. Malaki yung Church, halatang medyo matanda na rin.
Nung sumakay kami ulet sa van, uuwi na kami. Pero before that, kelangan muna namin maniobrahin yung van. Unfortunately, walang space dun sa harap ng Church to do that. So pumunta kami dun sa school na katabi nung Church. Our Lady of Caysasay Academy. Yung school ni Jarry nung High school kung saan sya ang uber so sikat kasi ang dami nyang inaatupag nun. Classmate nya din nun yung classmate ko ngayong si Nathan. Sila pala yung Spokening Dollar na school sa Batangas. Pati yung sekyu nila spokening dollar din! Kalerkey. Pumasok kami sa school nila. Umikot dun sa quadrangleat lumabas din sa gate na pinasukan namin.
At sa wakas pauwi na kami kina Jarry. Grabeh, andami rin naming pasikot sikot at voila! Nagulat nalang kami nandun na kami sa harap ng gate nila Jarry.
Kumain kami ulet, ngayon medyo nagkukulitan na kami nila Jules at PI. Kasi nung first meal namin dun napagkwentuhan namin yung bara barang pagdrive nung driver. Ngayon nagkukulitan kami, ang sabi, mamili na ng pagkaing isusuka mo mamaya pag-uwi. Usual, negligible nanaman si John (I'm so bad!).
After ng konting sandali para magpahinga, uuwi na yung mga taong hindi pinayagang mag-overnight. Sina Jules, si Chesca, at si John. Binayaran na rin ni Jarry yung driver nung pauwi na sila. Hindi ko maalala kung nag-ambag ako dun eh. Pero uber yaman naman nila Jarry so I'm sure kaya nyang bayaran yun. After we said our goodbyes, tumambay kami dun sa 2nd floor nung katabing stone house nung wooden house (getz mo?). It's an open space, with a very high ceiling. Dun kami nagchillax chillax. Nag-goodbye rin sandali si PI kasi pinapauwi sya ng parents nya sa kanila. Taga dun din lang kasi siya.
Infairness ang sarap dun sa place na yun. Ang lakas kasi ng hangin. May bagyo kasi that time. Uber lakas ng hangin. Walang ganun sa Manila! Clean high velocity air! Nakikinig lang kami ng music sa cellphone ni Jarry and then later sa cell ni PI nung bumalik na sya. Si Jarry naman ayun, tahimik, hindi mo makausap, super busy sa paglalaro ng Smackdown sa PSP ni Mon. Tapos paminsan minsan dumadaing ng sakit kasi yung singaw nya dahil sa braces nya tapos may saket pa talaga sya nun. Kami ni Mon, nagkwentuhan ng kung ano ano.
After a while nung mag-gagabi nah. Tinawag kami nung kuya ni Jarry para kumain. Which we did. Kumuha kami ng pagkain dun sa bilyaran, tapos dun kami kumain sa dining area nila. Dun yun sa middle altitude house na halos kapantay ng court. Syempre kulitan mode pa ren. Kahit kaming apat na lang. Si Jarry ayun tahimik pa din, uber bagal kumain kasi nglalaro pa rin nung PSP. May napapansin ako twing kumakain si Jarry. Super bagal tapos marami kung kumuha then marami ring matitira. Siguro tatak mayaman lang talaga yun. Mon and PI took desserts for us. Fresh Fruits, buko pandan, and a plateful of pudding. Kwentuhan mode ulet sa may living room area which was just across nung dining area. Again, hindi na naman makausap si Jarry busy sa PSP. Nakipagkwentuhan din yung isa pang Kuya ni Jarry. I'll call him, Bossy. Kasi Bossy kasi talaga sya. Nagmamagaling masyado. Leche!
Nagdecide kaming bumalik dun sa 2nd floor open space with high ceiling room. Balik sa mga dating pwesto. Ako nag-iisip kung pano ko isusulat sa blog yung trip na yun. Si Mon at PI nag-iisip ng title para sa Thomasian Welcome Walk. Si Jarry, ayun PSP boy. Mga 11pm- 12mn mga nakatulog na ang mga tao. Ako kasi nag-iisip pa din. Mga around 12mn sabi ni Jarry, dun daw kami sa may bilyaran matulog.
Bongga yung room ah! May aircon, may comforter yung kama. Tapos may extra bed pa dun sa ilalim. Ako pumuwesto kagad ako dun sa right side ng bed. Aba! Ayokong matulog sa lapag ano! In the end, kami ni Mon yung sa kama, si PI at si Jarry, na nagPSP hanggang madaling araw, nasa matress sa lapag.
Nagkwentuhan kami ni Mon, si Jarry PSP, at si PI, well, kumukuha ng pics namin ni Mon. Medyo madilim yung mga kuha nya. I did the liberty of filtering the images in the picture. Sa left yung actual, sa right yung filtered version
At ito ang pinaka da best sa kuha ni PI!
Hindi ko namalayan nakatulog na ako.
Nagising akong tulog pa ang lahat. So pumikit na lang ako at nag-isip. Kung dapat ko na nga bang sabihin kay Jarry ang party affiliation ko. Naramdaman kong gising na si Mon, at si PI. Si Jarry tulog pa din nakatakip yung mukha. Siguro hindi tinigilan yung PSP, na nung time na yun eh nakasaksak na at nagchacharge.
Dumating yung Kuya ni Jar, si Atty. Ginsing sya para kumain na kami ng breakfast. Pagkagising palang ni Jarry ang unang hirit nya, “Mon PSP.” Adik! Hihi! Pumunta kami ulet dun sa dining area. Nandun na yung pagkain. You can eat rice, with lots of fried foods. O kya tinapay from a sosyal bakery with the palaman of your choice. Tapos ang dessert namin, isng choco-caramel cake. Actually choco keyk lang sya. Pero nung tinikman ko kasi, may caramel yung pinakafrosting coated under the chocolate. Tapos ako lang pala ang umiinom ng kape sa kanila.
Chillax chillax muna kami. Si PI at Mon, nagswimming, si Jarry PSP usual. Ako, bumalik dun sa kwarto nag-isip at nakatulog ulet. Pagkagising ko, nagswiswimming pa den yung dalawang baboy, si Jarry PSP pa den. Ako naisipan kong libutin yung Bird Cages ulet. Nakakatuwa kasing pagmasdan yung mga ibon. Makukulay kasi, may mga red, nalilikot, mga gray birds na alam kong iba't ibang specie pero nasa isang cage lang. May pair of yellowgreen birds na super ingay. Ang pinakagusto ko yung lone green bird na super behaved. Ang ganda kasi nung feathers nya, ang kintab! Dun sa kabilang side, may mga love birds na iba iba yung kulay, ang cute nila pagmasdan. Ang mas kinagulat ko nung makita ko yung pair of medium sized eagles. Alam kong eagle sila kasi nakita ko yung lalagyan ng food nila na meat ang nakalagay. Pero dito sa isang ibon na ito tuluyang nashock! Isang extra large size na EAGLE! As in EAGLE sya! Compared sa ibang cages sa kanya yung pinakamalaki! Pati yung lalagyan nya ng food, LALAGYAN din! Naligo na rin kami in preparation for our departure later.
Dahil medyo alanganin na kaming kumain kanina. Medyo maaga-aga yung lunch namin. Kumain nanaman kami. After that, we decided na mag-ayos ayos na kmi ng gamet para sa pag-alis namin. After a few tips from Mon, dun sa pinsan ni Jarry, tungkol sa PSP. We finally said our goodbyes to Jarry's family.
Sumakay kami ng trike to Lemery. Si Mon ulit yung katabi ko sa loob ng trike, while si PI at Jarry dun sa likod ni Kuya trike driver. Bumaba kami sa Hospital nila Jarry. Dun namin ni-meet yung sasabay daw sa amin to Manila. Walking distance nalang pala yung sasakyan namin to Manila. Sa ospital nagpaalam na sa amin si PI kasi next week pa daw sya uuwe. Si Mon, at Jarry magkatabi sa harap ako katabi ko si Ateng na sumabay sa amin to Manila. Nakasalansan yung bag ko at bag ni Mon, habang nasa lap ko yung bag ni Jarry. Mas magaang kasi yun eh. Napuno na rin yung van. At sa wakas umalis na kami.
On the way palabas ng Taal medyo ok yung byahe. Yun nga lang, hyper magturn yung van namin. Buti na lang tinuro sa ken dati na ishift ko yung weight ko when turning para hindi ako ma-out of balance. Nung dumaan kami sa Tagaytay, medyo nakakaexcite yung daan namin. Dahil visibility almost 0% na. Hindi naman, inexaggerate ko lang. Pero kasi, sa bangin kasi yung zigzag road na yun, tapos ang fog grabeh super kapal! Buti nalang mukhang sanay magdrive sa ganun si Kuya driver kaya hindi kami napapaano. Lumabas din kami sa sea of clouds na yun na safe kahit na nasa loob pa rin kami ng zigzag road. After pala nun eh SLEX na, kaya medyo kampante nako kasi alam ko na kung nasan kami. Medyo tulog na this time si Jarry at Mon.
Mas mabilis ang byahe namin this time kasi ng flyover na si Kuya eh. Ang last stop nung van eh sa harap nung mall across ng bus station sa tabi ng Arellano University Pasay. Tumawid kami papunta sa harap ng AU at nagdecide na magtaxi na to UST. For the first time ever, katabi ko si Jarry.
Si Jar na rin naman ng bayad eh. Kakain na muna raw sila Jarry and his cousin sa McDo may mass daw kasi dun sa labas ng house nila eh. Kasama si Mon kasi nagpasundo daw sya. So nakijoin na rin ako! Kumain kami sa Mcdo habang pinagkwekwentuhan yung mga nangyari. Kung pano inasar ni Mon si PI ng Na-ulan, Na-kulog, na-uwi, the Batangeño accent. PI, na-kain ka naba? Gusto mo maglaro ng Na-ruto? Nakakatawa talaga!
Tapos nag-uwi na kami. Ansayasya talaga ng trip na yun!
Pag-kauwi ko. Tinext ko si Jar-Jar.
Nakauwi nako! Salamat ah! Nagenjoy ako! =D
Nagreply naman sya at sinasabi nya sori na wala sya sa mood kasi masakit yung katawan nya. Ang sabi ko naman ok lang kasi alam ko naman ang kalagayan nya.
=D
At sa wakas nagawa ko na rin to! After such a long time! Isa lang talaga ang masasabi ko. Ang yaman nila Jarry! Mukhang resort ang bahay! Parang sina Donky! Sana kina Lady Seo naman ako makapunta next!
4 comments:
you should also come and try to visit Blue Coral Beach Resort located in San Juan Batangas ...
or try some beach resort in balete they also have scuba diving out there
Batangas has so many wonderfull view. you should try mataas na kahoy
ang dami talgang mgagandang lugar at masasarap na pagkain sa batangas batangas
im proud to be batangueno
Post a Comment