Nung mga nakaraang linggo lagi akong naka-unli sa globe. Tipong 5 days lagi. Bukod sa mas mura na, mas matagal pa yung unli. (ay! Plug ba ito ng unli?) Hindi lang naman dahil dun. Dahil gusto ko pag nagtext sya, hindi ako manghihinayang na magtodo reply. Ewan ko ba sa sarili ko. Sabi ko naman kahit na magkaron ng posibilidad na maging kami, hindi ko pa rin sya papatusin. Pero hindi ko talaga makakaila na twing tumutunog ang cellphone ko, laging hiling ng puso ko na sya yung nagtext. Siguro kasi I'm too fond of him. Lagi kasi sya yung inaalala ko. Gusto ko kasing ibalik yung kabaitan na pinapakita nya sa akin. It looks as if napakaliit na bagay lang yung ginawa nya pero napakalaki nun para saken. It really affirmed my current goals in life.
Lagi akong maingat sa mga sinasabi ko at ginagawa ko sa kanya. Ayoko kasing umabot sa point na iwasan nya ako dahil nahahalata nya yung concern ko para sa kanya. Hindi man super big yung mga favors ang nagagawa ko for him, I'm sure kahit little things may nagagawa pa rin ako, na nagpapasaya na rin saken.
2 lalaking talagang pinahahalagahan ko. Dalawang lalaki, iisang pangarap. Alam kong kahit wala ako sa buhay nila, matutupad nila pareho. Masaya nakong tignan sila, sa lungkot at saya. Pero sana, hindi ako mabura sa kanilang alaala.
Che! Ang drama ni Wilberta Dyosa! Pasukan nah!
3 comments:
eto pa lang ang sinasabi mo. :D
ako din, naging masipag akong magtext dahil lang sa iisang tao.
tapos in a snap biglang poof di na naman... taena lagn.\
hahahhaa/
sabi nga ni kim sa my girl...
"nadala ka lang..."
nadadala lang ako ng kabaitan niya. waaaah! taena. haaay :(
well sana maging masaya kayo
ni
"niya"
"kanya"
"sya"
"him"
etc...
@superboi
Ay bangay saken yung sinabio ni Kim! Che!
@Patty
Che!
Post a Comment