Matagal tagal na rin kaming hindi lumalabas na magkakabarkada. Ang dahilan? Busy kaming lahat! Si Av: sakristan sa Quiapo, sobrang daming pinapagawa dun; Si Juancho: sa Informatics nag-aaral, trisem; Si Ghie, Nursing student, duty to the max; Si Jebs, bukod sa Nursing student na, adik pa sa dota at ragna; Si Whel, Nursing student din, duty, babae, aral, aral, Shelby, babae, duty, Shelby, Shelby, Shelby, yan ang buhay ng batang yan; Si Manong, one of the premiere I.T. Students of the country, OJT, tapos si Boss pa inaatupag nya; Si Boss, Nursing din, strict ang parents!; Si Ate Res, ayun, laging nakaklimutan itext; Tapos ako, ang Dyosang todo update ng blog, Director ng Thomasian Project 4 ng UST, Staffer ng UST-Central Student Council, Cultural representative ng UST Chemical Engineering Society, Paraparaparadise Enthusiast, Legal officer ng SIKLAB at isang mabuting anak, (Chos!);
June 9, 2008, ni-celebrate namin ang birthday ni Juancho. Rich kid si loko! Andaming datung! So fly kami to SM San Lazaro. Magkakasama kaming pumunta dun, ako, si Jebs, si Ghie, at si Juancho. Sa foodcourt, as usual, dun na namin hinintay yung iba pa. Syempre nandyan yung kulitan eklaverva. Lalo na si Jebs, nung narinig namin na pinatutugtog nya sa cellphone ni Ghie yung “Until I get Over you” ni Christina Millan, ay sus! Katakot-takot na pangangantyaw ang ginawa namin sa kanya. So hindi pa sya nakamove on sa ex nya?
Pinasunod ni Ghie yung boyfie nyang si Raffy, nauna pa ngang dumating yun kesa sa ibang barkada. Ang masasabi ko... MAS GWAPO PA AKO SA KANYA!!! Che!
Napag-usapan namin kung sino ang unang dadating, si Whel ba o si Averi? Silang dalawa nalang kasi yung hinihintay. Si Manong may lakad daw with the family, si Boss, nasa Las Piñas, si Ate Res, ayun nakalimutan ngang itext. Lahat kami in unison, si Whel ang unang dadating. Well, sa record kasi namin, si Averi yung laging huling dumadating, wala pa talagang lakad na naghintay sya. Kasi lagi syang late or susunod sa venue. Muntik ko na ngang ipusta yung pagkabakla ko eh . Buti nalang hindi! Dahil (sing with me) por da perst taym hindi sya yung huling dumating! (pero late pa rin!) Tapos after 5 mins or so, si Whel naman yung dumating. Infairness ang payat na nya talaga.
Umakyat na kami sa 3rd floor, kasi ang main agenda talaga namin dun ay manood ng sine. Ako talaga gusto ko panoorin yung Sex and the City pero kasi yung 1st movie airing nya nung araw na yun ay 6:50 pm pah. Eh 4:45 pm or so palang nun. Nakakinip kung maghihintay pa kami. So we decided to watch, Kung Fu Panda nalang. Aba! Ang SM Movieworld ha! Nag-implement ng Reserved Seats chuvalou! Parang yung sa gateway! Akala mo naman special screening! Che!
Nung nakapasok na kami sa cinema, pumunta kami sa top most group of bleachers at umupo dun sa first row, napili namin dun kasi merong steel bars sa harap. Para nga kaming nasa bahay, nakataas pa yung paa habang nanonood nung movie! Bongga! Syempre ang pinaka-aabangan ng lahat, ang.... TRAILERS! May bagong lalabas na movie si Angelina Jolie. It's entitled WANTED. Mukhang maganda sya, kasi, pag bumaril sya nagcurve yung trajectory nung bala horizontally. (Hindi mo mapicture? Panoorin mo yung trailer!)
Masaya yung Kung Fu Panda. Watch it! Lalo na if your watching it with your friends at lumalamon kayo ng sandamakmak na popcorn, potato salad, and cheps! (ganyan po talaga ang tawagan namin sa chips)
Matapos ang movie, hindi na rin kami nagtagal. Sumakay na kami ng jeep papuntang Pritil. Pero syempre, sagarin ang grasya! Nagdota pa kami! And we know just the place! PAVIA! So fly kami dun, pero nagpaalam na si Ghie nun along with her hubby. So Dota kami, 2 on 3. Jebs and birthday boy Juancho vs Whel, Av, and moi. Luna Moonfang and Black Arachnia vs. Kardel Sharpeye, Lina Inverse, and Rylai Crestfall. Andaya ni Jebs! Late syang pumili! Tas Moonfang pa yung pinili nya! So in the end, talo kaming tatlo. Strength type si Black Arachnia. Laki buhay. Tapos si Greedy Jebs na super adik magdota! Bitter? Wahahahhaha!
After that, sabi ko bibili lang ako ng choco pie dun sa Liberty sa may kanto. Bumili din si Whel at Juancho. Xet! Ang sarap talaga nun! Habang naglalakad, tiniran ko si mom para matikman nya yung choco pie na yun na nakwento ko sa kanya. Umuwi na si Juancho by that time. Happy Birthday Juancho! Sigaw namin sa kanya habang papalayo na siya. Si Whel naman, naconscious na chocolate yung kinakain nya, kaya hindi inubos yung choco pie nya. Binigay nya na lang saken, nag Please everlou pah. Naku kung hindi ko lang love yung... CHOCO PIE! Wahahahhahaa! Love ko din yun noh! Si Whel! Kinain ko na rin yung choco pie.
Nagdecide kaming magstay muna kina Jebs since ang pasok ni Jebs ay 1 pm pah at kaming tatlo naman ay walang mga pasok. Pinanood namin yung The Girl Next Door. Maganda sya infairnalou. It stars Elisha Cuthbert (tama ba yung spelling?), yung bida sa American remake ng My Sassy Girl. It's all about American High School. You know, about the losing your virginity thing eklavou!
Natapos ang movie, kwentuhan mode. All the while na nanonood kami nung movie, nakahiga ako sa balikat ni Whel. Ewan ko, lagi ko naman syang ka-chat pero namiss ko talaga sya eh. Habang kwentuhan mode, nakahiga pa rin ako. I was making all this funny faces habang nagkwekwento si Whel, tawa tuloy ng tawa si Jebs. Nyehe! Meron daw gustong sapakin si Whel na classmate nyang bading. Eh pano! Predator ang drama ni gaga! Gustong halikan si Whel, gustong manghipuin yung nota. Ano ba naman yan! Excuse me! Isa lang ang bakla sa buhay ni Whel at ako yon! Che!
Siguro matatagalan ulet bago ulet namin magawa yung ganun. Yung usap usap, feel good with the silence. Busy kasi talaga eh... 4th year na kami!
Happy Birthday Juancho! Your crossed out na yung name mo sa Teen Calendar! Ahahahahah! Naku ako rin pala malapit nah! *gulp*
Hindi nyo birthday to! Birthday ni Juancho to!
Author: Wilberchie Posted under:
BnBp,
Yours Truly Wilberchie
2 comments:
akala ko kung sinong juancho na yan ibang juancho pala...
oo! Hindi kapatid ni Donky
Post a Comment