”Sinong binoto mo mo nung last elections?”
Nagulantang ako! Natigilan ako grabeh! Pero mga 10 milliseconds lang naman. Pero hindi pa rin ako nakapag-isip ng isasagot ng maayos. Ang sinagot ko na lang. Syempre, yung binoto ko yung sa political party ko. with a big wide smile na mukhang tanga. Tatawa tawa pero ang totoo nagigisa ako.
Humirit pa si Jarry ng isa pang tanong.
”Ako ba binoto mo o nag-abstain ka?”
Syet! Oo. Pasisinungaling ko. Eh Nag-abstain ako eh.
Lalo pa akong nagisa nung tinanong nila ako kung sinu-sino talaga ang binoto ko. Masyado na nila akong napressure, kya nagreply everlou ako ng Basta lahat ng nasa partido ko binoto ko tapos!
Alam ko nung nalaman ni Kuya Cachi yung affiliation ko, one of these days tatanungin nya din sa ken un. Pero syempre, na-caught of guard pa rin ako sa tanong nya.
Kung handa siguro ako sa tanong na yon, malamang eto ang mga nasabi ko:
Q: Sinong binoto mo nung last elections?
A: Syempre si Arvin. Alam ko kasi ang capabilities nya. He was our Chairman in SIKLAB. Alam ko kung gano sya kaefficient at kaeffective as a staff as well as a leader.
Q: Binoto mo ba ako o nagabstain ka?
A: Abstain ako eh. Crush ko kasi si Abstain nun.
Q: Ano ba ang political party mo?
A: SIKLAB. Samahan ng mga Inhinyerong Kumikilala sa Lakas ng Bawat isa. SIKLAB! Burn in the passion to serve! Although we are the arm of Central AKLAS in the Faculty of Engineering, we still regard ourselves as an independent party that entertains no influences from the outside. SIKLAB was born in the Faculty of Engineering, and as its founding Legal Officer I will ensure that it shall give quality service to the Faculty of Engineering.
Q: Any message for LAKAS?
A: Isa lang ang masasabi ko. Pag bumalik na ang LAKAS arm sa Engineering, ang LIT, ipressure nyo sila na magproduce ng competent na Legal Officer na ipantatapat sa akin.
Nung pauwi na kami, medyo tahimik na ako. Kasi iniisip ko talaga ang nangyari kanina. Well, hindi naman ako padadaig sa kanila noh. I think sa kanilang lahat sa Council, ako ang pinakaexposed sa political chuva na ganyan. Nung napansin nila yun, nagpalusot nalang ako na iniisip ko kasi yung isusulat sa blog ko.
Nung kami nilang ni PI yung magkasama sa likod, kasi nagtakbuhan yung top two executives ng council, nasabi ko sa kanya na na-off guard ako kanina sa tanong.
Eto na ngayon ang last tanong of the day:
”Kung tatanungin ka ba, lilipat ka ba sa LAKAS?”
Nung una ang sagot ko hindi. Pero naisip ko. Masyado pang maaga para sabihin yun. Pero kasi, may slight chance. Lalo na pag hindi sinuportahan ng AKLAS ang Students' Code. Abay goodbye SIKLAB ang drama ko nyan! Pero kung tatanungin lang ako casually, at wala naman silang good reason yung baket kelangan ako lumipat sa kanila. Kahit bolahin pa ako ng mga pinakagwapong lalaki sa UST. No thanks! Masaya ako sa SIKLAB.
0 comments:
Post a Comment