Sa tagal ko nang hindi uminom ng Red horse parang naging neophyte ako ulet sa pag-inom nito. Baguhan. Niyaya kasi ako ni Ate Resban na sumama sa reunion ng St. Bernard. Ang St. Bernard ay pangalan ng isa sa section ng 4th year sa Holy Child. Hindi ako Bernardian kaya nahihiya talaga akong sumama.Eh si Ate resban mapilit, kaya ayun, sumama ako. So ako lang yung Athanasian (St. Athanasius ang section ko nun) ang kasama sa reunion party na yun.

Iilan lang din naman yung dumating. Yung nang-aya nga eh hindi rin dumating! Ang bruhang Angeline! Hindi ko rin mga close yung mga nandun. Pero syempre, kelangan makisama, party crasher ako noh! Medyo nainip din ako honestly, kasi nga sila sila yung nagkwekwentuhan kasi nga magkakaklase sila. Pero masaya na din naman akong nakikinig. Gustong gusto ko kasing nagkwekwento ang mga lalaki pag nakainom. Yun bang walang pretentions, as in defenses down talaga. Walang bias, kung ano talagang nararamdaman nya yun talaga ang sasabihin nya.

Pero sympre wala pa ring papalet sa puso ko sa mga boys ng St. Athanasius. Ako ang president nun, para akong naging ate at kuya sa mga kapatid ko na yun. Sila pa den ang malapit sa puso ko, kahit na marami akong kakilala sa ibang section dati.

Pero kahit medyo na-out of place ako sa lugar na yun. Meron pa rin akong natutunan.. Ang natutunan ko ay... HINDI AKO LASING NUNG NAKITA KONG NAKANGITI YUNG KABAYO SA BOTE NG RED HORSE! Eto ang proof!


Photobucket


Kaw din tol, di ka lasing, nakangiti talaga si Red Horsie na nasa left!