Kelan lang, nagkaron ng sunog malapit samin. Dun lang sya sa may Basketball court ng barangay namin. Sa isip isip ko, mabilis kakalat yung apoy kasi puro kahoy at tabi-tabi yung mga bahay dun. Naghanda na kami ni Mudra ng mga kailangan naming mga gamit, just in case na hindi na makontrol yung sitwasyon. Hawak ko yung kamay ng pamangkin kong si Nicole. Sabi ng mom ko, magdasal daw kaming dalawa ni Nica habang naghihintay kami ng balita mula kay Pudra. Si Pudra kasi yung barangay captain, kaya sigurado kaming nandun sya sa site ng sunog. Nung bumaba na si Mudra, nagsimula na kaming magdasal ni Nica. Pero actually, parang ako lang yung nagdadasal kasi hindi naman nagrerespond si Nica sa mga dasal ko.
For the 1st time in my life, nagdasal ako ng taimtim. As in buong puso ko't kaluluwa ay binigay ko sa dasal na yun. Kahit na medyo nadidistract ako sa TV kasi Dyesebel yung palabas nun. Pinilit ko talagang magfocus at magdasal.
Ni-dadsal ko na sana tumigil na yung sunog. Sana mamatay na yung apoy. Sana po walang masasaktan at mamamatay. Yan yung mga general na syempre una mong gusto dasalin sa Dyos. Pero in my case, meron pa akong isa pang hiling na talagang nagpatatag sa akin para hindi bitawan ang pagdadasal. Si RJ. Alam kong dun lang ang bahay nila RJ. Half-brother ko sya. Kahit hindi pa inaamin saken ng parents ko. Isa sya sa talagang pinagdasal ko na sana walang mangyari.
Awa naman ng Dyos, at ni Mother Mary, nung natapos ko yung Rosary, tapos na rin yung sunog. Isa lang ang ibig sabihin nito! Ganun ka strong ang bonding ng mga tao sa barangay namin. Nagtutulong tulong sa gitna ng kagipitan. Either that or pinakinggan ng Maykapal ang dalangin ko. Salamat po! =D
0 comments:
Post a Comment