Monday
Walang pasok! Leche! Ang Secretary General ng UST, nagcall ng suspension of classes Sunday palang ng 5pm. Ang kwento kasi, nastuck daw sya sa may Makati dahil sa bagyo! Kung hindi pa maeexperience, hindi pa sila magsususpend ng maaga! Eh kaso, ang panget! Dahil etong Monday na ito, ang sikat ng araw ang init! Kainis! Dapat Engineeirng lang ang long weekend! Lahat na tuloy!

Tuesday
Manila Day! Walang pasok! Naisipan kong magparapara ng araw na ito. Uso pa pala ang basaan. Kawawa yung mga taong nababasa. Kasi yung nangbabasa sa kanila yung mga street children na walang magawa sa buhay. Hindi ko na sasabihin kung sna nila kinukuha yung maitim at malansang tubig na pinaliligo nila sa mga rumaragasang pampasaherong jeep. Yuck!

Wednesday
Wala si Sir Mariano, yung prof ko sa Numerical Methods. 2 hrs nanaman syang wala. Next subject, Environmental Engineering. Nakakabore talaga pag puro slides lang sa powerpoint ang pinapakita, tapos, alam mo naman na nakaupload yun sa course site. Next subject, Chemical Engineering Thermodynamics 1. Pinapili kami ni Ma'am, Lecture or boardwork? Syempre lahat board work! Ako ni-try ko sagutan yung number 1.14. At least nagtry ako noh, wala kasing gustong sumagot nun. Tama daw yung solution ko, kulang lang. OK na yun half grade sa recitation.

Thursday
Nagtour ako ng araw na ito. Mga 1st year form the ICS department ng Engineering ang ni-tour ko. OK naman yung mga boylalou. Nilibot ko sila sa UST. Then, dinala ko sa Tan Yan Kee at pinakilala kay Kuya Cachi. Hindi na rin ako pumasok sa class.

Friday
Wala nanaman si Sir Mariano. Ang chikka, nagresign na, kasi natanggap daw nya yung visa nya to Canada. Ang papalit daw si Sir Villoria. NOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Ayun yung prof na graduate ng UP, na lahat ng tungkol sa Math ay natranslate na ng UP sa Filipino. For example, ang phrase na, “Take the derivative of the equation...”, ang sasabihin ni Sir, “Kunin ang deribatibo ng ekwasyon...” Shet! Lalo lang akong maguguluhan sa kanya! Pero wag ka! May doctorate degree yun sa Math! Ay mali! Sa Matematika pala! Sana si Sir Blanza nalang ulet! Next Subject, Envi ulet. Ngayon medyo masaya kasi may game na nakuha si Ma'am sa internet. Hangman Environmental Engineering style. Masaya sya, kasi for the perst time hindi nakakaantojk yung klase namin sa kanya kahit two hours. Last subject, Technical Writing. Wala si Ma'am. Kinuha yung time nya ni Ma'am Sal, yung Guidance Counselor namin. Masaya yung game nya, mapapaisip ka talaga. Nakakainis wala si Ma'am Sembrano! Yung pinaghirapan naming project sa kanya! Hindi pa pala deadlinen nung araw na iyon! Kainis! Leche!

Saturday
Tour ulet ng 1st year! Pero bago yun, nakita ako ni Sir Tengkiat na nakatambay sa may Greenhouse. Ewan, tinalakan ever nya ako. Kesyo, magpaalam daw, kahit hindi daw sya nagchecheck nang attendance alam nya daw kung sino ang wala. Magpakatao kayo! Che! If I know, kulang ang dots sa “radar” nya kaya alam nya kung kulang ang mga Dyosa sa klase nya noh! Ang kukulit ng mga tinour ko! 50 students! Pero katulong ko naman si Syd. Ang cute nya talaga in person. Anyway kwento ko yan sa next post ko. Pinagkaguluhan nung mga boys si Chesca, eh beautiful naman kasi si Checa eh. Tapos sa girls naman si Jarry. Eh kahit din ako chochorva ako kay Jar-jar noh! Chos!