PEKSMAN!


Photobucket
Peksman... Mamatay ka man... Nagsisinungaling ako ni Eros Atalia


Natapos ko na kanina tong book na to! Simula pa lang nung book na yan natawa nako! Sulit na kagad sakin yung 200 pesos ko. Mas gusto ko yung approach nya kesa kay Bob Ong. Well, kasi medyo nachachallenge yung Filipino ko sa ibang terms sa book lalo na yung sa Part II. Nakakatawa talaga sya. Kasi nung nasa office ako nagmumukha akong tanaga kasi tawa ako ng tawa mag-isa. hihi! May mga seryosong side naman tong book na ito kung babasahin mo talagang mabuti yung mga nakakatawang bahagi. May substance sya. Proud to be USTe! Prof sa Faculty of Arts and Letters si Sir Eros Atalia. May special mention pa si Melvin A. sa thanks nya. Feeling ko yung teacher ko sa English 101a ko yun. Si Melvin Alamis.

Pharma Dance Troupe



Pharmacy Dance Troupe


Eto ang dahilan kung bakit ako sumugod sa super lakas ng biglang buhos na ulan. Sinuong ko ang pabaha ng daan papuntang Medicine Auditorium ng UST para lang dito. Worth it naman sya para saken! Kasali kasi si Jarry syan sa Dance number na yan. Sya yung naka-cap at jacket na super hataw sumayaw! Napatili ako! As in super tili! Kahit nga ngayong sa video na lang eh napapatili pa din ako eh! Galing!

6 days

Monday
Walang pasok! Leche! Ang Secretary General ng UST, nagcall ng suspension of classes Sunday palang ng 5pm. Ang kwento kasi, nastuck daw sya sa may Makati dahil sa bagyo! Kung hindi pa maeexperience, hindi pa sila magsususpend ng maaga! Eh kaso, ang panget! Dahil etong Monday na ito, ang sikat ng araw ang init! Kainis! Dapat Engineeirng lang ang long weekend! Lahat na tuloy!

Tuesday
Manila Day! Walang pasok! Naisipan kong magparapara ng araw na ito. Uso pa pala ang basaan. Kawawa yung mga taong nababasa. Kasi yung nangbabasa sa kanila yung mga street children na walang magawa sa buhay. Hindi ko na sasabihin kung sna nila kinukuha yung maitim at malansang tubig na pinaliligo nila sa mga rumaragasang pampasaherong jeep. Yuck!

Wednesday
Wala si Sir Mariano, yung prof ko sa Numerical Methods. 2 hrs nanaman syang wala. Next subject, Environmental Engineering. Nakakabore talaga pag puro slides lang sa powerpoint ang pinapakita, tapos, alam mo naman na nakaupload yun sa course site. Next subject, Chemical Engineering Thermodynamics 1. Pinapili kami ni Ma'am, Lecture or boardwork? Syempre lahat board work! Ako ni-try ko sagutan yung number 1.14. At least nagtry ako noh, wala kasing gustong sumagot nun. Tama daw yung solution ko, kulang lang. OK na yun half grade sa recitation.

Thursday
Nagtour ako ng araw na ito. Mga 1st year form the ICS department ng Engineering ang ni-tour ko. OK naman yung mga boylalou. Nilibot ko sila sa UST. Then, dinala ko sa Tan Yan Kee at pinakilala kay Kuya Cachi. Hindi na rin ako pumasok sa class.

Friday
Wala nanaman si Sir Mariano. Ang chikka, nagresign na, kasi natanggap daw nya yung visa nya to Canada. Ang papalit daw si Sir Villoria. NOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Ayun yung prof na graduate ng UP, na lahat ng tungkol sa Math ay natranslate na ng UP sa Filipino. For example, ang phrase na, “Take the derivative of the equation...”, ang sasabihin ni Sir, “Kunin ang deribatibo ng ekwasyon...” Shet! Lalo lang akong maguguluhan sa kanya! Pero wag ka! May doctorate degree yun sa Math! Ay mali! Sa Matematika pala! Sana si Sir Blanza nalang ulet! Next Subject, Envi ulet. Ngayon medyo masaya kasi may game na nakuha si Ma'am sa internet. Hangman Environmental Engineering style. Masaya sya, kasi for the perst time hindi nakakaantojk yung klase namin sa kanya kahit two hours. Last subject, Technical Writing. Wala si Ma'am. Kinuha yung time nya ni Ma'am Sal, yung Guidance Counselor namin. Masaya yung game nya, mapapaisip ka talaga. Nakakainis wala si Ma'am Sembrano! Yung pinaghirapan naming project sa kanya! Hindi pa pala deadlinen nung araw na iyon! Kainis! Leche!

Saturday
Tour ulet ng 1st year! Pero bago yun, nakita ako ni Sir Tengkiat na nakatambay sa may Greenhouse. Ewan, tinalakan ever nya ako. Kesyo, magpaalam daw, kahit hindi daw sya nagchecheck nang attendance alam nya daw kung sino ang wala. Magpakatao kayo! Che! If I know, kulang ang dots sa “radar” nya kaya alam nya kung kulang ang mga Dyosa sa klase nya noh! Ang kukulit ng mga tinour ko! 50 students! Pero katulong ko naman si Syd. Ang cute nya talaga in person. Anyway kwento ko yan sa next post ko. Pinagkaguluhan nung mga boys si Chesca, eh beautiful naman kasi si Checa eh. Tapos sa girls naman si Jarry. Eh kahit din ako chochorva ako kay Jar-jar noh! Chos!

Si Kuya Syd

PhotobucketSi Sydfrey Dalire ang Flag bearer ng SIKLAB sa last LSC elections ng Engineering. Natalo sya. Masamang masama ang loob ko. Deserving sya for the job. Really really deserving. Hindi dahil kaparty ko sya. Dahil naramdaman ko ang “siklab” ng puso nya. His passion to give service to his fellow students, it moved me. Talong talo nya yung kalaban nya, sige papanagalanan ko na. Talong talo nya si Kat Corpuz. Sa debate pa lang, mas maraming nagchicheer kay Syd. Lahat ng tanong napinukol sa kanya, nasasagot nya ng tama. Si Kat, nung tinatanong, nag-iyak powers pah. Che! Kung sana nandun ang buong Engineering sa Meeting de avance na yun. Sigurado ako! Panalo si Syd! Itataya ko pagkabakla ko dyan!

Kahapon, nakasama ko sya ulet. Sya yung kapartner ko sa tour ng Section 1-13. Infairness, mas cute sya ngayon na face to face na kaming nag-uusap. Shet! Killer smile! faint Mabaet pala talaga sya in person. Dati kasi sa text ko lang sya nakakausap. Sya din kasi yung kontak ko sa UST-SITE. Sya kasi yung Internal Vice President nun. Ang UST-SITE o ang Society of Information Technology Enthusiasts, ang bagong tatag na organization para sa mga Information Technology Students ng UST. Meron silang planong gawin University wide yung Org nila. Binigyan ko na sila ng contact sa STEPS para matupad yun. Nangangailangn din kasi ng student arm yung STEPS kaya it would be beneficial to both parties kung magtutulungan sila.

Astig talaga sya! Sayang hindi na sya makakatakbo ulet. But I'm sure, magiging active na rin sya sa SIKLAB. Can't wait! =D

Iba pang pics ni "Kuya Syd" na like ko:


Photobucket
Photobucket
Photobucket

2 lalaki

3 araw na nung nagtampo ako sa dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko. Well, tampong bata lang naman yun. Mga simpleng bagay lang na importante saken. Napapaisip ako twing nangyayari ito sa buhay ko eh. Masyado kasi akong paranoid.

Isang boses ang nagsasalita ang sabi kaya nila sinabi yun dahil baklerj ako. Kahit anong gawin ko, bakla pa din ako hindi magbabago yun. Pero pilit ko pa rin pinapaintindi sa sarili ko na hindi yun ang dahilan. Kilala ko sila alam kong tanggap nila ako. Natatalo nako nung boses na yun. Sila kasi ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat, sila pa yung hindi ko maasahan. Parang its André all over again.

Haaaay, ganito talaga ang buhay bading, tamis asim. Hindi mo nga lang malalaman kung kelan mo malalasahan nag bawat isa. Minsan sabay pa. Pero kahit ganun, ang sarap pa din mabuhay! Hay! Hay!

Apple

PhotobucketGusto kong ishare sa inyo itong magandang story na isinulat ng isang Thomasian Graduate na si Rex Van Carlo "Fhadz" Mollo, na graduate ng Journalism sa Faculty of Arts and Letters. Isa rin sya sa awardee ng St. Dominic De Guzman para sa Artistang Artlets.

Mansanas
ni Fhadz Mollo
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Author's Notes

Virgin Blue


Photobucket


Minsang madaan ako sa 7-11 Tayuman, super uhaw na ako nun. Pumunta ko sa refrigirated drinks section nila at naghanap ng maiinom. Pumunta ako sa pinakauna: beer at vodka, ay di ko type; Sa pangalawa: C2 at mga tea, yaw ko; Sa pangatlo, coke, sprite kung anik anik pa, hindi ko din gusto eh; Sa pang-apat: Energy drinks: Yuckness! Sa pang-lima: Dito medyo, nacurious ako sa isang boteng kulay blue na bago sa aking paningin. Kumuha ako ng isa.

Binayaran ko sa counter, at tinikman ko na ang bagong inumin na ito.

WOOOOOOOH! Naloka ako! ANG SARAP! Ang sarap nung Lemon+Lime flavor! Adik nako! Kahapon lang nakalima ako buong maghapon.

FHM


Photobucket


Ay! may usap supanag si Marian Rivra daw ang FHM's top 1! Anung say nyo mga kafatid?

A better version


Jar-Jar during the last day of TP4

AKLAKAS

Kagabi habang nagkukulitan kaming mga natira sa CSC office, biglang pinasok ni Kuya Cachi ang tanong na ito:
”Sinong binoto mo mo nung last elections?”

Nagulantang ako! Natigilan ako grabeh! Pero mga 10 milliseconds lang naman. Pero hindi pa rin ako nakapag-isip ng isasagot ng maayos. Ang sinagot ko na lang. Syempre, yung binoto ko yung sa political party ko. with a big wide smile na mukhang tanga. Tatawa tawa pero ang totoo nagigisa ako.

Humirit pa si Jarry ng isa pang tanong.
”Ako ba binoto mo o nag-abstain ka?”


Syet! Oo. Pasisinungaling ko. Eh Nag-abstain ako eh.

Lalo pa akong nagisa nung tinanong nila ako kung sinu-sino talaga ang binoto ko. Masyado na nila akong napressure, kya nagreply everlou ako ng Basta lahat ng nasa partido ko binoto ko tapos!

Alam ko nung nalaman ni Kuya Cachi yung affiliation ko, one of these days tatanungin nya din sa ken un. Pero syempre, na-caught of guard pa rin ako sa tanong nya.

Kung handa siguro ako sa tanong na yon, malamang eto ang mga nasabi ko:

Q: Sinong binoto mo nung last elections?
A: Syempre si Arvin. Alam ko kasi ang capabilities nya. He was our Chairman in SIKLAB. Alam ko kung gano sya kaefficient at kaeffective as a staff as well as a leader.

Q: Binoto mo ba ako o nagabstain ka?
A: Abstain ako eh. Crush ko kasi si Abstain nun.

Q: Ano ba ang political party mo?
A: SIKLAB. Samahan ng mga Inhinyerong Kumikilala sa Lakas ng Bawat isa. SIKLAB! Burn in the passion to serve! Although we are the arm of Central AKLAS in the Faculty of Engineering, we still regard ourselves as an independent party that entertains no influences from the outside. SIKLAB was born in the Faculty of Engineering, and as its founding Legal Officer I will ensure that it shall give quality service to the Faculty of Engineering.

Q: Any message for LAKAS?
A: Isa lang ang masasabi ko. Pag bumalik na ang LAKAS arm sa Engineering, ang LIT, ipressure nyo sila na magproduce ng competent na Legal Officer na ipantatapat sa akin.

Nung pauwi na kami, medyo tahimik na ako. Kasi iniisip ko talaga ang nangyari kanina. Well, hindi naman ako padadaig sa kanila noh. I think sa kanilang lahat sa Council, ako ang pinakaexposed sa political chuva na ganyan. Nung napansin nila yun, nagpalusot nalang ako na iniisip ko kasi yung isusulat sa blog ko.

Nung kami nilang ni PI yung magkasama sa likod, kasi nagtakbuhan yung top two executives ng council, nasabi ko sa kanya na na-off guard ako kanina sa tanong.

Eto na ngayon ang last tanong of the day:
”Kung tatanungin ka ba, lilipat ka ba sa LAKAS?”

Nung una ang sagot ko hindi. Pero naisip ko. Masyado pang maaga para sabihin yun. Pero kasi, may slight chance. Lalo na pag hindi sinuportahan ng AKLAS ang Students' Code. Abay goodbye SIKLAB ang drama ko nyan! Pero kung tatanungin lang ako casually, at wala naman silang good reason yung baket kelangan ako lumipat sa kanila. Kahit bolahin pa ako ng mga pinakagwapong lalaki sa UST. No thanks! Masaya ako sa SIKLAB.

hero or traitor?

I am not a great writer but please do read this soup from my brain. I dedicate this post to a person whom I look up to: colleague, mentor, and friend.


I have two questions.

  1. What can you do to be called a hero?
  2. What can you do to be called a traitor?

These are two questions, but they have the same answer.

Just one answer.

One single answer.

Our National Hero, Dr. Jose Rizal, did it.
UST's very own Jun Lozada did it.
And this person, did it as well.

Dr. Jose Rizal knew that he has the ability and brain to speak his mind; He did so together with other Filipino heroes through the La Solidaridad. The same group who spearheaded the propaganda of giving autonomy to the Philippines during those time in Spain. He made a bold move clashing with the Spaniards and that same move cost him his life. He was named as an erehe and a filibustero prior to his execution. He was called a traitor by the Spaniards. But for the Filipinos, he is anything but a traitor. He was a hero.

Jun Lozada lit the fuse of the bomb that shook the government to its core. He knew the truth. He said it under oath. And the issue erupted into a big scandal for he connected powerful men in the government in a scam project. He made a choice. He made a difference. He made that bold move even if he knew that it would endanger his life and his family's. A move for the sake of the whole country.

Let us call this person, Mama Clide. Mama Clide is one of the noisiest person I know. But despite so, I can never deny how wise she is. I will always share laugh, a thought, and even a problem with her. But contrary to what I think of Mama Clide, many people is brewing hot pot for her. It's because she made a difference. She made the move that no other student in his College/Faculty did. She stood up in what she believed was right. She took the risk for her sake and her fellow students of her College/Faculty. But in the end, since it's not the norm to speak out, she was treated as an enemy; A traitor.

What can you do to be called a hero?
MAKE A DIFFERNECE!!!

What can you do to be called a traitor?
Just the same, MAKE A DIFFERENCE!!!

You just need to do one bold move. Make a difference! And it depends whether the crowd will join your cause or be against it that will dictate your status: a hero or a traitor.

Si Jarry nung last Day ng TP4 summer.




Yang video sa taas ay video ni Jarry nung last day ng TP4 summer classes! Todo request kasi kami na sumayaw sya at ayan napilit din namin! Kaso mga bakla im sure mababale ang leeg nyo. wheheheh!

Love ko sya pag sumasyaw! Napapahiyaw ako eh!

One wet Sunday

Nagising ako sa lamig nang madaling araw. Mga 4:30 am nun. Hyper ang kalampag ng hangin sa dingding at mga bubong. Nag group message pa nga ako eh. Haaay! Grabeh ang hangin! After a few minutes nakatulog ako ulit. Mamayang konti medyo gininaw na talaga ako. Hinila ko na yung jacket ko sa bag ko at kinumot sa sarili ko. After a few minutes pumasok si mudra sa kwarto, pinatay yung electric fan at kinumutan ako ng comforter. Nakatulog ako ulet.

Aba! Nung naalimpungatan ako, ay! Holocaust! Ang ulan! Duper ang lakas! Mist of water na yun nakita ko! At ang hangin! Sinisigawan ang tenga ko! Not to mention! Ang kumot over me, uber basa nah! Grabeh! Para akong umiihi ng sobrang dami! Nagulat din talaga koa kasi basa na ang beauty ko ng umagang yun!

What a way to start my day! =D

Batangas trip sa bahay nila Jarry

Matagal tagal ko na rin tong gustong isulat. Ngayon lang kasi ako nakakuha ng pictures eh. Pero konti lang din eh. Pero ok na yun kesa naman wala!



Sabi ni Jarry 6am daw ang call time. So, nagdecide akong gumising ng 4am. Mabagal talaga kasi akong gumalaw pag bagong gising. Himala nga eh, naunahan ko pang mag-ring yung cellphone ko. Pero mga 5 seconds lang naman. Morning ritual. Saktong 5:30 am nakaalis nko ng bahay.

Mabilis lang ang byahe. Mga 5:45 am nsa UST vicinity nako. Bumili ako ng breakfast sa may ministop sa dapitan, sabon, shampoo, wax, etc. Pati nga pala dyaryo dun din ako nakabili. Sarado yung dapitan gate. So umikot pa ako sa may A.H. Lacson gate para makapasok. Ang meeting place ay sa may AMV lobby. Naku! Mukhang wala pang tao. Ako yung nauna. Andaming nagjojogging. Pinagtitinginan ako. Care ko. Excuse me, may ID ako.

Hindi rin ako naghintay ng matagal. Dumating si John. Then si Jules, tapos si Chesca, si P.I., ang may ari ng lugar na pupuntahan namin, si Jarry. Tapos ang super duper late na si Mon, na dumating nung paalis na kami.

Sumakay kami sa isang rental van sa harap ng UST-Mcdo. Si P.I. sa harap. Si Jarry at Mon dun sa 1st car seat, ang lovebirds na si Jules at Chesca sa 2nd car seat, tapos si John at ako sa 3rd car seat.

Nung nasa SLEX na kami. Tumawag si Belinda sa cell ni Jarry. It seems na pumunta sya sa UST for the trip. Unfortunately 8 am na sya dumating eh 7:30 am kami umalis. Late na talaga sya.

Hindi ko makakalimutan ang byaheng yun papuntang Taal, Batangas! Dahil super nahilo ako! Hyper magpatakbo si Kuya Driver! Halos masuka ako! Buti nalang ginamit ko ang Control-my-hilo-ni-jutsu kaya hindi ako gumawa ng lugaw dun sa van. Super magovertake parang lilipad na kami sa loob nung van! Haaay! I was so glad nung bumaba na kami sa sasakyan na yun! Sobra!

Photobucket
Si Jar-jar nung nasa SLEX kami si PI kumuha nyan.

Photobucket
Kaming lahat bagsak sa sobrang hilo sa byahe.


Dumaan na kami ng Tagaytay, tapos nakarating din kami sa place called Lemery. Dun nadaanan namin yung Ospital na pagmamay-ari nila Jarry. Dun talaga napaisip ako na mayaman sila Jarry. Pero hindi ko masyadong pinansin. We crossed a bridge turned right and then left to a slope. Grabeh, ang hirap magpasok ng sasakyan dun, andaming mga batang naglalaro! Tinanong ni Jarry yung mama kung pwede kaming pumasok dun. Akala nga namin yun na yung house nila. Pero nashock ako nung nakita kong its just a lot. Bumaba na kami sa sasakyan, at sinundan si Jarry patungo sa house nila.

Hindi rin naman malayo ang nilakad namin. Nasa bungad din lang pala yun nung entrance nung lot.

1st reaction ko.... XETTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!! ANO TO!!!!??? RESORT??? WTF! Ang unang makikita mo kasi yung sobrang puting gate nila Jarry. Mula sa labas, ang view eh yung sa right side may bahay na 1 story lang, na may kotse sa harap ng pinto tapos may medium sized tree na napapalibutan ng ng ring like table with na may katernong mga chairs na pinasadya kasi yung design nya parang puno din. Sa left side, it's like an open bar. May videoke machine, tapos may table and chairs. Feeling ko dun ang inuman ng mga barako. Sa gitna. Kita mo pa ang isa pang bahay. Tapos likod ng isang Basketball Court. At isa pang puno na mas malaki kesa dun sa kanina tapos same design din. May table and chairs na pasadya. Oh I forgot to mention, may MGA sekyu sila. Ang yaman! Xet!

Para makapunta ka dun sa main house dadaan ka sa isang chinese style na bubong. Parang yung sa chinese garden ng Luneta, ganun. Chinese lamps, and ilang lights na nakabaon sa lupa. Chinese garden nga ang look nun. Pag tumigil ka sa kabilang end nung Chinese walkway, pag tumingin ka sa kaliwa, makikita mo yung collection nila ng birds. Kwento ko later yung mga yun. Sa right, yung court at isa pang bahay. From that point also mkikita mo na nakaelevate pala kami. May way papunta sa taas into a wooden house, then sa baba into a dining area. and to the pool. Sa left side nung lowest part ay billiard table kung saan may 1 restroom at isang bedroom na i think is really for the guests. Then sa right side naman ng lowest area is the pool, and a gate leading to another house.

Dinala kami ni Jarry dun sa may taas, sa may wooden house. Pinapasok kami dun sa isang room. Nagchillax muna kami dun. Music mode using yung mga ipod ng mga tao. Muntik pa nga sirain ni Mon yung reclining chair nila Jarry. Hindi sya kinaya!

Photobucket
Chesca sitting on the reclining chair


Tapos nag-aya magbasketball si Mon. Nagpalit din si Jules ng panlaro pati si Jarry. Naglaro sila with Jarry's Kuya. Habang ginagawa nila yun, nagchicheer naman sina PI, John and Chesca, while taking pictures. Ako? Nagwawala sa loob nung room sayaw ng sayaw sa different songs dun sa ipod ni Chesca. After ko magwala pinuntahan ko yung cages nung mga birds nila Jarry. (literal birds ah)

PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
Ayan ang game nila.

Let us give the floor to the boys na kasama ko sa trip na naglaro ng basketball.

Si Mon
Photobucket
Si Jules
Photobucket
At syempre ang principe nga lugar na ito, si Jarry
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Anu itu? nag-aadvertise? =D


After nun, inaya na kaming kumain. May celebration pala. Nakapasa kasi sa Bar yung kuya ni Jar-jar. Nagulat kasi kami may catering, akala nga namin nung una, araw araw naka-cater sila Jarry eh. Infairness masarap yung food. Lalo na yung pudding. Syempre, kulitan mode yun, nandun si Mon eh. After that nagchillax nalang muna kami sandali sa room then pumunta kami dun sa hostpital nila Jarry.

Sumakay kami sa teal green na van nila Jarry, si Jar-Jar pa nga yung nagdrive eh. May kasama kaming isang tauhan nila. Off we went to the hospital. Ang Our Lady of Caysasay Hospital sa Lemery, Batangas. Infairnalou, napaka-modern ng facade ng hospital nila ah. Talagang mayaman ang may-ari. Ni-tour kami sa loob.

Ang first floor:
Maraming tao. Hindi naman sobrang dami. Pero there is enough volume para mafeel mo na special ka kasi pinagtitinginan kayo. Ayon sa nabasa kong poster dun sa hallway, Dr. Hernandez daw ang president ng hospital na yon. And I know for a fact na ang middle name ni Jarry ay Hernandez. Bongga!

2nd Floor:
Wala nakidaan lang kami. Chorva lang.

3rd floor:
Dito yung Maternity ward. Dyan daw kasi nanganak yung sister-in-law ni PI. Dito may nurses dun sa Nurse station. Kaso wai akong nakitang papalou, kasi bektas din yung isang male nurse.

4th floor:
May mini prayer room. Ang cute nung itsura. Tas may napansin nako sa mga pangalan ng wards nila. Pinangalan sa mga symbol ni Mother Mary. Our Lady of Manaoag. Mga Chorvang ganun.

5th floor:
Hindi pa tapos gawin eh. It's like a gym. Pero may mga functional rooms dun. Pag timingin ka sa kaliwa, may isa pang set of stairs, leading to a meeting room na ang bonggang bongga kasi mukhang dun nagmimeet yung Board of Trustees. As you go further makikita mo na nandun din yung staff lounge tsaka yung medicine room.
And on the farthest side makikita mo yung isang computer shop na hindi pa bukas. Siguro kasi bagong gawa lang din yung hospital.

After that bumaba na kami using the elevator. Kamukha nga yun nung elevator ng TYK eh. Sa baba sumakay na kami ulet ng van this time yung staff na kasama namin kanina na ngayon yung nagdrive. Pumunta kami sa Our Lady of Caysasay Church. Naglibot-libot. Ang feel ko nga nakapunta nako dun before. Feel na feel ko talaga sobra. Malaki yung Church, halatang medyo matanda na rin.

Nung sumakay kami ulet sa van, uuwi na kami. Pero before that, kelangan muna namin maniobrahin yung van. Unfortunately, walang space dun sa harap ng Church to do that. So pumunta kami dun sa school na katabi nung Church. Our Lady of Caysasay Academy. Yung school ni Jarry nung High school kung saan sya ang uber so sikat kasi ang dami nyang inaatupag nun. Classmate nya din nun yung classmate ko ngayong si Nathan. Sila pala yung Spokening Dollar na school sa Batangas. Pati yung sekyu nila spokening dollar din! Kalerkey. Pumasok kami sa school nila. Umikot dun sa quadrangleat lumabas din sa gate na pinasukan namin.

At sa wakas pauwi na kami kina Jarry. Grabeh, andami rin naming pasikot sikot at voila! Nagulat nalang kami nandun na kami sa harap ng gate nila Jarry.

Kumain kami ulet, ngayon medyo nagkukulitan na kami nila Jules at PI. Kasi nung first meal namin dun napagkwentuhan namin yung bara barang pagdrive nung driver. Ngayon nagkukulitan kami, ang sabi, mamili na ng pagkaing isusuka mo mamaya pag-uwi. Usual, negligible nanaman si John (I'm so bad!).

After ng konting sandali para magpahinga, uuwi na yung mga taong hindi pinayagang mag-overnight. Sina Jules, si Chesca, at si John. Binayaran na rin ni Jarry yung driver nung pauwi na sila. Hindi ko maalala kung nag-ambag ako dun eh. Pero uber yaman naman nila Jarry so I'm sure kaya nyang bayaran yun. After we said our goodbyes, tumambay kami dun sa 2nd floor nung katabing stone house nung wooden house (getz mo?). It's an open space, with a very high ceiling. Dun kami nagchillax chillax. Nag-goodbye rin sandali si PI kasi pinapauwi sya ng parents nya sa kanila. Taga dun din lang kasi siya.

Infairness ang sarap dun sa place na yun. Ang lakas kasi ng hangin. May bagyo kasi that time. Uber lakas ng hangin. Walang ganun sa Manila! Clean high velocity air! Nakikinig lang kami ng music sa cellphone ni Jarry and then later sa cell ni PI nung bumalik na sya. Si Jarry naman ayun, tahimik, hindi mo makausap, super busy sa paglalaro ng Smackdown sa PSP ni Mon. Tapos paminsan minsan dumadaing ng sakit kasi yung singaw nya dahil sa braces nya tapos may saket pa talaga sya nun. Kami ni Mon, nagkwentuhan ng kung ano ano.

After a while nung mag-gagabi nah. Tinawag kami nung kuya ni Jarry para kumain. Which we did. Kumuha kami ng pagkain dun sa bilyaran, tapos dun kami kumain sa dining area nila. Dun yun sa middle altitude house na halos kapantay ng court. Syempre kulitan mode pa ren. Kahit kaming apat na lang. Si Jarry ayun tahimik pa din, uber bagal kumain kasi nglalaro pa rin nung PSP. May napapansin ako twing kumakain si Jarry. Super bagal tapos marami kung kumuha then marami ring matitira. Siguro tatak mayaman lang talaga yun. Mon and PI took desserts for us. Fresh Fruits, buko pandan, and a plateful of pudding. Kwentuhan mode ulet sa may living room area which was just across nung dining area. Again, hindi na naman makausap si Jarry busy sa PSP. Nakipagkwentuhan din yung isa pang Kuya ni Jarry. I'll call him, Bossy. Kasi Bossy kasi talaga sya. Nagmamagaling masyado. Leche!

Nagdecide kaming bumalik dun sa 2nd floor open space with high ceiling room. Balik sa mga dating pwesto. Ako nag-iisip kung pano ko isusulat sa blog yung trip na yun. Si Mon at PI nag-iisip ng title para sa Thomasian Welcome Walk. Si Jarry, ayun PSP boy. Mga 11pm- 12mn mga nakatulog na ang mga tao. Ako kasi nag-iisip pa din. Mga around 12mn sabi ni Jarry, dun daw kami sa may bilyaran matulog.

Bongga yung room ah! May aircon, may comforter yung kama. Tapos may extra bed pa dun sa ilalim. Ako pumuwesto kagad ako dun sa right side ng bed. Aba! Ayokong matulog sa lapag ano! In the end, kami ni Mon yung sa kama, si PI at si Jarry, na nagPSP hanggang madaling araw, nasa matress sa lapag.

Nagkwentuhan kami ni Mon, si Jarry PSP, at si PI, well, kumukuha ng pics namin ni Mon. Medyo madilim yung mga kuha nya. I did the liberty of filtering the images in the picture. Sa left yung actual, sa right yung filtered version


PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket


At ito ang pinaka da best sa kuha ni PI!
Photobucket


Hindi ko namalayan nakatulog na ako.

Nagising akong tulog pa ang lahat. So pumikit na lang ako at nag-isip. Kung dapat ko na nga bang sabihin kay Jarry ang party affiliation ko. Naramdaman kong gising na si Mon, at si PI. Si Jarry tulog pa din nakatakip yung mukha. Siguro hindi tinigilan yung PSP, na nung time na yun eh nakasaksak na at nagchacharge.

Dumating yung Kuya ni Jar, si Atty. Ginsing sya para kumain na kami ng breakfast. Pagkagising palang ni Jarry ang unang hirit nya, “Mon PSP.” Adik! Hihi! Pumunta kami ulet dun sa dining area. Nandun na yung pagkain. You can eat rice, with lots of fried foods. O kya tinapay from a sosyal bakery with the palaman of your choice. Tapos ang dessert namin, isng choco-caramel cake. Actually choco keyk lang sya. Pero nung tinikman ko kasi, may caramel yung pinakafrosting coated under the chocolate. Tapos ako lang pala ang umiinom ng kape sa kanila.

Chillax chillax muna kami. Si PI at Mon, nagswimming, si Jarry PSP usual. Ako, bumalik dun sa kwarto nag-isip at nakatulog ulet. Pagkagising ko, nagswiswimming pa den yung dalawang baboy, si Jarry PSP pa den. Ako naisipan kong libutin yung Bird Cages ulet. Nakakatuwa kasing pagmasdan yung mga ibon. Makukulay kasi, may mga red, nalilikot, mga gray birds na alam kong iba't ibang specie pero nasa isang cage lang. May pair of yellowgreen birds na super ingay. Ang pinakagusto ko yung lone green bird na super behaved. Ang ganda kasi nung feathers nya, ang kintab! Dun sa kabilang side, may mga love birds na iba iba yung kulay, ang cute nila pagmasdan. Ang mas kinagulat ko nung makita ko yung pair of medium sized eagles. Alam kong eagle sila kasi nakita ko yung lalagyan ng food nila na meat ang nakalagay. Pero dito sa isang ibon na ito tuluyang nashock! Isang extra large size na EAGLE! As in EAGLE sya! Compared sa ibang cages sa kanya yung pinakamalaki! Pati yung lalagyan nya ng food, LALAGYAN din! Naligo na rin kami in preparation for our departure later.

Dahil medyo alanganin na kaming kumain kanina. Medyo maaga-aga yung lunch namin. Kumain nanaman kami. After that, we decided na mag-ayos ayos na kmi ng gamet para sa pag-alis namin. After a few tips from Mon, dun sa pinsan ni Jarry, tungkol sa PSP. We finally said our goodbyes to Jarry's family.

Sumakay kami ng trike to Lemery. Si Mon ulit yung katabi ko sa loob ng trike, while si PI at Jarry dun sa likod ni Kuya trike driver. Bumaba kami sa Hospital nila Jarry. Dun namin ni-meet yung sasabay daw sa amin to Manila. Walking distance nalang pala yung sasakyan namin to Manila. Sa ospital nagpaalam na sa amin si PI kasi next week pa daw sya uuwe. Si Mon, at Jarry magkatabi sa harap ako katabi ko si Ateng na sumabay sa amin to Manila. Nakasalansan yung bag ko at bag ni Mon, habang nasa lap ko yung bag ni Jarry. Mas magaang kasi yun eh. Napuno na rin yung van. At sa wakas umalis na kami.

On the way palabas ng Taal medyo ok yung byahe. Yun nga lang, hyper magturn yung van namin. Buti na lang tinuro sa ken dati na ishift ko yung weight ko when turning para hindi ako ma-out of balance. Nung dumaan kami sa Tagaytay, medyo nakakaexcite yung daan namin. Dahil visibility almost 0% na. Hindi naman, inexaggerate ko lang. Pero kasi, sa bangin kasi yung zigzag road na yun, tapos ang fog grabeh super kapal! Buti nalang mukhang sanay magdrive sa ganun si Kuya driver kaya hindi kami napapaano. Lumabas din kami sa sea of clouds na yun na safe kahit na nasa loob pa rin kami ng zigzag road. After pala nun eh SLEX na, kaya medyo kampante nako kasi alam ko na kung nasan kami. Medyo tulog na this time si Jarry at Mon.

Mas mabilis ang byahe namin this time kasi ng flyover na si Kuya eh. Ang last stop nung van eh sa harap nung mall across ng bus station sa tabi ng Arellano University Pasay. Tumawid kami papunta sa harap ng AU at nagdecide na magtaxi na to UST. For the first time ever, katabi ko si Jarry.

Si Jar na rin naman ng bayad eh. Kakain na muna raw sila Jarry and his cousin sa McDo may mass daw kasi dun sa labas ng house nila eh. Kasama si Mon kasi nagpasundo daw sya. So nakijoin na rin ako! Kumain kami sa Mcdo habang pinagkwekwentuhan yung mga nangyari. Kung pano inasar ni Mon si PI ng Na-ulan, Na-kulog, na-uwi, the Batangeño accent. PI, na-kain ka naba? Gusto mo maglaro ng Na-ruto? Nakakatawa talaga!

Tapos nag-uwi na kami. Ansayasya talaga ng trip na yun!

Pag-kauwi ko. Tinext ko si Jar-Jar.
Nakauwi nako! Salamat ah! Nagenjoy ako! =D

Nagreply naman sya at sinasabi nya sori na wala sya sa mood kasi masakit yung katawan nya. Ang sabi ko naman ok lang kasi alam ko naman ang kalagayan nya.

=D




At sa wakas nagawa ko na rin to! After such a long time! Isa lang talaga ang masasabi ko. Ang yaman nila Jarry! Mukhang resort ang bahay! Parang sina Donky! Sana kina Lady Seo naman ako makapunta next!

Dagta: Antolohiya ng Erotika


Photobucket
Dagta: Antolohiya ng Erotika
ni J. Luis Camacho (Ed.)


Infairnalou, napakaganda ng writing styles ng mga authors sa aklat na ito! Super ganda ng mga stories nila! Introduction pa lang, natuwa nako! Sulit na agad yung 120 pesos ko. Nabigla lang ako dyan, napadaan lang ako ng National Bookstore, at nakita ko yan, binili ko na.

Nakakatwa, nakakalibog, napakainteresante. Yan ang tatlong salitang mailalarawan ko sa mga akda sa librong iyan. Kung iisipin mo, parang totoo yung mga istorya. Hindi ko mapigilan ang pagbabasa. Sana may part II! Sobrang nagustuhan ko sya! Try nyo basahin!

Straight po ang mga stories, kung libog bakla ang hanap mo hindi para sa iyo ang librong ito.

Thesis

Presenting ang mga Thesismates ko!

PhotobucketPhotobucket
Si Monil at Si Albert


Hindi ko madistinguish kung swerte ako sa kanilang dalawa.

Swerte kasi, tignan mo naman ang gwagwapo oh!
Kabaligtaran kasi, si Monil hindi masyadong vocal, tapos si Albert uber tamad.

Saken nakasalalay ang pagpasa namin neto! Xet!

Pero ok lang medyo excited na rin ako!

Ano ang isang kaibigan?

"Ang kaibigan ay hindi yung taong kausap mo araw-araw, o kasama mo lagi-lagi. Ang kaibigan ay yung taong nagparamdam sayo, kahit isang sandali, na walang problema sa mundo, na kumpleto na ng iyong buhay, at pwede ka nang mamatay at maglaho, dahil nakaramdam ka na ng kasiyahang di mapantayan kahit langit." - Dilang Anghel

Siguro nga tama nga yang katagang yan. Kung kaibigan lang na nakakasama araw-araw, marami ako nyan. Super dami. Lalo na ngayong nasa Central Student Council ako, halos araw araw marami akong nakikilalang mga bagong kaibigan.

Nung nabasa ko yan sa bagong bili kong libro na pinamagatang Dagta: Antolohiya ng Erotika, nagulantang ako. May point kasi eh.

Masasabi kong sa Central Student ng Council, marami akong kakilala, at nakilala. Pero kaunti lang talaga ang nakakakilala sa akin para talagang maituring ko silang kaibigan. Madalas kasi hanggang dito lang talaga sa Council ang komunikasyon namin. mapipili mo lang yung mga taong kahit wala kaming communication, sila pa din yung mga taong alam kong mapagkakatiwalaan ko.

Namimiss ko talaga yung mga High School friends ko. Sa kanila ko talaga naramdaman yung contentment. As in kahit magkakasama kami, tapos walang nagsasalita hindi awkward. We have that comforting silence. Yung minsan, hindi na kelangan ng salita yung mga gusto mong sabihin. Basta alam mo, yun ang kelangan mong gawin para sa mga kaibigan mo. Yung kahit minsan nalang kami kung magkita, nandun pa rin yung closeness. Kung ano sila nung huli kong nakita. Ganun pa din sila.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko, mabuti kaya akong kaibigan? Ang alam ko oo, pero syempre, iba-iba pa rin ang isip ng mga tao.

Shattered again...

I dedicate this post to my self.

I.
Crack!
Little hisses
creating lines in turtle speed
showing jagged reflections

One more second
this high velocity bullet
will pummel through
destroying this delicate membrane

Crash!
Once more
this mirror has been shattered
pieces above ground

II.
My shoulders sagged
As if 1000 Tera Newtons
delivered its force to it
a big burden

My smile vanished
evaporated even
my facial muscles moved
forming what they called a frown

My mind rippled
like a single drop
on still water
entropy exploded

III.
My eyes blinded
filled with ghostly tears
blown away by that wind
cold cold wind unfelt by others

I felt like I was dying
slowly... siphoning my strength
Stabbed once with shear force
that eradicated my totality

I melded in the shadows
dare not let my face show
in this complete darkness
I shall water the earth.

Etong poem nato clearly describes what I felt yesterday. I: when I heard the news; II: when I was walking home; III: while on my bed with the moonlight on my face.



Alam na ni Kuya Cachi. Alam na nyang active member ako ng SIKLAB, which in turn implies na AKLAS ako. AKLAS is the prime opposition party of LAKAS coalition, of which all of the Central Council officers and staffs are from. OK naman daw sa kanya, he said that very casually as if it didn't matter. Siguro sa kanya, sa akin... OO!

Tatlong tao lang ang pinagsabihan ko tungkol sa affiliation ko with SIKLAB: Si Mon, si Jarry, at si Onyong. At napakasaket kasi kung sino pa yung pinakapinagkakatiwalaan ko sa kanilang tatlo siya pa yung nagsabi kay Kuya Cachi. Si Jarry...

Alam ko namang loyal sya sa LAKAS. Sinabi ko din yun sa dati kong post. Walang kasalanan si Jarry dahil kasalanan ko lahat ng ito. Kasalanan ko dahil umasa din ako na hindi nya sasabihin kahit kanino. Kasalanan ko kasi nag-ilusyon ako na in the future kung malalaman na ng Executive Board ang affiliation ko, si Jarry ang unang magtatanggol sa akin. Ilusyonada! Che! Pero kahit paulit-ulit na ididildil ng utak ko na ako ang may kasalanan hindi pa din tumitigil ang mga mata ko sa pagluha. I just can't stop crying. I just can't.

Hindi ko alam kung pano ako babalik sa Council. Normal lang ba, o babalik ako sa katulad dati na mailap? Gustong gusto kong itanong kay Kuya Cachi kung kailan pa sinabi sa kanya ni Jarry, at kung pano sinabi ni Jarry. Pinagtanggol nya ba ako? O talagang ok lang kay Kuya Cachi? Gusto kong malaman! Pero kahit malaman ko pa. Sinabi na rin nya. Wala na ring kwenta. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!! :'(

Once a mirror has been shattered, even if you make it whole again, still the cracks remain. - Wilberchie

Chemical Process and Industry

Ang lansa!!! Ang lansa lansa!!! Ang lansa lansa lansa!!! Ang lansa lansa lansa lansa!!! ... Ang lansainfinity!!! - dating tindera ng baboy na ngayon tindera na ng isda

PhotobucketKahapon 1st time namin nameet si Sir Tengkiat. Sya yung prof namin sa CPI or Chemical Process and Industry. Like ko yung shirt nya fav ko yung color. Medyo wala akong narinig na magandang comment sa kanya. Laging nega. Naninigaw, nagmumura, mga chorvang ganun. May bad encounter pa naman kami sa kanya before. Basta sa huling part nung encounter na yun ang sabi nya “Humanda kayo sa 4th year nyo!” And what do you know! 4th year na kami at sya yung prof namin! Che!

Medyo matagal din bago sya nagsimulang magdiscuss. Kasi nasa powerpoint yung discussion material nya. Eh wlang gumaganang projector. Kaya hayun, makailang beses din nagpalipalit na projector, walang bisa. Kaya he decided nalang to read from his laptop.

Ayan na discussion proper nah. Syempre ang mga set of rules nya. Ayaw daw nya ng may malelate. Ayaw daw nya ng kumakain sa classroom. Ayaw nya ng late magsubmit ng requirements. Ayaw nya ng natutulog. Ayaw daw nya ng nagchichizmisan sa classroom. Sya daw mamimili ng magkakagroup etc. Ang haba din nun ah. Ang nagustuhan ko lang sa rules nya eh yung ipapadala nya lahat ng powerpoint nya sa yahoogroups namin.

After ng set of rules, nagsimula na ang a little overview ng Chemical Engineering Profession. Super tinira niya yung mga BS Chem. Overlou talaga! At ang mga I.E. Hindi rin nakalusot! Nagkwento din sya tungkol sa mga plants (planta ha hindi mga halaman). Andami kong natutunan sa kwentong iyon. Medyo nagooverload na nga kasi marami din akong natutunan dun sa naunang subject namin before CPI.

Syet naloka ako sa huling topic nya! World history itu! World War I. Nung naassassinate ang Archduke ng Hungary-Austria ng isang Serbian spy, nagsimula ng World War I. Syempre may mga alliance ang Hungary-Austria at Serbia. Eh yung gumagawa ng mga bala eh ally ng Hungary-Austria, san ngayon kukuha ng bala ang Serbia? San pa edi sa sarili nila! Basta kelangan nila ng Nitrates! At san sila kukuha nun? Sa mga chorbels ng paniki! Pag gabundok na hukayin at i-separate ang Nitrates! Mabuhay naman diba! Bongga ang mga tae nung mga paniki nung araw! Kalerkey!
World War II. Rubber industry yung nagbuboom. Kaso super hirap kumuha ng natural rubber dahil hindi mo pwedeng justohin yung pagkuha dahil mamamatay yung puno. Bukod pa dun limited lang yung number nang mga rubber tree noon which gave rise to the synthetic rubber industry.

Feeling ko talaga nung mga panahon na iyon sasabog na yung utak ko! Overloaded na sa information! Nakakaloka! Meron pa akong nalaman pang isa pa! Ang binabayaran pala ng mga tao sa gasolina ay yung octane content. Ang maximum na octane percentage na pwedeng bayaran ng mga consumer ay 93% lang. So, ang presyo ng gasolina divided by 93. yun angt presyo ng octane na binabayaran ng consumer.

Pero meron pa akong gustong sabihin! At gustong gusto kong ikowt si Manang na dating tindera ng baboy at ngayon tindera na ng isda! Che!

Jarry tayms tuu

Afi bertdei Jarry!
It's official! June 8 ang birthday ni Jarry! Kung hindi ko pa nakita sa Friendster yung mga nagcomment sa kanya hindi ko pa malalaman! Ayaw nya kasing sabihin! Nung Wednesday, namili ako sa SM San Lazaro ng ireregalo ko sa kanya. Bumili ako ng bagong paperback na libro ni John Grisham entitled “The Street Lawyer” sa National bookstore, pati na rin card at paperbag. Tapos bumili ako ng box sa Papemelroti. Ang cute nga nung message nung card eh. Sa harap: You are 90% made of water. (learned from a 10 yr old in a science fair) sa loob: You are a 100% friend. (learned from experience) Happy Birthday! I love it! Medyo nerdy kasi ako sa science, tas super sensitive kaya parang the card was really made by me! Chos! Nung Wednesday din na yun binigay ko yung gift nya. Hindi ko muna pinabuksan, nahihiya ako eh! Well sana lang, nagustuhan nya.

Si Jarry at ang Powerpoint presentation
Like na like ko yung ginawang powerpoint presentation ni Jarry. Yun yung gagamitin ppt sa Thomasian Welcome Walk ng mga freshmen, para ipakilala yung Executive Board ng Central Student Council. Ang cute talaga ng design! Simple lang! Samantalang ako nag-po-Photoshop pa! Hindi ko pa nanenok yung file eh.

how to tell your parents your gay



Hindi ko yan ginawa nung lumadlad ako! Che!

Happy Independence Day!

Photobucket
Proud to be Pinoy!


Alam mo ba na ang Pilipinas ang maker ng pinaka-high grade na shabu sa buong mundo? 97% pure! Walang ganyan sa isteyts!

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba na ang Pilipinas ang texting capital of the world? Kahit mahirap may cellphone! Yung mga wala, yun na talaga yung mga salat!

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba na ang Pilipinas ang may pinakamahal na singil sa kuryente? Leche kasing E-VAT ni Former Senator Recto eh!

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba na sa Pilipinas mas mahal pa yung Starbucks sa gasolina? At marami pa silang customers ah!

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba sa Pilipinas bawat kanto may basketbolan pero sa mga prbinsya halos kulang kulang ang school? Ay nako! Nasan ang pondo!

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba sa Pilipinas ang bayarin ng estudyante mas malaki pa kesa sa ikikita nila pag nagtatrabaho na sila? Talk about utang!

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba sa Pilipinas ang mga Doctor nag-aaral ulet maging Nurse? Pera pera ang usapan! Che! Ikinahihiya ko kayo!

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba sa Pilipinas andaming nakakatawang pangalan ng restaurant! Wok with me, Chinese resto; Také Homé, Japanese take out;

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba sa Pilipinas ang fastfood, pandiet? Ewan ko ba, nakaktaba ba yung carinderia food?

Proud to be Pinoy!
Alam mo ba sa Pilipinas ang mga daga pet sa lahat ng bahay? Isama mo na rin ang mga ipis day!

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba sa Pilipinas ang beer, sigarilyo, at cellphone load ay pangangailangan at ang lotto ay commodity! Hyper ang mga tao dyan! Gusto kasi nila instant yaman!

Proud to be Pinoy!

Alam mo ba sa Pilipinas ang Soap opera ang reality, at ang balita ang drama? Kaloka nga yan eh! Mas alam pa ng mga tao yung buhay ni Marimar ano!

Proud to be Pinoy!

Wala akong masabi talaga! Kundi, PROUD TO BE PINOY!!!

Abduction!

PhotobucketPagkagising ko kanina. Nabalitaan kong ni-abduct daw si Ces Drilon, anchor ng ABSCBN, at 2 cameramen. Ngayon humihingi na ng ransom ang mga kidnappers. Milyones din. Nyeta! Kahit Kapuso ako, I share the wrath of the Kapamilya people with those people! Hindi tama ang ginagawa nila. Hindi ganyan ang way ng ISLAM! Sus miyo!

Presenting...

Photobucket


Reporter: Baket ka nagpakalbo Snooky?
Snooky: Wala lang, for a change.
Wilberchie: Che!

Hot Guys who Cook

PhotobucketKagabi sa etc-SBN 21, pag katapos ng A-List movies, pinalabas ang isang show called “Hot Guys who Cook”. Syempre bilang isang bakla, responsibilidad kong alamin (at okrayin) kung HOT! nga ba talaga ang mga papalou na nagluluto sa show na iyon.

Simple lang naman kasi yung concept, mga certified HOT! Guys ay magluluto on screen. Yun lang. Ganun lang sya kasimple. 3 HOT! Guys ang magluluto per episode.

Comment ko lang, sana pinag-topless nalang nila yung mga papa habang nagluluto. The concept is so gay! As in, it caters to the gay community! Of course, iba ang definition ng HOT! sa Manila, and HOT! sa US. At sure akong Great Body is one of the definitions of the gay American about being HOT!. Kaya sana hindi na sila nagpakaplastik at todo costume pa ang mga papalou na nagluluto ano. It would certainly make the show HOT!er

Epitome of Hot Guys who cook for Wilberchie
PhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
Yan ang HOT!

Ang above picures po ay sa centerfold ng Cosmopolitan Magazine na nakalimutan ko na yung issue.