Today is Zomba Day!

Photobucket


Tanong: Maganda ba ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington?

Answer: Ping peping pang pung! Flat shoes na may takong! Plunging neckline with ruffles and beads! Evaporator na may brine solution! Basta! SUPER DUPER Churchill kaya manuod ka! GORA NAH!!!

Photobucket

High School of the Dead

So eto yung Zombie Holocaust anime na pinanuod ko recently. Ang title nya ay High School of the Dead! ayoko na magsabi ng masyadong spoiler. Pero ang masasabi ko, ang sarap kumaen habang nanunuod ng exaggerated Blood spatters at zombie bites! hihi!!! Medyo mature sya kaya hindi sya pambata, pero matutuwa ang male audience dahil sa opening sequence palang, puro Fan service nah.

Ang pinakanagustuhan ko sa anime na ito ay yung epilogue nung 1st episode! Palung palo ang script! Eto ang screencaps!

Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket


PAK!!!! Pak na pak ang linya! winner!

Photobucket

Nogizaka Maid Team

Isa sa minarathon ko sa laptop ko at paulit ulit ko pa din pinapanood ay yung anime na Nogizaka Haruka no Himitsu (Nogizaka Haruka’s Secret). Sa story kasi ang Nogizaka family ay saksakan ng yaman at uber sikat sa business world. So you know the drill, pag saksakan ng yaman malaki ang bahay at uber daming maids. May ranking system sa Nogizaka household, the best of the best nila ay yung mga heads na collectively known as Nogizaka Maid Team top 10. Eto sila

Photobucket

Rank No 1: Sakurazaka Hazuki
-Maid Team Leader
-Head Maid
-Personal bodyguard and aide of the eldest daughter Haruka
-Weapon of choice: Chainsaw
-Loves stuffed toys

Photobucket

Rank No 3: Nanashiro Nanami
-Maid Team Leader Assistant
-Personal bodyguard and aide of the youngest daughter Mika
-Drives like a F1 racer.
-Weapon of choice: Huge Meat Tenderizer

Photobucket

Rank No 4: Katsumoto Minamo
-Head of Maid Chamberlain
-Handles Finances, Law, and Public Relations
-Acts as Maid Leader Substitue in Hazuki’s absence or incapacity

Photobucket

Rank No 5: Yukinohara Maria
-Head of Medic Team
-Takes care of first aid and medical duties

Photobucket

Rank No 6: Nogikawa Koayu
-Cook Leader
-Head Chef of the Nogizaka Household

Photobucket

Rank No 7: Rokujou Ayame, Sara, Juri
-Chauffer for aerial and land travels
-Handles Airplane maintenance as well as land vehicles

Photobucket

Rank No 8: Rain Alistia
-specializes in VIP protection and sabotage
-Weapons: Metal Knuckles, Bat with nails, ship anchor
-Expert in hand to hand combat

Photobucket

Rank No 9: Munakata Rio
-Chemistry Department Manager

Photobucket

Rank No 10: Hinasaki Iwai
-Festivity Manager
-A real shrine maiden

Yep, you counted right, walang Rank No 2. At nung tinanong ni Yuuto (yung male protagonist) kung bakit walang No 2, eto ang naging reaction ng Maid Team:

Photobucket
Photobucket
Photobucket


Hanggang ngayon hindi pa narereveal yung totoong dahilan nyan. Intayin nalang natin sa mga susunod na seasons ng anime na itey!



Sa lahat ng Nogizaka Maids, feeling ko ako si Rank No 4. Her job is soooooooooooo secretarial! Wahahahaha! Although I consider myself as a leader, I always prefer to be a subordinate. But of course when the need arises, I can assume leadership. Katulad nya, na nag-aact as Maid Leader substitute when needed. Siguro kelangan ko lang mag-aral nung sa finances, kasi basic accounting lang ang alam ko eh! Pero sa law at public relations, it’s my job as assistant before sa Central Student Council.

Pwede din akong Rank No 9! Kasi Chemistry din naman yung background ko. Pero nagwowonder ako kung bakit may Chemistry department ang Nogizaka maids. Isang beses ko palang nakita yung sense nya nung nagbato ng bombs sina Hazuki at Nanami sa finale episode ng 2nd season, obvious na galing sa Chemistry department.

Kelan kaya ilalabas yung secret bout Rank No 2? Hihi!!! Kakaexcite!

Photobucket

Lafingfangfung day

Pag nalulungkot ako, impulse ko na talagang kumain. Ewan ko ba, bakit ganun ang epekto ng stress saken. Mas maganda yung kay dadee, nawawalan sya ng gana kumain pag stressed sya. Sana ako din! Para hindi ako hirap magpapayat. Chowz!

So anyway, wala akong inatupag kahapon kundi lumafang ng lumafang. Parang wala akong kabusugan. Grabeh, GLUTTONY to the highest level ang pag pig out ko… Eto ang mga nilantakan ko kahapon.

>>> ULAM – Fried Daing + 2 cups of rice
Dahil may lakad ako kahapon, kumain ako ng lunch earlier than usual. Magkikita kasi kami ng “mga lalake sa buhay ko” sa aming alma mater. Tapos, may event sana kami na pupuntahan ng mga “brothers of my life” after kaya I decided na kumain ng marami kasi medyo late na kami makakakain later.

>>> KFC – 1 pc Hot and Spicy Chicken + 1 rice + reg coke + Ceasar Salad lite
Unfortunately, hindi kami natuloy ng mga ”brothers of my life” sa event kasi si Manong ay nagkaron ng biglaang lakad, so sumama nalang ako sa ”mga lalaki ng buhay ko” kumain sa KFC sa may FEU.

Photobucket
Si Ateng na nakaviolet ay ChE Dyosa din. Dalawa lang yung dumating sa mga lalaki ng buhay ko eh. Si Albert at si Hesed lang (right and left).


Sayang hindi nanlibre si Albert! Cheapskate! Laki ng sweldo nyan eh! 10,000 pesos ang tax! Tax palang sweldo na nung iba naming classmates! Wahahahah!!!

>>> 2 sunny side up eggs + 1 cup rice
After namin maghiwalay ng mga kasama ko, naglakad lang ako pauwe. At pagkauwi ko, nagpahinga lang ako sandali at parang nagutom nanaman ako. So nagluto ako ng dalawang itlog sa aming outdoor kitchen. Hindi yan sosyal, nasa labas lang talaga ng bahay namin yung kalan. Medyo nairita pako habang nagluluto kasi yung non-stick pan ko, hindi na effective. Dumikit yung itlog eh.

>>> Binatog
Dahil bored ako dahil sa pagkakaabort nung supposed lakad namin, naglaro nalang ako ng Plants vs Zombies sa aking laptop. Kasagsagan ng paglalaro ko ng mini games ng bigla kong narinig ang pamilyar na tunog. “Tingtingtingtingting!” ay! Isa lang ang ibig sabihin nun, si Mang Binatog yun! Dumungaw ako sa bintana at sakto, nasa labas lang sya ng gate namin. “Kuya sandal lang ah!”, pagtawag ko kay Mang Binatog. Kumuha ako ng datungels sa wallet at dali daling bumaba at kumuha ng bowl para dun ipalagay yung binatog ko na worth 20 pesos.

Photobucket
Syempre with niyog and salt! The best! Ansarap!


>>> Bread pan
Nang magsawa ako sa paglalaro ng Plants vs Zombies. Napagdesisyunan kong manuod ng foreign indie film. Medyo marami ako nun dito sa laptop ko kaya hindi ko pa din napapanuod lahat. Napagdiskitahan ko panuorin yung entitled RUBBER. Leche! Hindi ko maappreciate, nabore ako, yung bida kasi gulong eh. Gulong na may psychokinesis. Ang weird diba? So tinigil ko nalang ang panunuod nun at nagbukas ng aking fav na Bread pan na gawa ng aking soon to be company.

>>> Chunky Peanut butter Sandwich + 1 cup coffee
Lumabas ako ng kwarto ko para makipagchikkahan sa parents ko sa labas. Habang chumichikka, nakita ko yung SKIPPY Peanut Butter! Haru! Paubos na! hindi man lang sumayad sa lalamunan ko yan. Ang salarin dyan si Pudak eh! Nung binuksan ko, mukha namang abot pa para sa isang sandwich. Pinatos ko na yung end loaf nung raisin bread. Mabuti nang meron kesa wala.

Photobucket
Inubos ko na talaga sya! Waahahah! My preferred peanut butter, chunky!


Infairness masarap sya! At lalo pang sumarap nung uminom ako ng hot strong and rich coffee kasi umuulan! This is the life! Wahahahha!

Baket ba kasi stressful ang pag-iisip? Haaaay!! Sarap tuloy kumaen…


Photobucket

Our Team Lead

I just watched an anime with an end of the world theme. The cliché of zombies roaming the world. The male protagonist really reminds me of one person. He has quick wit and a very strong personality. He is not afraid to settle hard decisions quickly and is very much willing to get his hands dirty. He is reserved to some extent but is very vocal when the need arises. A very capable and dependable person, who has earned not only my respect but also others who know him well.

With my closest friends, those who I treat like my brothers, we are already at the stage where we already know each other’s strengths and weakness. We have already earned each other’s trust and also respect to our different abilities. We know which person is suited for a certain kind of activity and those who are best suited to finish the assigned tasks. But of course, in every group there will always be one person who you look up to. Although, we treat ourselves as equals, there is this person that we can count on and we can entrust our life to. I am deeply loyal to all of my “brothers” but my loyalty to this person is above among them. I always take his comments with high regard and I trust that he will make sound and logical decisions whatever situation may occur.

There will always be a leader in every group. And for ours, there is only one person that comes into mind. I’m sure that I am not the only one who thinks so. Yep, it’s not me… Although I probably am the most intellectual and most experienced in terms of leadership in our group, but being a leader for a crazy bunch really takes out of the ordinary. Our leader can only be this person. Yep, no doubt about it. Our leader will be no other than MANONG.

If we were an Assault team, Manong will be the Team Leader while I will be their prime support. He will be the one doing the hard decisions on the field while I feed him the current status on the situation through the transponder. But of course let’s not forget that his quick wit is rivalled by Jebs. Their synergy in the battle field is a sight to behold. There is Juancho, capable and dependable when you assign a task, and Dadee, aggressive yet logical in assault approach. As for me, I will be the one doing multitask in the headquarters monitoring targets, calculating ETA’s for the best route to the target, calculating strategy options, instant options for escape route, explaining unforeseen events, and the pain staking process of being steps ahead for the safety of the team. I would probably the one handling debriefing reports too. Like I said, we know each other’s strengths and weakness and apparently multitask and paperworks are my strengths.

If the zombie holocaust comes true, Manong is probably be the one leading the charge with the other guys to protect our base while I on the other hand will handle logistics like food, medicine, and other supplies; Calculate how long our rations will last; and think about how to sustain our base. My gosh! My profession as a Chemical Engineer will be put to a test!

Hmmmp… actually in my point of view, Manong has this aura of coolness around him. That is why he is fit to become our leader. Well, he’ll be at wits end especially since he will be handling a crazy team. Hihihihiihihi!!!!

Photobucket

Rainbow Jellies

Dahil akala ko tatambay kami kanina sa bahay nila Jebs, gumawa ako ng snacks. Gulaman na lalagyan ng evap. Pero dahil naglakas trip ako. Napagdesisyunan kong gawing iba't ibang kulay! At tinawag silang, RAINBOW JELLIES!!!

Photobucket

Photobucket


Hindi ko alam kung pano gawin yung INDIGO eh. Apat lang kasi yung food color na meron ako. Red, Yellow, Green, and Blue. Tapos mix mix nalang to get other colors. Kumain ako ng Blue kanina, ang sarap! Strawberry flavored! hihi!!! May dalawa kasi akong flavoring na stock Strawberry and mango. Ang sarap lalo na Alaska pa yung evap tapos malamig. Dahil... Wala pa din tatalo sa Alaska! Chowz! Wahahahha!!!

Photobucket

Acceptance within

There was a day last week that I felt really vulnerable. Yun ang dahilan kung bakit nagsurface yung mga repressed feelings na tinatago ko sa puso ko. Ngayon palang kasi talaga ako nagkakaron ng time to really face head on etong issue na to ng buhay ko. Ngayon palang kasi nagsloslow down yung pace ng buhay ko. Honestly, I cried. Again. I was overwhelmed by this pure melancholic feeling. It really seems that part of me still really loves him. Well, yeah, I still love him. No matter how stupid it may sound, I still love him.

I have all the reason in the world to hate him to the core. He’s a lying bastard, a predator in sheep’s clothing, and an effing coward. Not to mention, hazy (Malabo). Simply put, he’s everything that I hate in this world. But it seems every time that I get mad at him, it’s just a phase. Because despite not knowing the real reason behind his course of action against me, after a few days, I feel like I can welcome him again. Ngayon ako na yung nagiging malabo. Hindi ko din maintindihan eh. Mahal na mahal ko lang talaga sya. Kaya hanggang ngayon iniisip ko pa din sya.

Tanggap ko na sa sarili ko na hindi na magiging kami kahit kailan. Sa part na yan, positive nako dyan. There is no doubt in my mind na yan na yung totoo. Kahit papano dyan sa realization na yan masasabi kong nakamove on ako kahit konti. Siguro ang kailangan ko lang talaga para tuluyan na mabitawan ko sya, ay yung tunay na reason kung bakit nagbago yung perception nya sa pagmamahal nya saken. Hindi ako maniniwala na overnight lang nyang napagtanto na hindi nya talaga ako minahal. Kasi positive ako na interesado sya na move on kami to next level sa relationship namin. Inaaya nya akong magkita kami. Yung isa nga biglaan pa, sabi pa nya minsan mas magandang hindi pinaplano ang lahat. He bought me John Grisham Books. Inangkin nya ako. And of course, he told me he loves me very much.

Actually, ngayon ko lang nararamdaman yung panghihinayang na wala kaming picture na magkasama kami. Sana kahit papano, I have something physical to remind myself that we were happy even for a short time. Hindi ko rin sya nayakap, nahalikan, nacuddle, at nakasex. Isa lang yung nagawa ko to non-verbally express that he is important to me. Pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya. Dahil nung gabing yun, pagod na pagod ako. At gusto kong maramdaman nya na kelangan ko sya. At sa kanya lang ako. Yung gabing yun ang nagsabi sakin na mahal na mahal na mahal ko sya. Yung gabing yun yung huling beses na nakatabi ko sya ng matagal. Dahil ung gabing yun ang huli naming pagkikita.

Gusto ko lang talaga malaman yung dahilan sa mga biglaang pagbabago. At sana bago ako mawala sa mundong ito masabi nya saken ang totoong dahilan. Nang sa ganun, mapatawad ko naman sya ng bukal sa puso ko. Hindi ko na sya huhusgahan pa sa kung anung dahilan ang sasabihin nya lang sakin ay totoo. Yun lang naman ang hinihiling ko eh. Katotohanan.

Photobucket

Bored Games

Dahil bored na bored na bored na bored ako nung weekend, dahil hindi natuloy yung lakad naming ng mga friends ko so napagdiskitahan ko maglaro nalang ng games sa laptop ko.

Photobucket


So first time ko natapos yung Minesweeper Expert nung weekend sa aking mini laptop. Tapos kanina din nakatapos ako ulet. so in total 11 times palang ako nakakatapos ng Expert level sa buong buhay ko. Obvious na bored eh.

Gusto ko tong game na to kasi its a game of logic and chance. Ay!!! May funny story ako dito. Meron akong acquaintance nung ako'y staff pa ng USTCSC, proud na proud tong tao na to na may alam daw syang secret sa paglalaro ng Minesweeper. Tapos eventually, sinabi nya saken yung secret move nya. Pagsabayin ko daw yung left and right clicks. Tumawa ako ng malakas. "Yan na ba yun? Basahin mo yung HELP. Nandun yan. That's really how you play it." PAK!!!

Photobucket


Matagal ko nang napagold yung Sunflower Trophy ko sa Plants vs Zombies. Pero honestly, ngayon ko lang napagtanto ang effectiveness ng Garlic. Photobucket Nagagawa ko kasing malibre yung dalawang lanes kaya pwede kong lagyan ng maraming marigold. Grabeh nakakakuha ako ng 7k every game sa The Last Stand mini-game. Kaya gusto ko yung mini-game na yun kasi pwede kong iwanan mag-isa yung laptop while I do other things hihi!

Nabore kaba? Sabi syo bored ako! wahahha!!! Enjoy this song from Plants vs Zombies!


Photobucket

Butei profile: Wilter von Phar

Okay so naaddict nako sa Butei Academy ng anime na Hidan no Aria. Ang cool siguro kung merong ganun sa totoong buhay. Ang mga Butei in a nutshell ay sort of Mercenaries that promote peace and order. They are task to help those in need and apprehend criminals. Tapos yung mga Butei are trained from high school kaya gumawa ng specialized school for them, ang Butei Academy.

May mga Divisions sa Butei Academy. Kung baga, may mga specialty ang mga Butei, eto yung mga yun.

Assault Division - Assaults perform mid- to close-range combat in various operations. They specialize in the usage of handguns, swords and other weapons.

Sniping Division - Snipes assist comrades or destroy targets from long range distance by using sniping weapons.

Intelligence Division - Lezzads are in charge of making intelligence reports on criminal organizations. They are also involved in the construction and analysis of strategies.

Interrogation Division - Dagulas are in charge of interrogating captured criminals.

Investigative Division - Inquestas are in charge of investigation in applying detective and reasoning skill to analyze information.

Forensics Division - Repiers are in charge of scientifically testing proofs and use scientific devices to search for clues in crime scenes.

Equipment Division - Amdos are in charge of supplying, customizing and the maintenance of Butei equipment.

Vehicles Division - Logis are in charge of piloting any kind of transportation means (land, sea or aerial transportation).

Communication Division - Connects are in charge of providing information as a backup using communication device.

Information Gathering Division - Informas are in charge of compiling and sorting informations using information processing equipments.

Medical Division - Medicas are in charge of medical care during Butei activity or rescue operation.

Assistance Division - Ambulaces serve in Butei hospitals. In charge of educating future doctors. These people had gained sufficient experience from rescue operations.

SSR - "Psychic Ability Investigation Research Team") or have supernatural ablities. In charge of supernatural or psychological crime investigation. SSR stands for "Supernatural Searching Research".

CVR - stands for Civetta Reseach. Only girls with exceptional beauty can enter this course. Under special condition, they use their physical charm to apprehend criminals.



Hmmmp, kung isang Butei ang alter ego ko na si Wilter von Phar malamang eto ang profile nya.
Butei Major: Inquesta
- detective work and analysis. Frustrated detective ako eh. Magaling ako mag-analyze at proud ako dun! Hihi!!!

Elective units:
Assault
- course in the use of guns and close combat blades. Anung klaseng detective ang hindi marunong gumamit ng baril at hindi kayang defend ang sarili nya?

Repier
- basic to intermediate course in Forensic Procedures. Mataas ang aptitude ko sa science eh, bagay din akong magmajor ng Repier. Pero walang aksyon dyan eh! Hihi!!!

Lezzad
- course in formulation of strategies. I’m usually the think tank so mas maganda kung alam ko yung technical aspects of making strategies.

Informa
- course in information gathering. What kind of detective am I kung hindi ako marunong maggather ng info? Specialty ko yan nung ako’y nakaupo pa as Legal Officer nung college ako! Hihi!

Dagula
- course in the art of conversation. Madaldal ako in person. And I have my ways to control the conversation. Hihi!

Ang saya lang mag-imagine! Hihi!!! I’m sure puro Assault lahat ng mga kapatid ko. Magkakaiba lang sa elective units. Like si Manong, im sure ang elective nun Connect. IT kasi yun eh, kaya hacker mode yun. Sniper din yan si Manong. Mataas aptitude nyan bilang isang sniper. Samahan mo na ng logi major in Airplanes and land vehicles. Si Jebs, may elective sa Logi at Medica. Marunong din kasi magdrive yun tsaka isa syang RN. Si Juancho, baka Connect din kasi IT din sya., Tapos Lezzad for strategy making din.

Kaw anung klaseng Butei ka?


Photobucket

RH Bill Debate in the Senate

I was surfing the Teevoh for something to watch when I switched to TV5’s news channel. Dokumentado program was airing. Hmmp.. So apparently, the debate about the RH Bill in the Senate is already on. And on the podium for Pro RH Bill is the author and prime defender of the bill, Senator Miriam Defensor-Santiago while for the Anti, it’s Senator Tito Sotto.

My goodness! I am appalled by Senator Sotto’s questions and counter arguments. It’s beyond close-mindedness and reason. I can’t believe I voted for such a… ulk!

He questioned Senator Santiago’s source of data. She stated that it was from the National Statistics office, a government agency. The data I’m talking about is that 11 women die every day from child birth. OMFG! If I were Senator Santiago I would be pissed and extremely insulted by such a remark! He dared question the integrity of Senator Santiago’s research? A Doctor of Law? A UP Law Professor? A candidate to become an Inquisitor in the International law? Eff!

This was not the 1st time my right brow reached its apex. He said something like: “wag tayong magmarunong sa Dyos.” (not so accurate). But in essence he’s implying that the RH Bill will disrupt the balance that the Lord has given us. That the Lord will not create something that can’t be sustained.

Eto Senator Sotto, tatagalugin ko na para maintindihan mo ang point ko. Hindi ko maintindihan ang point mo. Don’t give me this shit na wag marunong sa Dyos. Pag isipan mo tong sasabihin ko. Bakit may global efforts to save the environment? Hindi ba gawa din ng Dyos ang mundong ito? Bakit kelangan pa nating gumawa ng international treaties at national laws para lang masustain ang nanganganib nating environment? Sa logic mo hindi ba pagmamarunong na yan sa Dyos? Kasi sa logic mo, kayang magsustain ng mga ginawa ng Dyos kasi it’s all part of the grand design. Kaya sabihin mo saken ang dahilan kung baket kelangan nating gumawa ng sobra sobrang efforts para lang mailigtas ang environment kung kaya naman pala nyang magsustain in itself kasi gawa ito ng Dyos?

What really irked me the most was the statement that the RH Bill is just for the money. Good thing Senator Santiago is tact. I agree with her that it’s unfair. Corruption is out of context in this issue. I remembered Manong’s counter statement for this (Well, all of us are Pro RH Bill, except for Av, an altar server). He said, ”Hindi maganda yung logic na yan, para mong sinabing wag ka nang matulog kasi alam mong gigising ka din naman”. The debate for the RH Bill should remain in context with the RH Bill. Corruption is another issue which is deeply rooted in our political system. You can counter every bill with this corruption stance because all of you sitting in the Senate are all there because of the political mechanism called an election. Then, there won’t be any laws that will be passed because of this crude philosophy.

Haaaaay!!! Why do we have *toot* in the Senate?! Haru! No wonder our country is not moving forward. We’re still plagued by conservatives. I mean, being conservative is good but in excess, it’s really a pain in the ass. Like the excess population that we have today.

Hmmmp… I somehow find it ironic that economists are Anti-RH Bill. Well according to monster from one of our intelligent conversations about the issue: less people, less productivity. Well in my point of view that is true in an ideal setting. But what I learned in engineering, there is no such thing as ideal. We should always look at the REAL situation. But anyway, I’m not an expert in the economics point of view so I’ll try to talk to my new anakiz who is a macro- and political economist about this issue. It’s better than talking to just a high school economics teacher. Ay! Bumabanat! Wahhahahahah!!!


Photobucket

Time Space Warp: Sometimes

Nagse-surf ako ng channels sa Teevoh nang mailipat ko sa Studio 23. My Myx yung palabas tapos si Kean Cipriano yung VJ. Kakatapos lang nya basahin yung request, at biglang tumugtog yung kantang matagal ko nang hindi napapakinggan…


Sometimes by Britney Spears


NAKAKALERKEYLERKS!!! Nagtime space warp ako pabalik sa Grade School ko! Etong kantang to kasi ay dapat sasayawin namin nung mga friends ko nung Christmas program nung Grade 5 ako. Unfortunately, since nagpapasaway yung mga kasama ko (ayun ung on the record pero ang totoo naimbyerna lang talaga yung teacher namin ng walang dahilan), nacancel sya. Nakapagpractice na kami and everything, sasayaw nalang eh naging bato pah.

Infairness! Kabisado ko pa rin ang dance steps! Well, may pagkakatulad din naman kasi dun sa dance steps sa original video ni Britney. Kaya hindi naman ako nalolost masyado. Pero nakakatuwa na kabisado ko pa rin sya after all this years. Wihi! Grade 5 ako nung School year 1999-2000. You do the Math! Hihi!

Phenomenal talaga si Britney nung una syang lumabas. Naalala ko pa na lahat ng sinayaw namin, kung hindi STEPS, Britney Spears. Haaaay! Elem! Nakakamiss ka rin pala! Hindi lang pala high school ang namimiss ko. Siguro kasi, 8 years ko kasama sa iisang classroom yung mga taong yun. Yep, from Kinder 1 hanggang Grade 6, sila sila lang din yung classmates ko. Magkakasama kami from 7:15 am to 4:30 pm dahil ako’y nag-aral sa isang Chinese School. Pero mahabang kwento pa yan, kaya sa susunod ko nalang ikwekwento. Hihi!

Photobucket

Missing Las Tres Estrellas

Nung nagsimula akong magblog, para akong tanga. Mga one liners lang yung nibloblog ko. As in walang kwenta talaga. Hindi mo pagkaka-aksayahan basahin. Then, nagsimula ako magbasa ng blog ng ibang tao. Karamihan pa nga sa mga naunang nabasa ko puro foreign. Kaya dati I really tried so hard na English lang ung ginagamit kong medium. Pero nung nakakita ako ng blogs na taglish at may beki language, na inspire ako to write freely.

Isa ang blogsite na Las Tres Estrellas ang daily visits ko nung early onset ng pagbloblog ko. Super enjoy ako sa mga sinusulat ng tatlong founding sisters ng blogsite na yun. Si Ms. Lyka Bergen, si Ms. Ekra Tan, at si Ms. Kelly Carson. Dumagdag pa sa bandwagon sina Mama O at si Ms. Jezebel Patel. Tungkol sa buhay nila sa America normally yung topic dun. Yes, buhay Filipinong bakla sa America. Included na dun ang fashion, boylet, work, friends, TV shows, travel, kabaklaan, at kung anik anik pah!

May mga regular segments sina Ate Lyka (yun tawag ko sa kanya) sa blog nila, inaantabayanan ko talaga yun lagi. Here are some of my favorites:
>>>Pageant prediction - Hindi talaga kumpleto ang blog pag walang pageant side comments. Natutuwa ako lagi sa mga witty remarks nila sa mga candidates.
>>>Adventures of Nora - Si Nora ay yung doll nila Ate Lyka na lakwatsera. Kung san san na yan nakarating. At super dami nyang emote pics! Infairness! Isa lang ibig sabihin nun. Mga lakwatsera din ang mga may ari sa kanya hihi!!
>>>The Golden Titi Awards - every month, nagnonominate ang mga blog authors ng limang comments na sa tingin nila ay worthy awardan ng Golden Titi. Sa naaalala ko, nilalabas yung nominees 1 week before, para makaboto din yung mga readers. Laging top 3 dapat yung boto kundi void. Hindi pa nga ako nananalo ng Golden Titi eh. Nanominate palang ako. Naunahan pako ni Mareng Yffar manalo (bitter! Chowz!).
Photobucket

>>>Project Runway LTE - ang pinakaaabangan ko sa lahat! Pag naglabas na ng preview si Ate Lyka, hindi nako makapaghintay for it! Naglalaban laban ang mga bakla ala Project Runway. They will design a cohesive collection and they will let the audience vote. Dapat may order ng iyong pagboto kundi void ang boto mo. Kasama sa rules ang mang-okray ng collection. At grabeh mang-okray ang ibang mag readers. Kaya nga nagkaron ng season na hindi mo alam kung kaninong collection yung suot nung mga designers. Sa early seasons kasi, kung sya ang designer, sya na din ang model. Kaya hindi na pwede ang favouritism both sa pang-ookray at pagboto.

Hindi ko alam ang nangyari pero merong time na naging The Lyka Bergen Show yung name nung blogsite na yun. Hindi ko na rin tinanong kasi syempre medyo personal na yun. Pero nagtuloy ang buhay ng pagbloblog sa site na yun. Hanggang sa parang naging okay na tapos naging Lyka Bergen and her step sisters yung title tapos ngayon Las Tres Estrellas Redux.

Nameet ko na din in person sina Ate Lyka at Ms. Ekra. Nasa Pinas sila for a short duration at sakto naka-set yung get together ng Rainbow Bloggers Philippines. Mabait sila in person. We met up in Malate with Yffar, Oliver and Yajnat. Chikka chikka lang sa mga buhay buhay. They are so easy to talk too. Libre pa nga ni Ate Lyka yung mga beer ko. Hihi! Balak ata akong lasingin. Ambait tlaga nila, nagtext pa si Ate Lyka saken bago sila magfly. Sabi nya mag-aral daw ako mabuti. Hanggang ngayon nakasave pa din sa phone ko yung number nya. Ewan ko lang kung yun pa din ang gamit nya. 4th year college pa ko nung meet up na yun eh.

Ang isa sa hindi ko makakalimutan sa pagiging avid reader ng blog nila Ate Lyka ay maka-sort of rubbing elbows yung who’s who sa gay blogosphere. Constant commenters dun sina Mugen, Ms. Mel Beckham, Mandaya Moore-Orliz, Kiks, Geisha, at marami pang iba! Nakakastarstruck lang. Kasi bigatin nung mga kasama kong kumokoment. Nakakalerkeylerks!

Haaay kakamiss! Siguro talagang busy lang sila kaya hindi na sila masyadong nakakapagpost regularly. Pero reader pa rin nila ako. Isa ang LTE sa dahilan kung bakit blogger pa din ako hanggang ngayon. Kaya forever reader nila ako. =D


Photobucket

Wilberchie heart to heart

Naku paxenxa na at puro about sa kabiguan ng lovelife ko ang topic ko lately. Dahil nga nagkasakit ako ng isang linggo, wala akong ginawa kundi humilata, manuod ng DVD, at mag-isip. Isa yung nangyari samin ni monster sa mga napag-iisipan ko. Tsaka kung ano na yung gusto ko ngayon sa isang relationship at sa ideal guy ko.

Sinabi ko na ng ilang beses na para sakin talaga, nung makilala ko si monster, sya yung ideal guy ko. Wala nakong hihingin pang iba basta mahal nya lang ako. Pero dahil sa mga pagbabago sa mga pakikitungo nya, nasira nang lahat. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam yung dahilan sa pagbabagong yun. Anyway, masyadong depressing ang topic na yan, move on tayo sa topics na gusto ko talagang i-share. Wihihi!

Charmed Power
So sabi ko nga, wala akong ginawa kundi manuod ng DVD. Sama mo na yung mga anime na nidownload ng mga friends ko na kinopya ko. So megang megang marathon ang drama ko. Kelan lang din kasi bumili ako ng Original season 4 DVD set ng Charmed. So kamusta naman ang marathon ko, tinapos ko lang ng isang araw. Wahahahha! Sa panunuod ko ulet ng aking favourite show, nakarelate ako dun sa isang character. Well apart sa pinakagusto yung power nya, ibang level din kasi talaga ang galing nya.

Photobucket
The Seer


Nakarelate ako kay The Seer played by Debbi Morgan. Well bukod sa fact na I always relate with the evil side, nakakarelate ako talaga sa character itself. The Seer acts as an adviser to The Source of all evil (the most powerful Demon and the leader of the Evil forces in the Charmed world). She’s qualified kasi ang power nya ay to see the future. Kaya nabibigyan nya ng warning si The Source sa mga threats and advices naman kung anung mga dapat gawin. May attitude din tong si The Seer (like me!), may initiative sya to do things on her own even at the back of The Source, all for the glory of The Source that she’s serving. (Yung the Source kasi title lang yun, kaya pwedeng mapalitan)

Hmmmp… relate na relate ako sa kanya. She’s instinctive and wise. Very loyal and authoritative. But she knows where her authority ends. She’s doing everything in her power for the greatness of The Source. Ganun din ako. Call me a slave, pero ganun ako magmahal eh. Kahit na hindi marecognize ang shine ko, basta yung mahal ko will be okay. I’ll help him shine to his greatness. Because behind a very great man, is a very loving dyosa. Naks!

The Secretary fetish
I can say that there are only two people in this world whom I became a devoted secretary. And up until now, I am still loyal to both of them. They are none other than Papa Jarry and Bunso. Yep, they were my former bosses in the Student Council. I love them. Kaya minsan nga kahit hindi ko na trabaho ginagawa ko pa din, all for the glory of their respective offices.

Dahil sa naexperience ko maging secretary for two years, ewan ko, parang ok na din sakin kahit secretarial job yung ibigay saken. Pwede akong technical secretary, such as an engineer’s secretary. Masaya kasi ako pag nakakatulong ako eh. Bukod pa dun, fit na fit saken yan kasi multi-tasker ako. Nasanay nung college na maraming ginagawa kaya ngayon nabobore pag walang ginagawa. Wahahahahah!

Photobucket
Ren Mikihara


Pumasok sa usapan yang secretary kasi nanuod din ako ng Full Metal Panic Fumoffu. Nakarelate ako dun sa Student Council Secretary na si Mikihara. May romantic relationship kasi sila nung Student Council President eh. Well sort of. Tapos super duper loyal dun sa President, lagi syang nasa right hand side sa likod nung president. Lagi syang ready to help para sa president. Haaaay! So like me!

Knight in Shining Armor
Photobucket
Sousuke Sagara


Sa Full Metal Panic pa din, inggit na inggit ako kay Chidori. Meron syang Sousuke na laging andyan para alagaan sya. Although syempre kulang sa “real world” sense tong si Sousuke pero he’s very dependable naman in terms of his expertise. Iba din kasi yung may taong handang protektahan ka at alagaan ka. Favorite ko na yung episode 3 ng Fumoffu, yun yung pumunta sila sa beach. Tapos akala ni Sousuke na nakidnap si Chidori at “tinotorture”. Biruin mo, natalo nya ang tatlong French Army warriors para lang iligtas si Chidori. Haaaay! Kakainggit!

Nablog ko na din to before pero since nasa topic ikwento ko na din ulet. Gusto kong magkaron ng sarli kong Gilford:

Photobucket
Gilford


Si Gilford ay ang loyal knight ni Princess Cornelia mula sa anime na Code Geass. Super loyal sya sa kanyang prinsesa na kahit pa wala physically si Cornelia, all he does is in the name of his Princess. Haaaay! Kakainggit!

My dream
Pangarap kong makilala yung knight ko na magiging loyal saken. Yung proprotektahan ako, at mamamahalin. At in return, mamamahalin ko rin sya at magiging loyal sa kanya. Ako ang magiging pinakamagaling na secretary sa buhay nya. Gagawin ko lahat para lang maging maayos sya sa professional at personal life nya. Dahil ganun ako magmahal, ibinibigay ko lahat. Hindi ko nga lang alam kung gano katagal ako ulet maghihintay. Pero kung matagal man, sana yung totoo nah, wag nang fake katulad nung nangyari nung nakaraan. Baka mabaliw nako ng tuluyan eh! Hihi!

Photobucket

Stoichiometry Problem 8

Barium Carbonate is commercially important as a basis for the manufacture of other barium compounds. In its manufacture, BaS is 1st prepared by heating the natural sulphate barytes with Carbon. The BaS is extracted from this mass with water and the solution is treated with Sodium Carbonate to precipitate the barium. In the operation of such process it is found that the solution of barium sulphide formed contains also some calcium sulphide, originating from impurities in the barytes. The solution is treated with sodium carbonate, and the precipitated mass of calcium and barium Carbonates is filtered off.



It is found that 16.45 kg of dry precipitate are removed from each 100 kg of filtrate collected. The analysis of the precipitate is 9.9% CaCO3 and 90.1% BaCO3. The analysis of the filtrate is 6.85% Na2S, 2.25% Na2CO3 and 90.9% H2O. The sodium carbonate for precipitation was added in the form of anhydrous soda ash which contained CaCO3 as an impurity.



Calculate:

a) % Excess Na2CO3

b) Composition of sulphide solution

c) Composition of dry soda ash



BaS
CaS
+ Na2CO3 BaCO3
CaCO3
+ Na2S
anhydrous with
CaCO3 impurity
Precipitate
16.45 kg per 100 kg filtrate
9.9% CaCO3
90.1% BaCO3
filtrate
6.85% Na2S
2.25% Na2CO3
90.9% H2O




Basis: 100 kg filtrate

Since we have a basis of 100 kg filtrate we will have the following masses:

6.85 kg Na2S → formed from rxn of BaS and CaS

2.25 kg Na2CO3 → unreacted Na2CO3

90.9 kg H2O → water from Sulfide Solution

16.45 kg precipitate → combined mass of Barium and Calcium Carbonates



a) Find % excess Na2CO3:

mreacted Na2CO3 = (6.85) [Na2CO3]/[Na2S] = 11.56 kg
% excess =          unreacted         
Reacted + unreacted
x 100%
=          2.25         
11.56 + 2.25
x 100%
= 19.47%



Solving for additional masses, Let:

x = mass of Na2S formed from rxn of BaS

y = mass of CaCO3 impurity from dry soda ash



mBaCO3 = 16.45(0.901) = x [BaCO3]/[Na2S]


x = 5.86 kg



mprecipitate = mass of BaCO3 formed + mass of CaCO3 formed from rxn + mass of CaCO3 from dry soda ash

16.45 = x [BaCO3]/[Na2S] + (6.85-x) [CaCO3]/[Na2S] + y


y = 0.3580 kg



b) composition of Sulfide Solution

mBaS = 5.86 [BaS]/[Na2S] = 12.72 kg = 12.17%

mCaS = (6.85-5.86) [CaS]/[Na2S] = 0.9138 kg = 0.87%

mwater = 90.9 kg = 86.96%

mtotal Sulfide Solution = 104. 5338 kg



c) composition of dry soda ash

mass Na2CO3 = 11.56 kg = 97%

mass CaCO3 = 0.3580 kg = 3%

mass total dry soda ash = 11.918 kg


Photobucket

Anticipating Glee Season 3

Photobucket


Congratulations to my Hubby Damian for winning The Glee Project!!! OMFG!!! Super naeexcite nako sa September 20!!! May dagdag na pogi nanaman sa glee!!! yey!!! Bet na bet ko talaga yang si Hubby Damian eh. Twing nakikita ko syang nakangiti, natutunaw ang panty ko.

Naloka talaga ako nung ni-announce na si Sam ang nanalo. Nadepress nako kagad nun. Buti nlang eh sinabi din agad na pati sya eh panalo din!!! Good choice talaga!!! Gogogo Hubby!!! kaya mo yan!!! I'll support you all the way!!!

I love you! hihih! ^_^

Photobucket

email email

Pag nagsesend ako ng email, matapos lumabas ang message sent prompt, pumupunta pa ako sa sent folder para icheck kung talagang nasend talaga yung message. As usual, may nahagip nanaman ang mata ko na isang email address. Nacurious ako kung anong sinend ko sa monster na yun kaya niclick ko yung link.

Photobucket


Natawa nalang ako. Natawa ako at napangiti. Wala pa akong kamalay malay neto na hindi pala nya ako mahal. Basta ginawa ko lang yung sa tingin ko ay tama nung time na yun. Obvious naman sa message ko na mahal na mahal ko sya. Pero hindi ako malungkot. I let him go, not because he left me, but because I need to do it for myself. Kaya kahit may kirot sa puso ko, ultimately it was for my sake. At masaya ako ngayon kasi nakakabangon ako ng wala nang dapat pang isipin pah. =D

Photobucket

The Dying Dyosa

Nung Monday August 15, 2011, Feeling ko talaga mamamatay nako. Grabeh yung nangyari saken. Dahil may costochondritis ako, bawat galaw ko, sumamasaket yung sternum ko. Tapos tumaas ng hanggang 39.2 oC yung body temp ko. Samahan mo pa ng super saket ng ulo, grabeh! Killer talaga!!!

Pero I survived!! kaya back to normal na ulet!!! yeah bah!!! Madami lang po akong dapat gawin muna kaya hindi ako masyadong makakapagblog lately. Pero I'll be back! hihi!!!

Photobucket