Inspired ito nung gabing sinabi ni Angel na hindi nya ako totoong minahal. Yung gabing naconfirm ko yung suspicion ko. Yung gabing gumuho yung mundo ko. Ewan ko ba. Alam ko naman na hindi nya akong kayang mahalin kahit kailan pero di ko alam kung bakit mahal na mahal na mahal ko pa din sya hanggang ngayon. Parang naging phase lang yung galit ko sa kanya. Pero alam kong mas masaya na sya ngayon na wala ako. Mas nakakapagtrabaho na sya ng maayos dahil wala ako. Mas maayos na sya kasi wala ako. Yun nalang yung iniisip ko kaya nakakaya kong bumangon araw araw kahit na alam kong hindi nya ako iniisip. Mas masaya na sya. Kaya kahit papano, dapat matahimik nako. Mahal na mahal na mahal ko pa din sya. Gagawin ko syang inspirasyon ko para makamit lahat ng bagay na gusto ko sa career ko. Hindi man nya ako mapatawad. Gagawin ko lahat para ipakita sa kanya ang mga kaya ko pang gawin. Sa ganun, maisip nya na kahit pa hindi maganda ang paghihiwalay namin, nagdulot pa din yun ng magandang bagay.
Ikaw lang ang minahal ko ng ganito Angel. Ikaw lang.
11 comments:
sad love....mahirap talaga ang feeling pag ikaw ang iniiwan lalo na't tapat ang iyong pag-ibig..
salamat sa pakikilahok!
Go girl! yan ang fighting spirit! :D
@iya_khin
Wala akong masabi kundi... TOMO!!!!
@kuyaronron
Fighting spirit ba tawag dyan? ka-emohan ang tawag dyan sa bokubularyo ko eh! hihI!!
Mahusay ang pagkakasulat. :) Si Angel Locsin ba ang tinutukoy mo, o si Angel Aquino? LOL!
OMG. grabehan. hindi man ako nakarelate ngunit nadama ko ang iyong kalungkutan, na sadyang bumabalot sa iyong isipan.. Ano nga ba ang magiging dahilan ng iyong pagtahan?
Wakas man ay mapait,
Pagdurugo ng puso'y dapat impit,
Makahanap man ng kapalit,
Mas nanaisin ko pa ang maging iyong kabit.
Ay! erase erase.
Oha. lolz. ano ba yan! move on na!
good luck din sa iyo sa pag sali..naiiba ito na nakita ko na entry kasi ang tula may background..nilagay mo sa parang card..
puwede ba tayo mag exchange link..i hope u can add my blog to ur blog list..add you too..tell me kung ma add mo na ako..thanks
@The Gasoline Dude
Ay! Angel kasi codename ko dun sa minamahal ko eh. Medyo dapat itago ang identity nya dahil sa kanyang work. Lalake po sya. Dahil isa po akong Dyosa! Proud member of Rainbow Bloggers Philippines! thanks sa pagbasa! hihi!
@Green Breaker
Nagmomove naman ako ah! Tapos na yung anger phase. Nasa last stage nako. Acceptance. Pero matagal to bago matapos, hindi pa ako ready na ilet go sya ng buo. Pero may mga bagay a tinanggap ko na. Kaya ok lang ako. I'm slowly moving on. Sabi nga ni Ate Miriam Quiambao... "I'm taking baby steps..."
@Alvin
sure!!! add kita sa blogroll ko. Yung BG ba? Thank you google and Photoshop! wahhahaha! salamat sa pagpunta ha!
salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add na rin kita.. wilbenchie world..
galing.. goodluck
niCe wiL..
nAaLala ko tuLoy nung nGkwEntuhan tyO nLa jeBs..
iTong tula na 'to yung NraRamdaman mO ng pNahon na yun..
'nGa pla..sori ngayon lng ako nkpg-OL..
'lam m nMan kng gaAno ako kBusy.. hehe..
Post a Comment