Para mainspire si Green Breaker na ishare yung Thesis nya, sige ako na muna ang magkwekwento ng akin. Sabi ko nga sa kanya, let be geeks be geeks! Whahahahah! Pero syempre explain ko pa din ng mabuti para hindi masyadong technical. Okay, so simulan natin sa title. Ang title ng thesis ko ay:

Removal of Nickel (II) ions in aqueous solution by Adsorption using
Gamma Irradiated Carboxymethyl Kappa Carrageenan


Nosebleed ba? Sige simulan ko idiscuss kung ano ba ang Kappa-Carrageenan. Ang carrageenan ay isang uri ng red seaweed. May tatlong uri ng extract na pwedeng makuha sa red seaweed na ito: Kappa-carrageenan, Iota-carrageenan, at lambda-carrageenan. Nagkakaiba lang ang mga extract na ito sa capability nila mag-gel (magcoagulate, maging gelatin). Ginagamit ang carrageenan mostly sa food industry. May food grade carrageenan kasi. Ginagamit syang gelling agent at stabilizer. One example eh ingredient yan sa nabibili mung gulaman powder sa super market. Ginagamit din sya para mas maging creamy ice cream (thesis to nung taga Singapore na nagpresent sa Regional Symposium on Chemical Engineering), sa paggawa ng meatballs as a binding agent, at sa kung anik anik pah! Balik tayo sa thesis, pinili yung Kappa-carrageenan among the three dahil sa ability nitong gumawa ng strong and rigid gels na firm to touch. Malaki yung potential ng carrageenan kasi Pilipinas ang largest producer nito sa Asia.

Ang Nickel ay isang uri ng Heavy Metal. Eto yung mga Metals sa periodic table na may mataas na Atomic Weight. Ang pinakamalaking concern in general sa mga heavy metals ay hindi sila nagdedegrade. Hindi sila nabubulok kasi element sila. Elements ang pinaka-basic na substance. Kaya pag napunta sa body of water ang mga heavy metals, magsesettle lang sila sa bottom at kahit lumipas pa ang 50 million years, heavy metal pa din sya. Eh may chance na ma-ingest yun ng mga sea creatures like fishes. Tapos, huhulihin natin yung mga isdang yun at gagawin natin laman tyan. Ayun, mapupunta sa katawan natin yung Heavy metal that can cause very grave diseases. Other examples of Heavy metals are: Mercury, Lead, Arsenic, Chromium. Siguro naman aware kayo sa Mercury Poisoning? Yung pinapalitan yung Calcium sa buto nung mercury tas maninigas yung katawan mo? Ay afraid!

Ano ang kaibahan ng ABSORPTION sa ADSORPTION? Sa ABSORPTION, pumapasok sa loob ng sorbent yung inaabsorb nya. Example, yung sponge at tubig, inaabsorb nung sponge yung tubig pag binabasa mo yun. Another example, bulak at astringent. Pag naglagay ka ng astringent sa bulak, iaabsorb ng bulak yun. Pag ADSORPTION naman, dumidikit lang sa outer part nung sorbent yung substance. Example, pag naghuhugas ka na mamantikang kawali. Pag pinahid mo yung sponge dun sa nanikit na oil sa kawali, didikit yung ibang oil sa sponge. Hindi yun inabsorb ng sponge kundi nag-adsorb yung oil sa surface nung sponge. Dun sa bulak at astringent, pag kapahid mo sa fezlak mo at naging madumi yung bulak, inadsorb na nung bulak yung dumi sa face mu.

Okay eto na ang medyo madugo. Sana maexplain ko sya ng maayos in layman’s term. Ito ay medyo advanced organic chemistry. Organic chemistry is the study of mainly carbon and its constituents. Basically pag sinabing organic ang isang bagay, may carbon yun. Ang carrageenan ay organic kasi mula sa biological source ito eh. Para madali nyong maimagine ang itsura ng isang Carrageenan chain, magdrawing ng isang rectangle. Tapos lagyan mo ng linya yung apat na point nun diagonally outward. Bawat dulo nung diagonal na yun may –OH. Oxygen na may katabing Hydrogen. So ang ginawa namin ni-Carboxymethylate namin yung Carrageenan. Ibig sabihin, tinanggal namin yung Hydrogen na katabi nung Oxygen at pinalitan yun ng Methyl constituent. Methyl in symbol is –CH3. So imbes na –OH yung nandun sa dulo nung mga diagonal, magiging –OCH3.

Sunod, pinaliguan namin ng Gamma Radiation yung mga gel samples namin. Para magcross-link yung mga Methyl Constituents. Crosslink ibig sabihin mag-vovolt-in yung mga Carbon nung methyl. Bali mawawala yung mga Hydrogen tapos lahat nung –OC magcrocross. Kung baga pinalayas nilang lahat yung katabi nilang tatlong Hydrogen atom tapos sila yung nagdikit dikit. Parang nagreunion yung yung mga Carbon atom.

Simple nalang yung mga sumunod. Binabad lang namin yung gel sa simulated wastewater na puno ng Nickel ion. Since magiging unstable yung crosslink kasi nag-introduce ng heavy metal ion na may positive charge, mawawala sa pakacrosslink yung mga Carbon atoms, at sa kanila didikit yung mga Nickel ions na nasa wastewater. Tapos pinatest namin using Atomic Absorption Spectrophotometer yung before and after babad nung mga samples. Tapos ayun effective naman. Pero syempre marami pang parameters yung experiments namin. Masyado nang technical kaya hindi ko na ikawekwento yun.

Mahalaga yung Thesis namin kasi mahal magpatreat ng waste water na may heavy metal. Gingamitan yun ng Ion exchange process. Eh in general ang hirap ng theory nun. Ang mahal mahal pa. At least here we are offering a simple yet cost effective way of treating heavy metal contaminated waste water. Bukod pa sa actual application nya na makakatulong maiwasan yung heavy metal contamination sa mga water sources and even seafood.

Actually mukha ngang pang BS Chem tong thesis na to eh. Pero pwede kasi syang iapply sa industry. Kelangan lang itest yung effectivity nya on actual Waste water. Iniisip ko nga pag napagtripan ko mag MS ng Chemical Engineering, baka ito nalang yung ituloy ko. Kulang pa kasi sya on actual Chemical Engineering setting eh.

Oi Joe! Ikaw naman! Hihi!

PS

Big time yung Thesis Adviser ko dyan! One of the prominent Filipino Chemist! Pag nabasa mo yung apelido nya, alam mo nah! Lumeleveling sya! Hihi! Mag-ate silang Chemist na saksakan ng galing! Yun nah!


Photobucket