Sinabi ko na ng ilang beses na para sakin talaga, nung makilala ko si monster, sya yung ideal guy ko. Wala nakong hihingin pang iba basta mahal nya lang ako. Pero dahil sa mga pagbabago sa mga pakikitungo nya, nasira nang lahat. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam yung dahilan sa pagbabagong yun. Anyway, masyadong depressing ang topic na yan, move on tayo sa topics na gusto ko talagang i-share. Wihihi!
Charmed Power
So sabi ko nga, wala akong ginawa kundi manuod ng DVD. Sama mo na yung mga anime na nidownload ng mga friends ko na kinopya ko. So megang megang marathon ang drama ko. Kelan lang din kasi bumili ako ng Original season 4 DVD set ng Charmed. So kamusta naman ang marathon ko, tinapos ko lang ng isang araw. Wahahahha! Sa panunuod ko ulet ng aking favourite show, nakarelate ako dun sa isang character. Well apart sa pinakagusto yung power nya, ibang level din kasi talaga ang galing nya.
The Seer
Nakarelate ako kay The Seer played by Debbi Morgan. Well bukod sa fact na I always relate with the evil side, nakakarelate ako talaga sa character itself. The Seer acts as an adviser to The Source of all evil (the most powerful Demon and the leader of the Evil forces in the Charmed world). She’s qualified kasi ang power nya ay to see the future. Kaya nabibigyan nya ng warning si The Source sa mga threats and advices naman kung anung mga dapat gawin. May attitude din tong si The Seer (like me!), may initiative sya to do things on her own even at the back of The Source, all for the glory of The Source that she’s serving. (Yung the Source kasi title lang yun, kaya pwedeng mapalitan)
Hmmmp… relate na relate ako sa kanya. She’s instinctive and wise. Very loyal and authoritative. But she knows where her authority ends. She’s doing everything in her power for the greatness of The Source. Ganun din ako. Call me a slave, pero ganun ako magmahal eh. Kahit na hindi marecognize ang shine ko, basta yung mahal ko will be okay. I’ll help him shine to his greatness. Because behind a very great man, is a very loving dyosa. Naks!
The Secretary fetish
I can say that there are only two people in this world whom I became a devoted secretary. And up until now, I am still loyal to both of them. They are none other than Papa Jarry and Bunso. Yep, they were my former bosses in the Student Council. I love them. Kaya minsan nga kahit hindi ko na trabaho ginagawa ko pa din, all for the glory of their respective offices.
Dahil sa naexperience ko maging secretary for two years, ewan ko, parang ok na din sakin kahit secretarial job yung ibigay saken. Pwede akong technical secretary, such as an engineer’s secretary. Masaya kasi ako pag nakakatulong ako eh. Bukod pa dun, fit na fit saken yan kasi multi-tasker ako. Nasanay nung college na maraming ginagawa kaya ngayon nabobore pag walang ginagawa. Wahahahahah!
Ren Mikihara
Pumasok sa usapan yang secretary kasi nanuod din ako ng Full Metal Panic Fumoffu. Nakarelate ako dun sa Student Council Secretary na si Mikihara. May romantic relationship kasi sila nung Student Council President eh. Well sort of. Tapos super duper loyal dun sa President, lagi syang nasa right hand side sa likod nung president. Lagi syang ready to help para sa president. Haaaay! So like me!
Knight in Shining Armor
Sousuke Sagara
Sa Full Metal Panic pa din, inggit na inggit ako kay Chidori. Meron syang Sousuke na laging andyan para alagaan sya. Although syempre kulang sa “real world” sense tong si Sousuke pero he’s very dependable naman in terms of his expertise. Iba din kasi yung may taong handang protektahan ka at alagaan ka. Favorite ko na yung episode 3 ng Fumoffu, yun yung pumunta sila sa beach. Tapos akala ni Sousuke na nakidnap si Chidori at “tinotorture”. Biruin mo, natalo nya ang tatlong French Army warriors para lang iligtas si Chidori. Haaaay! Kakainggit!
Nablog ko na din to before pero since nasa topic ikwento ko na din ulet. Gusto kong magkaron ng sarli kong Gilford:
Gilford
Si Gilford ay ang loyal knight ni Princess Cornelia mula sa anime na Code Geass. Super loyal sya sa kanyang prinsesa na kahit pa wala physically si Cornelia, all he does is in the name of his Princess. Haaaay! Kakainggit!
My dream
Pangarap kong makilala yung knight ko na magiging loyal saken. Yung proprotektahan ako, at mamamahalin. At in return, mamamahalin ko rin sya at magiging loyal sa kanya. Ako ang magiging pinakamagaling na secretary sa buhay nya. Gagawin ko lahat para lang maging maayos sya sa professional at personal life nya. Dahil ganun ako magmahal, ibinibigay ko lahat. Hindi ko nga lang alam kung gano katagal ako ulet maghihintay. Pero kung matagal man, sana yung totoo nah, wag nang fake katulad nung nangyari nung nakaraan. Baka mabaliw nako ng tuluyan eh! Hihi!
3 comments:
Nakita ko na naman si bunso! Pwede ko ba siyang bunso-in? hahahaha :)))
"I’ll help him shine to his greatness. Because behind a very great man, is a very loving dyosa."
Apiiiiir!!
@green
what do you mean by "bunso-in"??? Kinakabahan ako sayo ah... hihi!!
@Sir Mugen
Naku!!! Nastarstruck nanaman ako!! salamat po sa pagpunta! I'm sooooooooooooooooooooooo honored! APIIIIR! hihhi!
Post a Comment