Isa ang blogsite na Las Tres Estrellas ang daily visits ko nung early onset ng pagbloblog ko. Super enjoy ako sa mga sinusulat ng tatlong founding sisters ng blogsite na yun. Si Ms. Lyka Bergen, si Ms. Ekra Tan, at si Ms. Kelly Carson. Dumagdag pa sa bandwagon sina Mama O at si Ms. Jezebel Patel. Tungkol sa buhay nila sa America normally yung topic dun. Yes, buhay Filipinong bakla sa America. Included na dun ang fashion, boylet, work, friends, TV shows, travel, kabaklaan, at kung anik anik pah!
May mga regular segments sina Ate Lyka (yun tawag ko sa kanya) sa blog nila, inaantabayanan ko talaga yun lagi. Here are some of my favorites:
>>>Pageant prediction - Hindi talaga kumpleto ang blog pag walang pageant side comments. Natutuwa ako lagi sa mga witty remarks nila sa mga candidates.
>>>Adventures of Nora - Si Nora ay yung doll nila Ate Lyka na lakwatsera. Kung san san na yan nakarating. At super dami nyang emote pics! Infairness! Isa lang ibig sabihin nun. Mga lakwatsera din ang mga may ari sa kanya hihi!!
>>>The Golden Titi Awards - every month, nagnonominate ang mga blog authors ng limang comments na sa tingin nila ay worthy awardan ng Golden Titi. Sa naaalala ko, nilalabas yung nominees 1 week before, para makaboto din yung mga readers. Laging top 3 dapat yung boto kundi void. Hindi pa nga ako nananalo ng Golden Titi eh. Nanominate palang ako. Naunahan pako ni Mareng Yffar manalo (bitter! Chowz!).
>>>Project Runway LTE - ang pinakaaabangan ko sa lahat! Pag naglabas na ng preview si Ate Lyka, hindi nako makapaghintay for it! Naglalaban laban ang mga bakla ala Project Runway. They will design a cohesive collection and they will let the audience vote. Dapat may order ng iyong pagboto kundi void ang boto mo. Kasama sa rules ang mang-okray ng collection. At grabeh mang-okray ang ibang mag readers. Kaya nga nagkaron ng season na hindi mo alam kung kaninong collection yung suot nung mga designers. Sa early seasons kasi, kung sya ang designer, sya na din ang model. Kaya hindi na pwede ang favouritism both sa pang-ookray at pagboto.
Hindi ko alam ang nangyari pero merong time na naging The Lyka Bergen Show yung name nung blogsite na yun. Hindi ko na rin tinanong kasi syempre medyo personal na yun. Pero nagtuloy ang buhay ng pagbloblog sa site na yun. Hanggang sa parang naging okay na tapos naging Lyka Bergen and her step sisters yung title tapos ngayon Las Tres Estrellas Redux.
Nameet ko na din in person sina Ate Lyka at Ms. Ekra. Nasa Pinas sila for a short duration at sakto naka-set yung get together ng Rainbow Bloggers Philippines. Mabait sila in person. We met up in Malate with Yffar, Oliver and Yajnat. Chikka chikka lang sa mga buhay buhay. They are so easy to talk too. Libre pa nga ni Ate Lyka yung mga beer ko. Hihi! Balak ata akong lasingin. Ambait tlaga nila, nagtext pa si Ate Lyka saken bago sila magfly. Sabi nya mag-aral daw ako mabuti. Hanggang ngayon nakasave pa din sa phone ko yung number nya. Ewan ko lang kung yun pa din ang gamit nya. 4th year college pa ko nung meet up na yun eh.
Ang isa sa hindi ko makakalimutan sa pagiging avid reader ng blog nila Ate Lyka ay maka-sort of rubbing elbows yung who’s who sa gay blogosphere. Constant commenters dun sina Mugen, Ms. Mel Beckham, Mandaya Moore-Orliz, Kiks, Geisha, at marami pang iba! Nakakastarstruck lang. Kasi bigatin nung mga kasama kong kumokoment. Nakakalerkeylerks!
Haaay kakamiss! Siguro talagang busy lang sila kaya hindi na sila masyadong nakakapagpost regularly. Pero reader pa rin nila ako. Isa ang LTE sa dahilan kung bakit blogger pa din ako hanggang ngayon. Kaya forever reader nila ako. =D
1 comments:
sounds interesting sila ah... hmmmm....
Post a Comment