I have all the reason in the world to hate him to the core. He’s a lying bastard, a predator in sheep’s clothing, and an effing coward. Not to mention, hazy (Malabo). Simply put, he’s everything that I hate in this world. But it seems every time that I get mad at him, it’s just a phase. Because despite not knowing the real reason behind his course of action against me, after a few days, I feel like I can welcome him again. Ngayon ako na yung nagiging malabo. Hindi ko din maintindihan eh. Mahal na mahal ko lang talaga sya. Kaya hanggang ngayon iniisip ko pa din sya.
Tanggap ko na sa sarili ko na hindi na magiging kami kahit kailan. Sa part na yan, positive nako dyan. There is no doubt in my mind na yan na yung totoo. Kahit papano dyan sa realization na yan masasabi kong nakamove on ako kahit konti. Siguro ang kailangan ko lang talaga para tuluyan na mabitawan ko sya, ay yung tunay na reason kung bakit nagbago yung perception nya sa pagmamahal nya saken. Hindi ako maniniwala na overnight lang nyang napagtanto na hindi nya talaga ako minahal. Kasi positive ako na interesado sya na move on kami to next level sa relationship namin. Inaaya nya akong magkita kami. Yung isa nga biglaan pa, sabi pa nya minsan mas magandang hindi pinaplano ang lahat. He bought me John Grisham Books. Inangkin nya ako. And of course, he told me he loves me very much.
Actually, ngayon ko lang nararamdaman yung panghihinayang na wala kaming picture na magkasama kami. Sana kahit papano, I have something physical to remind myself that we were happy even for a short time. Hindi ko rin sya nayakap, nahalikan, nacuddle, at nakasex. Isa lang yung nagawa ko to non-verbally express that he is important to me. Pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya. Dahil nung gabing yun, pagod na pagod ako. At gusto kong maramdaman nya na kelangan ko sya. At sa kanya lang ako. Yung gabing yun ang nagsabi sakin na mahal na mahal na mahal ko sya. Yung gabing yun yung huling beses na nakatabi ko sya ng matagal. Dahil ung gabing yun ang huli naming pagkikita.
Gusto ko lang talaga malaman yung dahilan sa mga biglaang pagbabago. At sana bago ako mawala sa mundong ito masabi nya saken ang totoong dahilan. Nang sa ganun, mapatawad ko naman sya ng bukal sa puso ko. Hindi ko na sya huhusgahan pa sa kung anung dahilan ang sasabihin nya lang sakin ay totoo. Yun lang naman ang hinihiling ko eh. Katotohanan.
3 comments:
I can feel you. Very sad. To the bones. I hope one day things will be clearer to you. Surely, you deserve something bigger, someone better. Have a nice day. :)
Masakit isiping may mga ganyang klase ng tao. Pero wala tayong magagawa. Ipagpasalamat na lang natin ang masasayang alaala at matuto tayo sa ating mga naranasan.
@Jay and cosmicglitch
Naku salamat po sa pagpunta at comforting words. Ok lang po ako. Medyo may days lang talaga na hindi ako strong. Pero I'm fine. hihi!! Punta po ako sa blogs nyo at magblogwalk pag may time! Salamat po ulet! hihi! nakakataba ng puso!
Post a Comment