Nagse-surf ako ng channels sa Teevoh nang mailipat ko sa Studio 23. My Myx yung palabas tapos si Kean Cipriano yung VJ. Kakatapos lang nya basahin yung request, at biglang tumugtog yung kantang matagal ko nang hindi napapakinggan…


Sometimes by Britney Spears


NAKAKALERKEYLERKS!!! Nagtime space warp ako pabalik sa Grade School ko! Etong kantang to kasi ay dapat sasayawin namin nung mga friends ko nung Christmas program nung Grade 5 ako. Unfortunately, since nagpapasaway yung mga kasama ko (ayun ung on the record pero ang totoo naimbyerna lang talaga yung teacher namin ng walang dahilan), nacancel sya. Nakapagpractice na kami and everything, sasayaw nalang eh naging bato pah.

Infairness! Kabisado ko pa rin ang dance steps! Well, may pagkakatulad din naman kasi dun sa dance steps sa original video ni Britney. Kaya hindi naman ako nalolost masyado. Pero nakakatuwa na kabisado ko pa rin sya after all this years. Wihi! Grade 5 ako nung School year 1999-2000. You do the Math! Hihi!

Phenomenal talaga si Britney nung una syang lumabas. Naalala ko pa na lahat ng sinayaw namin, kung hindi STEPS, Britney Spears. Haaaay! Elem! Nakakamiss ka rin pala! Hindi lang pala high school ang namimiss ko. Siguro kasi, 8 years ko kasama sa iisang classroom yung mga taong yun. Yep, from Kinder 1 hanggang Grade 6, sila sila lang din yung classmates ko. Magkakasama kami from 7:15 am to 4:30 pm dahil ako’y nag-aral sa isang Chinese School. Pero mahabang kwento pa yan, kaya sa susunod ko nalang ikwekwento. Hihi!

Photobucket