De Guzman
Introduction
Ayan, Oli, Mapagbibigyan ko na yung hiling mo so long time ago, magsusulat ako tungkol sken. Sana basahin mo at magustuhan mo ok? Ang De Guzman family na makikilala nyo ay tubong Tondo, Manila. At sa kasalukuyan, dito pa rin kami nakatira sa Tondo. Medyo malaki-laki din ang populasyon namin sa may sa amin.
Click to enlarge hanapin nyo ako!
Syempre ang ikwekwento ko lang yung family namin from my dad na.
Pudra
Ang full name ni Pudra ay Roberto Fojas de Guzman Sr. pero most people would call him "Tate". Sya ngayon yung incumbent Barangay Captian namen. Kakapanalo lang nya ulet. Natalo sya nung last last elections. Well honestly alam namin na nagkabayaran but we still didn't fret. After nun, parang nagkaron ng curse yung Captain post. Kasi sunod sunod na namatay yung mga Barangay Captains who succeeded my dad. Eh kahit kami parang nachorva dun ano! Pero kahit na hindi sya nanalo, samin pa din lumalapet yung mga tao. Ang kakakapal nga nung mga mukha, matapos magpakasilaw sa pera nung election na yun, samin hihingi nang tulong, I was always tempted to shout: "Bat di kayo dun sa binoto nyong chairmarman kayo humingi ng tulong?". Time space warp! Ngayon din! Kwento saken ni Mudra, nung bata pa si Pudra, lagi syang nag-iigib ng tubig. From Pacheco to then our lolo's house, just to give you a picture, Pacheco is from Engineering building to the church. Sabi nga ni mom mga 8 times pabalik balik na ganun si dad. To the point na nagkaluslos na si dad. Grabeh iyakan kami ni mudra nun. Fast forward ng konti, ang business talaga namin ay Smoked fish aka Tinapa! Saken pa nga pinangalan yun eh. Wilbert's Fish Dealer! Kaso through the years, bumagsak na yung business na yun. Pero infairnalou, hindi ako nahihiya na tinapa ang business namin, I would proudly say it to anyone, because tinapa ang nagpakain at nagpaaral sa akin. Ever since I was a kid, until this January, sanay na kong hindi natutulog sa bahay si Pudra. Dati kasi dun sa kamalig namin sya natutulog, nung malakas pa yung tinapa. Tapos nung nagshut down na yung industry, nagtayo kami ng sari-sari store dun, yun nman yung binantayan nya nun, until nagbakasyon yung ninang ko na kasosyo dun sa business na yun, kaya naclose yung tindahan nang matagal. Ngayon even though bukas na ulet yung store, yung kinakapatid ko nang si Ate Lerma yung nagbabantay dun. Kaya sa bahay na natutulog si dad. =D.
Ang routine ni dad araw araw, aalis ng madaling araw hindi ko din alam kung san sya pumupunta. Uuwi yun ng mga 12nn para kumain ng lunch sa house. Tapos magyoyosi, then matutulog sa sofa habang nakikinig ng radyong ubod ng lakas! As in malakas talaga! Pag nakatulog na sya tapos sinubukan mong hinaan yung radyo, magigising yun! Baliktad nga yun. Duringmy childhood years, sabihin na nating hindi ko masyadong nakakpiling si Pudra. Nung elementary ako, whole day yung klase ko. So hindi ko talaga sya nakakasama, tuwing weekends sana. Eh kaso lagalag ako tuwing hapon nagteten-twenty o kaya nagpipiko ako sa labas with friends. Siguro kaya naging ganito din ako dahil wala akong kasamang boy sa house.
Alam nyo ba mas fashionista pa saken yung dad ko? Mas marami pang damit saken yun. Well I understand naman, kasi nga, hindi naman nya kasi naranasan yun nung bata sya. Kaya ok lang. Meron yung designer pants, ako nga 2 lang yun marami. Mga polo nun superb class! Kaloka! Tapos yung salamin namin na fashionista talaga! Wai ako masabi kay Pudra! Nagpapakabanal din yun eh. Mataas na yung post nya sa Knights of Columbus Tondo Chapter. Ewan ko ba pano sya nakaakyat sa ladder eh busy naman yung lokong yun.
Ay eto bonus! Nakita ko si Dad sa isang movie! Yung movie ni FPJ na Pitong Gatang (which is the name of the street that we live in) ginamit nila yung kamalig namin before for shooting some scenes. Ayun nakita ko yung likod ni dad! whahahahaha!
Mudra
Si Mudra ay tubong Aklan. Ang buong pangalan nya ngayon ay Welita Nicolas De Guzman. Pumunta sya dito sa Manila with her sister Tita Lolit para makipagsapalaran. Sa kabutihang palad. Nakapasok sila as maids sa De Guzman household. Ayun! At dun na nagsimula ang love story nila ni Daddyow! Sabi nga ni mom, tinanan daw siya ni dad. Ang sabi magdedate lang daw sila. Manonood ng sine sa Recto (Sabi ni mom, bonggacious pa daw ang Recto nun, yun ang SM nila nun wala pang mga shokpok dun), eh yun pala sinakay na si Mudra sa bus patungong Pangasinan (Where majority of our clan originated). They stayed there daw ng 2 weeks. Possibly baka dun na nabuo si Ate. Nyahahahahah! Si Mudra, away bati kami nyan eh. Marami kaming pinagkakasunduan nyan. Primarily because sya yung lagi kong kasama sa bahay. Pareho kaming certified Kapuso! Masarap magluto si mom, ako ang critique nang mga niluluto nun. May ibahin lang sa recipe nun alam ko agad! Kunwari walang gabi sa sinigang, walang kalabasa yung siopao, yung mga ganun napapansin ko kya pepestehin kyo sya ng tanong kung baket kulang nang ganito, bakit may ganyan and everlou. May time nung elemetary ako, hindi ako pinapalabas ni mom nung bata ako, alam nyo kung baket? Dahil hindi daw perfect yung score ko sa exam! Naloka ako nun! I have an excerpt of that memory! Brownout nga samin nun nung nagdramahan kami! Ang ayoko lang kay mom eh she treats me na bata pa rin ako. Well, siguro bunso ako. Pero Dyos me! Magbebente nako! Sus miyo! BTW, nakapagtapos nga pala si mom ng tailoring. Kaya ang loka kung gumawa ng kurtina, kay ganda! Kaso puyat ako lagi pag gumagawa sya ng kurtina eh. Ang ingay nung sewing machine nya! Right now sya yung president ng Catholic Women's League Tondo Chapter. Big time ang lola mo! Paseminar seminar pah! Wahahahahaha! Bonus! Ang Mudra ko may asim pah! At the age of 56, nireregla pa ang lola! Antaray!
Ate Grace
Si Ate Grace, ang panganay, bow. Her fullname now is Grace de Guzman delos Santos. Asawa niya si Kuya Noel. (Trivia: Kapatid ni Kuya Noel si Kuya Frandy, yung drummer dati ng Jeremiah) May anak na sila, si Nicole. Si Ate Grace, wala naman akong masasabi dun kundi, nahihingan ko ng panglakwatsa yun! Wahahahah! At tsaka dati nung sa bahay pa sya nakatira. Lagi akong may pasalubong. Naalala ko uso pa yung pager nun. Lagi akong nagpepage sa kanya. Alam mo naman bata, syempre makulit! Nyahahahaha! Right now, sya yung Head Nurse sa clinic ng Medicard sa UN. Pero minsan nagooffice sya sa Main branch sa Makati. Medyo wala akong ma-say kasi nga ang layo ng agwat namin, were different generations nah. Nung pinanganak ako 17 na siya. Almost two decades na yung agwat namin anoh! Uso pa nung time nya si Tiffany, wholesome pah. eh ngayon si Britney Spears, nude photo drugs sex and everything. Diba? totally anlayo na talaga! But I do remember na una akong nakasakay ng LRT with her, dahil dinala nya ako sa office nila before (Hindi pa uso medicard nun). 1st ever Glorietta, and many things na pambata na naexperience ko dahil kay Ate. Add ko lang, parang kung henerasyon ngayon yung pattern, pwede na nya akong maging anak! Whahahah!
Kuya Oliver
Si Oliver Nicolas De Guzman, ang unang unang nagasawa. Asawa nya si Ate Mayeth at may apat na silang anak: Si Mariel, Si Marnelli, Si Mark, at si Margaret. Hindi na nakatapos ng high school si Kuya. Sabi ni mom, basta sinabi nalang daw sa kanya ni Kuya na ayaw na daw niya magaral. Eh madali naman kasing kauspa ni mom ano. Hindi ko na nakagisnan na sa bahay nakatira si Kuya. Dahil binigyan na sila nang asawa nya ng space ng parents namen. 5 years lang ang tanda ko sa panganay niya. Tapos sunud sunod na yung mga babies. Nakakaloka nga eh. Eh to think wala naman syang tinapos. Ay meron pala! Nag-aral sya maging seaman! Kaso ang gago takot naman iwan ang pamilya nya. Pero ok na rin yun. Kung eto ngang malapit sya sa pamilya nya, nagawa nyang mambabae, pano pa kaya pag napalayo sya? As of now, nagtatrabaho sya sa Manila City hall as ewan ko.. I lost track na kung ano gawain nya dun.
Kuya Argie
My closest brother, Mr. Roberto Nicolas de Guzman, Jr. Masasabi kong he's the best sa aming magkakapatid. A consistent honor student from Elementary to high school. He joined and won many intra- and inter-school competitions. Graduate sya ng UST-Pay High School. He has a degree in Medical Technology and he took up Medicine also in UST, right now, a doctor in UST Hospital, Metropolitan Hospital, Perpetual Succor Maternity Clinic, and St. Luke's General Hospital. Grabeh. Ewan ko ba sa kuya kong yan. Hanggang ngayon hindi pa rin tapos mag-aral. Not that his failing or something. Andami nya kasi talagang pinag-aaralan. Oh Well.
Time Space Warp! Ngayon din! Si Kuya Argie yung sinundan ko. Pero High School na siya nung nabuhay ako sa mundo. 13 years old sya nun. Kwento sken ni Mudra. Nagselos pa daw sken ang kuya kong iyan. Understandable naman kasi, 13 years na tinuring syang bunso, at tapos biglang dumating ang dyosa sa mundo. Sino naman ang hindi magseselos ano? Wahahahah! basta kwento ni mom, may script pa si Kuya na: "Oh yung anak nyo umiiyak!" Wahahahahah! Hormones! Wahahahaha! Pero he got over that and became my big brother. Sa kanya talaga ako close. Dito naman kay kuya Argie yung mga first time na pangpre-teener. Magmall mag-isa, maging member ng isang arcade and the like.
Ay may naalala ako! Mga Grade 3 siguro ako nun, mga 9 years old. Si Kuya mga 22, nagtetake na sya ng Medicine nun. Naconfine ako sa sa Holy Infant Jesus Hospital (malapet lang un sa UST). Pinuntahan nya ako dun para mangamusta. Eh sakto may nurse na kumukuha ng dugo ko. Ang ginawa kasi nung nurse, kumuha ng maraming pointy stuff (mukhang karayom ewan ko) tapos sabay sabay tinusok sa may anticubital (Alak-alakan friend, yun yung opposite side ng siko mo) ko. Edi dumugo in many places dun, pabilog. Nagalit kuya ko! "Anong ginagawa mo? Hindi ganyan kumuha ng blood sample!" Nakakaloka talaga yun! Pinakalma lang sya ni mom. Hyper mode yun eh.
Sa school, before, yun nga active sya sa mga contests. Naalala ko pa before, lagi syang nagpapractice ng declamation sa CR. Alam mo yung ihing ihi kana, hindi pa din sya lumalabs, kasi kasama nya sa pagligo yung pagpapractice. Nananalo sya sabi ni mom. May julalay pa nga si Kuya nun eh. Gay daw. Whheheheh. Lagi din syang Class president. Tapos he was elected as UST Central Student Council President nung senior year nya as Med Tech. Student. Antaray dba! Eh ako TP4 Coordinator lang! Under lang ng Pres!
Present. Kinasal sya nung Dec. 9, 2007 sa UST Church with Ate Millie, yung long time Girlfriend nya. As in bata pa ko sila nah. hanggang sa maging college ako sa wakas naging husband and wife na sila. Mautak nga yung dalawang yun. Sinabay yung honeymoon nila sa convention na pupuntahan nila sa Hongkong. After that, sunod sunod na sya umaalis ng bansa dahil napipili yung thesis nya about sa enzyme sa stomach na nagko-cause ng saket. Una sa Japan, Singapore, and Korea. sa september sa India naman ipapadala sya ng Metropolitan Hospital dun for training. Superb daw kasi ang studies ng Gastro-enterology sa India kaya ayun. Just recently, he was proclaimed as Best Fellow Doctor in the Philippines. Kalerkey!
Extension
OKay so my dad's not perfect. Meron akong 3 kafatid sa labas.
Yung una si RJ. Una ko syang nakilala sa PS Rental shop ng Tita Baby "namin". Mga 9 years old ako nun. Nung sinabi nya yung pangalan nyang RJ de Guzman, I figured pinsan ko sya, kasi tawag nya sa mga Tita ko Tita din. Lagi kaming naglalaro ng PS together actually. Close kami kagad. Dati akala ko nga talagang nakagaanan ko lang sya ng loob. Yun pala lukso na nang dugo yun. Finally, nalamna ko na kapatid ko sya. Meron kasi akong saket na pag may nag-uusap na mga tao sa tabi ko pag natutulog ako, nagigising ang diw ako at naririnig yung pinaguusapan nila. Ayun, narinnig kong sinasabi ni mom yun to my Tita Inday. Dun ko sya nalaman. Nung nawala yung PS Rental hindi na kami masyadong nagkikita. Minsan nasasalubong ko sya, but I'm too busy to entertain him. There was atime na nandun sya sa compound. Nandun yung ibang pinsan "namin", napag-usapan nga yung tungkol dun. Grabeh naiyak na si RJ nun. Kasi nga kinukwento nya na our father signed his birth certificate, nung graduation da wnya nung elementary binigyan sya ng datung. Mga chorvang ganun. Finally, mas matanda sya saken kaso hindi ko lam kung how much.
Meron pa akong 2 pah. Kambal silang girls. May lahi talaga samin ng kambal. Mas bata daw sila saken. Huling balita daw nasa Navotas daw nakatira yung mga yun. Care ko! Basta sa mata ng batas ako ang bunso! Wahahahaha!