Medyo ilang linggo na din nung medyo naging kontobersyal ang Thomasian Engineer na si Jun Lozada dahil sa pagiging witness nya sa ZTE controversy. Kahapon, may nagrarally sa may Makati, at meron din sa may Welcome Rotonda. Well, I'm a self confessed critique of the incumbent president, so here is what I have to say.
It pretty evident that the people in Welcome Rotonda are just mercenaries. The news from DZBB said that "Student's are waiting for their payment before they go hope." The radio announcer was pretty sarcastic when he said "Pamasahe yun, syempre estudyante, walang trabaho, kaya kailangan ng pamasahe." Sigurado akong suhol yun. Tsak nung kinagabihan nun, nung napanood ko naman sa SAKSI, yung mga nagproprotesta talaga sa Welcome Rotonda, parang wala lang, hindi ko man lang nararamdaman yung sidhi ng damdamin nila, yung bang yung ipnaglalaban nila wala sa puso nila. Sa hirap ng buhay ngayon, kahit anong raket papasukin mo kumita lang. Bukod pa dun, halos walang pulis na nakabantay sa Welcome Rotonda, unlike the situation in Makati, kasi wala nang pulis sa presinto namin sa may Tondo. Dun nila nilagay lahat ng pulis sa buong metro manila. Ewan ko ba, wala naman gulo dun, puro pari nga dun eh, wala ni isang sundalong napabalitang pumunta dun.
Yung sa Makati grabeh andaming tao, gustuhin ko man pumunta dun, ayaw ako payagan ng parents ko. Tsaka when I think about it, marami naman paraan upang maipakita ko na I'm against the administration. Like what I'm doing now in my blog. Sinasabi ni Gloria, "The world will not forgive another People Power!!" What a big jerk! I mean, hindi bat ang Extra Judicial power known as People Power ang syang nagluklok sa kanya sa kapangyarihan nung EDSA Dos? Tapos ano yang pinagsasabi nya? Kung sya nga Ekonomista na hindi pa nya maingata ang ekonomiya ng Pilipinas! Ang sinasbi ng gobyerno, hindi daw nila kaya mag-isa ayusin ang ekonomiya ng Pilipinas, tapos nung medyo lumalaban ang piso, sabi ng pangulo, dahil daw sa kanyang panunungkulan kaya tumataas nag ekonomiya ng Pilipinas. Anong akala nya sa mga PIlipino? Tanga? Bobo? Hindi kami pinag-aaral ng mga magulang namin para lokohin nila ng ganyan! Tumataas ang halaga ng piso dahil bumababa ang ekonomiya ng Amerika!
Ano bang naiidudulot ng gobyerno? Haaay nako isang batalyon ng kurakot na pulitiko! Hindi na natapos tapos ang problema ni Juan dela Cruz dahil s amg apulitikong nagpapatayan sa posisyon! Pano babangon ang Pilipinas nyan?
Kaya para saken! Palayasin na yang mga pulitikong yan!
0 comments:
Post a Comment