Ako'y naglalakad sa kadiliman ng gabi, binabaybay ko ang malamig na kalsada ng lungsod. Lakad ng lakad. Walang kapaguran. Walang patutunguhan. Narating ko ang isang tulay, na syang nagdudutong sa dalawang bahagi ng lungsod. Nilakad ko ito at tumigil sa gitna. Tinignan ko ang damit kong may bahid na pula, bumalik sa aking balintataw ang animo'y dalawang bahagi ng puso na pinakawalan ng aking emosyon bago napag-isipang maglakad. Napatingin ako sa kalangitan. Pilit kong inaabot ang bituin na nagmimistulang maliwanag na hiyas sa kadiliman. Abot! Abot! Umakayat at muling inaabot ng inaabot! Nang muling mapagmasdan ang kamay na handang kuhain ang bituin, tumulo mula rito ang pulang likido na sya ring bumahid sa aking damit. Dugo. Dugo. Dugo nya. Dugo nang pinakamamahal ko...

Nagising ako sa malakas na kuliling ng aking orasan. Tinapik ko ang orasan, at kinuha ito. Alas kwatro ng umaga pa lang. Ibinalik ko ito sa aparador sa tabi ng kama ko kung saan ito ng mula. Ako'y nag-inat inat at muling binalingan ng tingin ang orasan. Naalala ko ang matalik kong kaibigang si Denver. Regalo nya kasi saken yung orasan na yun. Bumangon na ako at bumaba sa kitchen para makapagluto ng aalmusalin namin.

Nakatira ako sa bahay ni Denver dito sa Maynila. Ibinigay sa kanya yun ng kanyang lola bilang regalo sa pagtungtong nya ng kolehiyo. Kabilang si Denver sa pinakamayamang pamilya sa bayan namin. Ako, bilang kaibigan at nakakababata nya, ay pinayagan nyang manirahan kasama nya rito dahil hindi raw sya marunong ng gawaing bahay. In short, chimay nya ako dito! Wahahahaha! Hindi naman dahil dun, dahil talagang malapit kami sa isa't isa, at alam nya ang kagustuhan kong makapag-aral ng kolehiyo sa Maynila. Alam nya kasi na natanggap ako sa isang unibersidad bilang iskolar. Hindi lang ako makaluwas dahil wala akong matutuluyan. Nagulat din ako nung nagpasya syang sa parehong unibersidad din pumasok.

"Uyy! Denver! Gising na! Kain na tayo ng almusal.", ani ko habang niyugyog si Denver, siguro mga alas singko na nun.
"Mamaya na... inaantok pa ko eh..." tugon naman ng batugan.
"Mahuhuli tayo pag hindi ka pa bumangon dyan."
"Sige, five minutes."
"O sige, basta bumangon ka na dyan ah"

Hindi na tinugon ni Denver ang tugon ko.

Bumaba nga si Denver, mga alas singko y medya na. Bumaba syang kakamot kamot ng ulo. Ako, nakaligo na ako at nakagayak na pamasok. Ayoko kasing kumain ng mag-isa. Nasanay na siguro akong kasabay syang kumakain twing umaga. Apat na taon ko na syang kasama dito sa Maynila. Nakagawian na nyang bumangon trenta minutos pagkatapos yugyugin.

"Oh kain na." sabi ko habang inaabot sa kanya ang isang plato. Inabot naman nya at nagsimulang kumain.


Pumapasok kami gamit ang kotse nya. Ipinarada nya ang kotse nya mas malapit sa buiding ng Faculty nila. Ok lang naman sa akin dahil magkatabi lang naman ang building namin.

"O, kita tayo mamaya ng lunch ok?" paalala ko.
Ngumiti ang loko at sinabing, "Baket? Lilibre mo ko?"
Natawa ako, "Hindi no! May quiz ka mamayang hapon. Tuturuan kita ng mamayang lunch dahil tinulugan mo ako kagabe. Sana ng Engineering na lang din ako kung aaralin ko rin pala yung lessons mo." tinugon ko sa kanya na animo'y nanunumbat.
"Bez naman, wala namang tampuhan."
"Eh kasi naman ewan ko ba kung bakit mo gusto ng irregular schedule. Ako nahihirapan sayo"
"Syempre para maraming makila..."
"...lang girls. Alam ko alam ko!"
"Alam mo naman pala eh."
"O sya! sya! Kita tayo mamaya! Mahuhuli na ko sa klase ko!"


Bumaba ako ng kotse nya at pumunta na sa klase ko. Ganun din sya.

Mabilis lumipas ang mga araw, at pareho na kaming nakatapos ng pag-aaral. Siya ay BS Chemical Engineering, at ako BS Hotel and resturant management.

Ayokong umalis sa poder ni Denver dahil alam kong hindi nito kayang mamuhay mag-isa. Aminado naman sya doon at ayaw nya ding umalis ako. Para maiwasang umalis ako, magtatayo kami ng resturant na ako ang head chef at manager at kasosyo ko sya.

Successful naman ang business, sya naman ngtatrabaho bilang head Chemical Engineer sa isang Pharmaceutical Company.

Isang araw, inanyayahan sya sa kasalan ng isa sa barkada nya nung college. Syempre kasama ako, close din naman ako sa mga kabarkada nya nun. Siya yung napiling bestman dahil walang kapatid na lalaki yung ikakasal. Doon sa kasalan nakilala nya si Jobelle. Si Joebelle ay isa sa mga bridesmaids. Napansin ko sa kabuuan nung kasal laging sumusulyap si Denver sa kanya. Nagkaron sila ng panahon makapag-usap nang ipakilala sila sa isa't isa ng groom.

Sa maikling panahon, naging mag-on sina Denver at Jobelle. Masaya na rin ako kahit papano para sa bestfriend ko. Alam kong masaya sya sa piling ni Jobelle. Nakaramdam din ako ng kirot sa puso dahil alam kong dapat na magbigay ng mas maraming oras si Denver para sa girlfriend nya.

Dumating ang birthday ko. Niregaluhan ako ni Denver ng isang knife set na pinaimport pa nya galing Germany. Pinalagyan pa nya ng Denver sa taas na bahagi ng patalim. Tuwang tuwa ako nun! Ang saya saya ko. Pero hindi ko akalain na dun magmumula ang away nila ni Jobelle. Napag-alam ko na may date daw sila nun pero pinakansela ni Denver dahil birthday ko daw. Touched ako nun!

Nagkaayos naman sila at naging masayang muli. Humingi din ng pasensya sa akin si Joebelle sa inasal nya noon. Pinatawad ko naman sya. Yung mga ganung kaliit na bagay dapat di na pinapalaki.

Gumuho ang mundo ni Denver ng matagpuang tadtad ng saksak si Jobelle sa apartment nito. Walang makapagsabi kung sino ang gumawa nito. Walang alam ang magulang at mga kaibigan ni Jobelle kung sino ang gagawa ng karumaldumal na gawain ng nagdala nang lagim sa buhay ni Jobelle. Laging nasa lamay si Denver, sya, kasama ang pamilya, ay sama samang nagdasal sa kaligtasan ng kaluluwa nang namayapa.

Inilibing na si Jobelle at umuwi na si Denver sa bahay.

Dumating ako sa bahay at nadatnan ko syang nagkukulong sa kwarto.
Tok! Tok! Tok! Katok ko sa pinto ni Denver. "Denver buksan mo tong pinto"
Kinatok ko pa din ng kinatok! "Denver please! Buksan mo to! Kung nahihirapan ka kausapin mo ko! Hindi yang ganyan sinasarili mo"
Huminga ako ng malalim. Tatalikod na sana ako nang bumukas ang pinto ng kwato ni Denver.
"Bez, pasok ka."


Pumasok ako sa loob ng kwarto. Pagkaupong-pagkaupo ko sa kama. Niyakap nya ako at humagulgol. Wala naman akong magawa, kundi yakapin din sya, at haplusin ang kanyang buhok.
"Bez, baket nangyayari to! Mahal na mahal ko si Jobelle! Baket sa kanya pa nangyari to!" hilagpos ni Denver sakin
Hindi ako nagsalita. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pamamasa nang damit ko dulot ng kanyang mga luha.
"She doesn't deserve to die! How could anyone do anything that brutal! God I love her! I love her so much!"
"She deserves to die." ang malamig kong tugon.


Umalis sa pagakkayakap sa kin si Denver, at tinignan ako. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"How can you say that!" sigaw ni Denver saken.
"Hindi ka nya mahal!" pasigaw ko ring tugon.
"Mahal nya ako!"
"Hindi ka nya mahal! May kalaguyo siya! Pinagtatawanan ka nilaa habang nagpapagamit sya sa kanya!"


Lalong nagulat si Denver sa sinabi ko.

"Ako ang pumatay kay Jobelle! Pinatay ko sya dahil iniinsulto nya ang pagkatao mo!"


Hindi makapagsalita si Denver sa narinig nya. Tumindi ang pagkagulat sa mukha nya.

"Mahal kita Denver! Hinding hindi ako papayag na may mang-alipusta sa pagkatao mo! Alam ko namang hindi lingid sayo na bakla ako! Alam kong tanggap mo rin kung ano ako! Mahal na mahal kita dahil dun!"


Nanaig ang katahimikan sa kwartong iyon ni Denver.

"Bez, labas ka muna, gusto kong makapagisip"
"Denver..."
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko lumabas ka muna!"


Lumabas na ko ng silid. Bumaba ako sa living room at doon umupo. Ilang oras din ang dumaan bago ako tinawag ni Denver para bumalik sa kwarto nya.

Pagpasok ko, nakatayo sya na nakaharap sa pintuan. Nakatapis ang ibabang bahagi ng kanyang katawan halatang bagong ligo. Patalikod kong isinara ang pintuan ng dahan-dahan. Nang ibaling ko muli ang aking paningin sa kanya, wala na ang nakatapis sa kanya.

"Den... ver..." ninakaw ng hangin ang boses ko.
"Hindi ba ito naman ang gusto mo?" sinasabi nya habang palapit sa direksyon ko.


Tumambad ng mas malapitan sa mga mata ko ang hubad na katawan ni Denver. Kinuha nya ang nanlalamig kong kamay at ipinatong sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng panahon na yun. Gusto kong hilahin ang kamay ko, ngunit alam kong inaasam asam ko din yon.

"Sige na... Gawin mo nah" bulong ni Denver sa tenga ko. Ang init ng hininga niya.


Napagpasyahan kong umayon sa kagustuhan ni Denver ng mga sandaling yun, noong luluhod na ako, isang malakas na suntok sa mukha ang yumanig sa utak ko. Napaiyak ako sa sakit.

"Kulang pa yan sa ginawa mo sa girlfriend ko!" sigaw nya.


Napasubsob ako sa sahig gawa ng pagkasuntok nya. Nilapitan nya ako. Hinalikan ang leeg ko. Patuloy nya itong hinalikan habang itinatayo nya ako. "Masarap ba?" tanong niya. Nang inilalapit na nya ang labi nya sa labi ko. Isang malakas na tadyak ang tumama sa aking tiyan. Tumama ang likod ko sa pintuan. Bumagsak ako muli sa sahig. Sinipa sipa pa nya ako habang tumatawa sya ng malakas.

"etong dapat sayo! Bakla ka! Gusto mo lang akong solohin! Gusto mo lang ang katawan ko! Pare-pareho lang kayong mga bakla! Nagseselos ka lang dahil si Jobelle ang ikinakama ko at hindi ikaw!"


Hindi nako makapagisip pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang iyon. Mahal ko sya. Hindi ko akalaing masasabi nya sa akin yung mga bagay na yun. Nabuo sa isip ko na kailangan kong makatakas. Isang beses, nahawakan ko ang paa nya na syang naging dahilan upang bumagsak sya sa lapag. Ginamit ko ang pagkakataon upang makatayo at makatakbo. Ngunit mabilis nakabawi si Denver, kahit hubad, hinabol nya ako. Muntik na akong mahulog sa hagdan dahil sa pagmamadali. Masaket ang katawan ko kaya't hindi ako makatakbo nang mabilis.

"Halika dito! San ka pupunta!" habang kasalukuyang nakasabunot sa buhok ko mula sa likod.


Hinila nya ako at muli nanamang nalaglag sa sahig. Ngayon isang malakas na sampal ang inihandog nya sakin. Natatakot na ako sa kanyang mga mata. Nanlilisik. Galit na galit. Sinipa ko sya ng buong lakas upang makatakas sa kanya. Tumakbo ako sa kitchen. Ngunit nagkamali ako wala akong matatakbuhan doon. Nakita nalang ako ni Denver na nakaharap sa kanya, habang papalapit siya sa akin. Umiiyak na ako nun. Hindi mapigilan ang luha sa pag-agos dahil sa takot at sakit ng puso't katawan.

"Wala kang matatakasan", ani ni Denver.

Napapikit ako sa pag dampi ng kanyang kaliwang kamay saking kanang pisngi. Booog! Tumilapon ako sa countertop at nagulo ang mga nakaayos na gamit doon. Nagsilaglagan ang mga kubyertos, pinggan, atbp. Isa pang sapak ang binigay nya sa akin. Bumagsak ako sa huling pagkakataon sa malamig na sahig. Nararamdaman ko na palapit sya. May nakapaakong malamig na bagay na malapit sa aking kamay. Hinawakan ko ito. Nang hinawakan nya ako sa damit at iniharap sa kanya, ginamit ko ang bagay na nahawakan ko.

"Mahal kita!" Sinaksak ko sya! Hindi pa ako nakuntento! Sinaksak ko pa sya muli! Bawat saksak ang tanging sigaw way mahal ko sya! Ulet! Ulet! ulet! hanggang sa mawalan sya ng hininga! "Mahal kita!" Tumasik ang dugo nyo sa mukha ko. Sa damit ko. Mahal na mahal ko talaga siya. Niyakap ko ang kanyang duguang katawan. Hinalikan ang mga maitim na bagay na matatagpuan sa magkabila ng kanyang matipunong dibdib. Sinisip ang laway na kanina'y animo'y asidong nais akong tunawin. Tinignan ko muli ang patalim na ginamit ko, napaluha akong makita ko ang "Denver" sa patalim.

Pilit kong inabot ang munting hiyas. Ngunit hindi pa sapat ang aking braso. Kailangan ko pang lumapit. Malapit na... malapit ko na syang maabot... Hanggang sa tuluyang nawala ang aking paanansa tinutungtungan. Unting-unti nalalaglag sa kawalan. Walang alam kung anong nangyayari sa paligid. Unting unting binabalot ng kadilim at lamig. Isa lang ang nakakatatak sa isip.

"Mahal ko sya... Mahal na mahal ko sya... Mahal na mahal ko si Denver..."

Isang malakas na lagaslas ng tubig ang umalingawngaw, pagkatapos, muli nanaman nanaig ang katahimikan...