- Saan Darating ang Umaga
Actor: Maricel Soriano vs. Nida Blanca
Theme: Mother-daughter battle
Favorite Confrontation line:"Ang pagluluksa wala sa kulay at sa damit! Nasa puso! Hindi ako nakaitim dahil ayokong mag-itim! Ayokong isipin na wala na ang daddy!" - Maricel
Comments:
Nakakaloka daw sya kasi akala mo magnanay talaga sila nyan kasi panahon daw yan ung sikat ung John n' Marsha. First ever gumanap si Maricel sa isang movie na seryoso. At dyan din sya nakakakuha ng 1st best supporting actress award! - Ina, Kapatid, Anak
Actor: Charito Solis vs. Lolita Rodriguez
Theme: Inagawan meets Mang-aagaw
Favorite Confrontation line:"Putik! Pareho kayo nang ina mo! Putik kayo pareho!" - Charito
Comments:
Half-sisters sila dito. Grabeh! Andrama ng istorya nito! Yung bf ni Lolita Rodriguez eh inakit ni Charito Solis kaya naging asawa nya ito. Favorite daughter naman si Lolita ni ama envious naman ang Charito. Clearly, pareho lang silang may kachorvahan sa isa't isa. - T-Bird at Ako
Actor: Nora Aunor vs. Vilma Santos
Theme: Lesbian Affair
Favorite Confrontation line:"Pag nakalaya ka anino mo lang ang kasama mo! Pag minalas ka pa at umuulan pati anino mo wala!" - Nora
Comments:
Like ko sya kasi parehong big stars yung lead cast. Tsaka ang tapang nung direktor at manunulat neto. Biruin mo yung panahon na yun, masyado pang conservative, at nagawa nila tong movie na to. - Insyang
Actor: Hilda Coronel vs. Mona Liza
Theme: The Mom, The Daughter, The mother's younger lover triangle
Favorite Confrontation line:"Hindi ko sya inaagaw! Ako ang mahal niya hindi kayo!" - Hilda
Comments:
Kalerkey! Naloka ako sa line na yun! Biruin mo sabihin mo yun sa nanay mo! Nakakaloka! Sa istorya kasi ni rape nung lover ni mudra si Hilda. Nung sinabi nya kay mama nagalit at sinabi pa na pareho kasi sila ng tatay nyang mahilig. So ang ginawa naman ngayon ng Hilda, inakit nya si lover boy para gamitin nang mapatay nang nanay nya sa galit yung lalaki! Galing ah! - Ikaw ay Akin
Actor: Nora Aunor vs. Vilma Santos
Theme: Love Triangle vertex
Favorite Confrontation line:"..." - Nora and Vilma
Comments:
Eto daw ang pinaka the best na confrontational scene in Philippine movies. Nakakaloka dahil wala namang words! Ang sabi kasi nung introduction of panelists, ang isa raw sa essence ng magandang confrontation scene ay maingay, magalaw, may sakitan and everything. Pero etong scene nato wala. Nagtinginan sila for 3 mins and 21 seconds. No words. As if gusto nilang ipa-dub sa audience yung dialog nila. Ako nga naisip ko Vilma: Isipin mo kung ano iniisip ko Nora: Wala kang iniisip kasi wala kang isip! Ay factor ito! wahahahahha! Kalerkey talaga!
I was watching ang Pinaka before. And the topic was Ang pinakamadramang confrontation scenes sa Filipino movies. Because of that I was able to see some great Filipino movies! I want to watch them!
0 comments:
Post a Comment