I am tagged!

Simple lang ang mechanics:
Sagutan lang ang mga itu!

The rules:

1. Write the name of the person who tagged you.
2. Answer the following:
- Your name/username/pseudo
- Right-handed/left-handed
- Your favorite letter to write
- Your least favorite letter to write
- Write “The quick brown fox jumps over the lazy dog.”
- Write the names of the people you want to tag.
3. Take a picture of what you have written.


Photobucket





Photobucket

Lucky Ballpen ni Alberchie

Photobucket


Kakatapos ko lang magexam nun sa Engineering Economy at kasalukuyang nagkukumahog magcram ng information about sa susunod naming exam na Chemical Engineering Laws and Ethics, nang makatanggap ako ng isang text message mula kay Monil:
"Patanong naman sa sec b kung may nakita silang blue parker -Alberchie"

Dali dali akong bumalik sa CompLab at hinanap ang missing in action na ballpen. To find out na nakita na pala itu ng aming professor. Binigay nya saken yung blue parker. At napansin kong nakaengrave pala ang pangalan ni Alberchie dun. AJ Gonzales

Tinext ko agad sya at tinanong ko kung nasan sya, tinext ko na nga parehong sun and globe nya pero hindi pa ren sya nagreply saken. So sabi ko mamaya nalang kasi mageexam na kami. Since hawak ko na naman ang ballpen na yun, yun na yung ginamit kong pansagot sa mga natira naming exams.

Infairness, ang bilis ko magsagot ah. Super bilis lang sabay mo sa bilis ko ng pagbabasa, parang nagglaglide lang yung ballpen dun sa exam. Kung hindi ako ang una, isa ako sa unang lima na magpapasa ng papel. Basta iba ang feeling pag gamit yung ballpen na yun.

Tinext ko ulet si Alberchie kung nasan sya. At nung wala pa ring response, napagpasyahan ko nang umuwi. Pag uwe ko tinext ko ulet sya, ang sabi ko nakauwe nako. Siguro after two hours after ko sya huling tinext dun lang sya nagreply.
Alberchie: Ui, wil sori ngaun lng.. Nsa rose lng kmi kanina.. San mo nkuha yan? Hehe.. San q nahulog?
Wilberchie: S lab. Kaw tlga, syang ang parker mu ah. May pangalan mu pa naman.
Alberchie: Hehe.. Ngeemo nga aq kanina e.. Cno nakakita?
Wilberchie: Sir chao. Bti nlng nandun pko at natanong q.
Alberchie: Hehe.. Buti nlng.. Swerte.. Tnx..
Wilberchie: Bgy q syo bks. =D Ingatan mu nto ah.
Alberchie: Uu.. Hehe.. Lucky charm sa test yan eh.
Wilberchie: Ang dli lng ng ethics ah. D ka lng cguro ngbasa. Ang tmad mo kc sa gwaing un. Hihi! kelangn mbgay q n syo to bks pra maswerte sa exam!
Alberchie: Bgsak tuloy aqng ethics.. Hehe.. Pag solving malakas yan.. Haha!
Wilberchie: Actualy! Un nga ung gnmit q knina. Ambilis q mgsagt!


Photobucket

After nun, nagpaalam na syang matutulog. Buks nalng daw sya mag-aaral. Emo pa den si loko! whahahhahah!
Photobucket

My Mocha Blend

Talbog ang starbucks sa Mocha la mani loca ko kaninang umaga! Less the effort! Less the cost! Woohoo!!! Ang sarap talagang uminom nun lalo na pag kulang ka sa tulog! Peste kasi yan tatlong exams sa isang araw! Buti nalang at may stock akong cocoa tablets sa bahay at nakagawa ako ng Choco peanut drink. Nanilgayan ko ng coffee at vila! Mocha la mani loca na!

Step 1:
Photobucket
Maglagay ng coffee of your choice sa iyong favorite mug

Step 2:

Photobucket
Ilagay ang Choco peanut drink sa iyong mug

Step 3:

Photobucket
Haluin heartily! Pwedeng maglagay ng creamer!


Sarap sarap! Dee! gusto mo? hihi!

Photobucket

Engineering is on overload

Photobucket
Malayo

Photobucket
Close up ng lobby

Photobucket
Close up ng 1st floor left corridor

Photobucket
Sa labas ng Lab 10


Grabeh, andami nang bumagsak nyan, super dami pa den nung mga estudyante sa Engineering! Grabeh na ito! Kaya minsan yaw ko pumapasok ng umaga kasi ang daming freshies na pakalat-kalat! Tsaka yun bang kung umistambay sa labas ng classroom nila eh pag-aari nila yung corridor, wala nang madaanan. Kaya ang aga mo mang pumasok paglabas mo sa siksikan, super mega pawis ka na ng bonggang bongga! Eh next year madadagdagan nanaman kame ng 25 sections! Kamusta naman yun! Pagkakasyahin ng todotodo!
Photobucket

Balitang nakakaekek!

Wilberchie Reacts to this:

I find it vague that a respected network would issue such a statement. Most specially the welcomed him as a Kapamilya part. How can Pacquiao rescind (void) his contract with Solar Entertainment verbally? I am not a lawyer (yet). But I know that in contracts there are provisions there that were agreed by those undersigned and shall be binding according to the agreed period. You cannot null the contract verbally thru a public statement. It is such a foolish thing to say that Pacquiao rescinded his contract! As for those who are legally able and knows for a fact that the contract of Pacquiao with Solar is not yet nulled and still Welcomed him as a Kapamilya... Ang sarap nyong ichever!!!!

Photobucket

Jdorama!

Photobucket


Crush ko talaga yang si Toma Ikuta. Sya yung sa Hana Kimi Japan. SUper galing nya umarte dun. Yey! Magbabalek na yung mga Jdorama sa Kapuso! Sana meron ulet si Toma! Nako mapapaaga yung uwe ko araw araw pag meron! hihi! Ang hot nung pic kahit payatot! whahahha!

Photobucket

Friendster Error

Hindi ko malog in yung e-mail account ko. Laging error. Tapos nung nagsign-up ako ulet using the same email add, nagamet ko yung email ko ulet. It means iba na yung email nung previous account ko. Ewan ko kung baket. Pero ok lang din, nakakatamad din naman magfriendster eh.


Photobucket

Balitang nakakairita!

Nicole backing down with her testaments
Nakakainis! Sobrang nakakairita yang Nicole na yan! Sa sobrang tagal ng panahon na dumaan ngayon pa sya "nakunsyensya"? After na humarap sya sa korte at sinabing yung mga kanong yun ang gumahasa sa kanya, ngayon babaliktarin nya yung mga pinagsasabi nya? Sigurado ako, naareglo to! Hindi ko alam kung ano, pero sigurado ako malaki ang pinang-areglo dito.

Dapat lang talagang sampahan ng perjury yang babaeng yan! Nagsinungaling sya under oath kung totoo man ang pinagsasabi nya ngayon! Sigurado akong kaya nagkaron ng lakas nga loob magfile ng ganun yun kasi napangakuan na hindi sya makakagat ng pangil ng batas!

Nakakabanas! Nakakabastos pa! Kasi hindi sa "lawyer nya" sya sumangguni regarding the matter, another mitigating fact na may kinausap syang ibang tao! Kung ako yung lawyer nya ako mismo ang magsasampa ng perjury dyan eh! HALA SAMPAHAN NA YANG BABAENG YAN NG PERJURY!!!

Manny Pacquiao gave rights of his future fights to ABS-CBN
This is a commentary of this Article from pep.ph.
So inofferan sya ng full media support ng ABS sa next congressional elections? eto lang ang masasabi ko. How can someone ignorant of the law be able to make laws? Dyan pa lang sa ginawa nya is against the law. Dahil may exclusive contract sya with Solar Entertainment regarding the coverage of his bouts and with GMA-7 which prevents him to appear in any other station unless given permission by GMA-7. His decision to give the rights of broadcast to ABS-CBN shows his ignorance in the field and is moreover unworthy for a seat in Congress. Katulad nga nung sinabi nung isang mama sa GenSan nung ininterview sya kung baket si Rep. Custodio ang binoto nya:
"Si Pacman, idol ko sya sa boksing. Pero ibang usapan na pag sa Kongreso"

Tama sya, siguro sa presidente pwede yung walang alam sa batas kasi may advisers naman, pero pag ikaw ang gumagawa sa batas, kamusta naman kung makikijamming lang sya sa Congress. Tsaka baka magnosebleed yung mga Representatives pag sya yung nagpriveledged speech noh! Che!
Rep. Manny Pacquiao: I will make law make boksing national game

Photobucket


Photobucket

Finding old files



Alam nyo bang ginawa ko yang animated gif na yan nung 3rd year high school ako? Sa Netopia yun sa may Tutuban. Pagandahan kasi ng website kasi nung 3rd year eh. Pero ako pa din ang undisputed na ginagaya nung mga iba! wahhahaha! Pero ngayon walang wala na ang talent kong to kay Manong. Hihi! expert yun eh! whahahha! Ayan makakasama na natin si site.gif sa blog ko!
Photobucket

Collage

Photobucket
click to enlarge


Yang collage na yan ay ginawa ni Manong Ron Karlo dahil siguro wala syang magawa! whahahhaha! May winter version nyan, hindi ko lang mahanap kung san ko nalagay. Ang sarap magreminisce!
Photobucket

Jabong the Dong!

Photobucket


Si Jabong! OMFG! Miss na miss ko na yan! Nakabase kasi sya sa Siargao sa Mindanao. Ewan ko ba dun kung baket dun nag-aral yun. Yung ibang tao nga dumadayo ng Manila para makapag-aral. Sya dumayo ng Mindanao para dun mag-aral! ekek talaga tong si Dong! Dong tawag namin sa kanya kasi bisaya sya and proud naman sya dun. haaay! madami dami din kaming fond memories yan ni Dong.

Ang pinakafav ko yung nagpaalam sya sakin after a week of vacay sa Manila. Complete pa nga yung get up nya. T-shirt na superman, denim na jacket, pantalawal (ang hybrid ng pantalon at salawal), tsinelas, at his ever so loyal na bike. Lagi kasi ganun get up nun pag pumupunta sa hauz namin.

Meron pa pala isa pah! Sya yung unang nagsabi saken na:
Lam mo Wil, ang totoo, galit ako sa mga bakla. Kasi lagi nila akong hinahabol at hinaharass. Binubugbog ko pa nga yung mga taga-samen. Pero nung nakilala kita, nagbago yun. Kasi iba ka eh.


May chorvang ganyan!

Anyway, they are all but happy memories now. Dahil mukhang wala naman atang bumalik ng Manila tong si Dong. Pero miss na mis sko na yan!
Photobucket

Yes! Geoff is back!

Photobucket


Hurray! Geoff Eigenmann is a Kapuso again! Huli ko syang napanood sa love to love sa Kapuso. Afternoon, over the bakod sya sa Kapamilya kung saan hindi naman matatawaran yung pagsikat nya. Ngayon he's older, and much yummier! love it! pampatanggal ng stress ng Unit Ops! Yes!
Photobucket

Proud ako sobra!

PhotobucketCongratulations to my 4th year class adviser, Mrs. Maritess Pondang-Barredo for being promoted as the High School Academics Coordinator of my Alma Mater Holy Child Catholic School! I am very much proud of you Ms! You deserve the post, not because of your tenure, but because you are a great teacher! I wish you more successes in life! (Rondo towards the Principalship!) Woohoo!!!

Kelangan english! English subject coordinator yan bago napromote eh! Wahahhaha! Miz you Ms!

Photobucket

Dadee Whel

Photobucket

Photobucket

super stressed kaya tulog all day!

Photobucket
Si Jebs, obvious na sarap matulog nakanganga pa eh! Whahahahah! Ang inyong lingkod ayun may claw-like finger ang drama kahit tulog!!! Waahahahha!

Photobucket
Si dadee Whel, wala pa masyadong tulog kaya ayan super stressed. Ang sarap nga ng tulog nya eh! hihi! Ang emo emo pa nung mga music nyan.


Photobucket

Flor's 1st death anniversary

Hindi ako pumasok last Saturday dahil 1st death anniversary ng friend ko na si Flor. Napag-usapan namin beforehand nung mga classmates ko nung 4th year HS na pupuntahan namin si Flor. Late na nga ako dumating dun sa meeting place namin sa KFC Morayta. Dahil bukod sa nahuli ako ng gising, antagal pa nung jeep na nasakyan ko. Nung dumating ako sa KFC, nakita ko sina James, Deo, Anna, at Eugene. Syempre kulitan at kwentuhan muna. Tas sumakay na kami ng jeep to blumentritt para pumunta sa North cemetery.

Photobucket
Papa Deo and I sa jeep


Nung dumating kami dun, bumili kami ng Candles at bulaklak. Alam na alam na namin talaga yung papunta dun kasi pang 3rd time na namin na punta yun dun. 1st nung nilibing si Flor, tas nung binisita namin sya bago mag Nov 1. Umikot pa kame, kasi may nakaharang na kung anung apparatus dun sa daan.

Syempre, inayos namin yung mga bulaklak sa harap nung lapida. Ako naman naghanap ako ng bukas na kandila nearby. Nakakita naman ako at dali-daling bumalik kay Flor. Pinagtulungan naming itayo yung siyam na kandilang binili ko. Afterwards we offered a short prayer for her. Nagtalo pa nga kami kung anong mystery yung assigned for that day. In the end, nagdasal nalang kame ng tatlong Our Fathers, 3 hail Mary's and 3 Glory be's. Of course, ako yung naglead ng prayer. As if naman may choice ako, ako daw kasi yung class president.

After few decade minutes of waiting nadagdagan kami, dumating si Tina, with her Dolce and Gabbana bag! Sosyal! Ayun nagkulitan muna, si Deo kasi nang-aasar! Habang si Tina naman yung nagoffer ng kanyang prayers, nag-"date" kame ni Deo. Tinignan namin yung mga pictures sa mga lapida. tapos we encountered unusual things. Hindi naman kwentong multo:

  • May nakita kaming pangalan eh Magneto.
  • May nakita kaming 1900's pinanganak mga 96 yrs old sya nung namatay, do the math!
  • Meron kaming nakitang 15 year old girl. Sayang.
  • Merong 5 yrs old boy.
  • Merong gangster na sa tingin namin eh namatay sa riot. Ang angas kasi ng mukha nya eh.
  • Eto yung heart wrenching, Meron kaming nakita, si Baby Joshua. March 28, 2008 - March 28, 2008. Nakakaloka! Ang cute pa naman nya.


Photobucket
Si Deo nakatayo
Photobucket
Si Deo inaasar si Tina
Photobucket
Si Papa Eug


Kinontak ko si Arnie, yung kapatid ni Flor at friend ko din, tinatanong ko kung pwede kaming pumunta sa kanila. Nagconfirm naman yung bata. So nagdecide kame na instead na magmall punta nalang kami kina Flor. Pero si Deo, nagutom kaya kumain mun akami sa Jollibee Chinese General Hospital. Inorder ako ni Papa Deo kaya nagtrip ako magpicture picture.
PhotobucketPhotobucket
Si Papa Eug candid at hindi candid

Photobucket
Papa Deo bago umorder

Photobucket
Papa Deo and I sa Jabee

Photobucket
Kinain ko na order ni Papa Deo

Photobucket
Si Papa Deo antakaw! Whahahha!

Photobucket
Finalé, group pic


Matapos kumain, nag-abang kame ng jeep na papuntang divi sa may kanto ng blumentritt. Super dalang. Kinailangan na ngang umalis ni James kasi pinapauwi na sya ng mudra nya. Taga-Bulacan na kasi yun eh. In the end, nauwi din kami sa taxi. We're off to Flor's house.

Kina Flor, nakipagkwentuhan kami kay Mrs. Villanueva yung mom nya na teacher sa HCCS elementary. Ayun, nung una medyo masay ayung mood sa kwentuhan. Pero yung sumunod na eksena nakakaiyak. Super kwento talaga kay Flor. Nakayuko na nga lang ako kasi baka mamaya pag nakita kong lumuluha si Ms. eh maiyak din ako. Matagal din kami dun. 8pm na kami umalis dun. Pinakain pa nga kame ng Lauriat from Chowking.

Photobucket
Si Anna sa bahay nila Flor

Photobucket
Anna and Tina


After nun, sabay kami pumunta ni Deo sa sakayan sa may Iglesia ni Cristo. Actually mas inuna pa nya akong sinakay nakakita kasi kami ng jeep to Tayuman kaya pinasakay na nya ako kaagad. Wow medyo kinilig ata ako ng konti dun! Gentleman!

Photobucket

Hanging for a few hours

PhotobucketPhotobucket


Dapat kanina, sasama ako sa review session kina madam. Kaya sumama muna ako magsnacks kina Alberchie at Jaboy. Ako bumili ako ng Crab nuggets sa Kiss, si Alberchie kikiam, tapos si Jaboy, sandwich. Naupo kame sa mya carpark at dun kumain. Maiiwasan ba ang kwentuhan? ayun, so nagkwento kwento si Alberchie. Tingin ko tinanong ni Jabs si Alberchie kung pano sya nagmomove on. Mega kwento naman si Alberchie na as if expert sya on the subject. May tatlong ways lang daw yan.
  • Mag-aral mabuti. Hindi daw nya kaya
  • Magdota. Sawang sawa na sya.
  • Maghanap ng ibang babae. Ayun hindi naman daw sya makahanap.


May instance pa nga daw na nagpahanap sya sa classmate nya nung HS ng babae, tas dinescribe nya yung hinahanap nya. Nagreply daw yung friend nya ng "Sinong pinapahanap mo saken? si Chii??" He concluded nya hindi sya naghahanap ng iba, kundi may hinahanap hanap sya.

Umalis si Jaboy para bumili ng mojos para sa gf nya. Naiwan kami ni Alberchie. Gusto akong magcomment sa break up nila. Eh wala naman akong macomment dahil hindi ko naman alam yung buong detalye. Nasasakal daw sabi ni Alberchie. Pero kasi, magkahiwalay sila ng building, magkaiba sila ng course, hindi sila nagkikita araw-araw pano kaya magkakarong ng sakalan dun? Tsaka hindi yun ugali ni Alberchie noh.

Wawa naman si Alberchie, hindi pa din nakakamove on. Haaaay!

Photobucket
Photobucket