Photobucket


Kakatapos ko lang magexam nun sa Engineering Economy at kasalukuyang nagkukumahog magcram ng information about sa susunod naming exam na Chemical Engineering Laws and Ethics, nang makatanggap ako ng isang text message mula kay Monil:
"Patanong naman sa sec b kung may nakita silang blue parker -Alberchie"

Dali dali akong bumalik sa CompLab at hinanap ang missing in action na ballpen. To find out na nakita na pala itu ng aming professor. Binigay nya saken yung blue parker. At napansin kong nakaengrave pala ang pangalan ni Alberchie dun. AJ Gonzales

Tinext ko agad sya at tinanong ko kung nasan sya, tinext ko na nga parehong sun and globe nya pero hindi pa ren sya nagreply saken. So sabi ko mamaya nalang kasi mageexam na kami. Since hawak ko na naman ang ballpen na yun, yun na yung ginamit kong pansagot sa mga natira naming exams.

Infairness, ang bilis ko magsagot ah. Super bilis lang sabay mo sa bilis ko ng pagbabasa, parang nagglaglide lang yung ballpen dun sa exam. Kung hindi ako ang una, isa ako sa unang lima na magpapasa ng papel. Basta iba ang feeling pag gamit yung ballpen na yun.

Tinext ko ulet si Alberchie kung nasan sya. At nung wala pa ring response, napagpasyahan ko nang umuwi. Pag uwe ko tinext ko ulet sya, ang sabi ko nakauwe nako. Siguro after two hours after ko sya huling tinext dun lang sya nagreply.
Alberchie: Ui, wil sori ngaun lng.. Nsa rose lng kmi kanina.. San mo nkuha yan? Hehe.. San q nahulog?
Wilberchie: S lab. Kaw tlga, syang ang parker mu ah. May pangalan mu pa naman.
Alberchie: Hehe.. Ngeemo nga aq kanina e.. Cno nakakita?
Wilberchie: Sir chao. Bti nlng nandun pko at natanong q.
Alberchie: Hehe.. Buti nlng.. Swerte.. Tnx..
Wilberchie: Bgy q syo bks. =D Ingatan mu nto ah.
Alberchie: Uu.. Hehe.. Lucky charm sa test yan eh.
Wilberchie: Ang dli lng ng ethics ah. D ka lng cguro ngbasa. Ang tmad mo kc sa gwaing un. Hihi! kelangn mbgay q n syo to bks pra maswerte sa exam!
Alberchie: Bgsak tuloy aqng ethics.. Hehe.. Pag solving malakas yan.. Haha!
Wilberchie: Actualy! Un nga ung gnmit q knina. Ambilis q mgsagt!


Photobucket

After nun, nagpaalam na syang matutulog. Buks nalng daw sya mag-aaral. Emo pa den si loko! whahahhahah!
Photobucket