Wala na talaga ito. Hands down na talaga ako kay Ma'am Berna Duran, yung department Chair ng Chemical Engineering Department. Ang galing nya kasi magturo eh. Ngayon ko talaga naintindihan at naapreciate yung topic na ito. Nung dati kasi hindi ko naintindihan kaya hindi ko naapreciate. Tska ngayon napapansin ko na inter connected yung mga pinag-aaralan namin. Yung bang pwede mo silang pag-aralan seperately pero pwede ring sabay sabay.

Kanina diniscuss nya yung Heat effects na akala ko talaga mahihirapan ako. Pero kanina lagi ako yung sumasagot. Simple lang pala sya. Siguro dahil alam ko na yung principles nung sa Stoich. Pero kasi nung dati parang hindi ko nagets na may stoichiometry dun. Ngayon parang feeling ko kayang kaya kong sagutan yung mga problems sa book. I have the confidence to explain my answer as well, naiintindihan ko na kasi sya. Haaay! Sana sa Thermo 2 si Ma'am Berna ulet!

Fav prof ko talaga sya ever! Si Assoc. Prof. Bernadette M. Duran

Photobucket