Hindi ako pumasok last Saturday dahil 1st death anniversary ng friend ko na si Flor. Napag-usapan namin beforehand nung mga classmates ko nung 4th year HS na pupuntahan namin si Flor. Late na nga ako dumating dun sa meeting place namin sa KFC Morayta. Dahil bukod sa nahuli ako ng gising, antagal pa nung jeep na nasakyan ko. Nung dumating ako sa KFC, nakita ko sina James, Deo, Anna, at Eugene. Syempre kulitan at kwentuhan muna. Tas sumakay na kami ng jeep to blumentritt para pumunta sa North cemetery.

Photobucket
Papa Deo and I sa jeep


Nung dumating kami dun, bumili kami ng Candles at bulaklak. Alam na alam na namin talaga yung papunta dun kasi pang 3rd time na namin na punta yun dun. 1st nung nilibing si Flor, tas nung binisita namin sya bago mag Nov 1. Umikot pa kame, kasi may nakaharang na kung anung apparatus dun sa daan.

Syempre, inayos namin yung mga bulaklak sa harap nung lapida. Ako naman naghanap ako ng bukas na kandila nearby. Nakakita naman ako at dali-daling bumalik kay Flor. Pinagtulungan naming itayo yung siyam na kandilang binili ko. Afterwards we offered a short prayer for her. Nagtalo pa nga kami kung anong mystery yung assigned for that day. In the end, nagdasal nalang kame ng tatlong Our Fathers, 3 hail Mary's and 3 Glory be's. Of course, ako yung naglead ng prayer. As if naman may choice ako, ako daw kasi yung class president.

After few decade minutes of waiting nadagdagan kami, dumating si Tina, with her Dolce and Gabbana bag! Sosyal! Ayun nagkulitan muna, si Deo kasi nang-aasar! Habang si Tina naman yung nagoffer ng kanyang prayers, nag-"date" kame ni Deo. Tinignan namin yung mga pictures sa mga lapida. tapos we encountered unusual things. Hindi naman kwentong multo:

  • May nakita kaming pangalan eh Magneto.
  • May nakita kaming 1900's pinanganak mga 96 yrs old sya nung namatay, do the math!
  • Meron kaming nakitang 15 year old girl. Sayang.
  • Merong 5 yrs old boy.
  • Merong gangster na sa tingin namin eh namatay sa riot. Ang angas kasi ng mukha nya eh.
  • Eto yung heart wrenching, Meron kaming nakita, si Baby Joshua. March 28, 2008 - March 28, 2008. Nakakaloka! Ang cute pa naman nya.


Photobucket
Si Deo nakatayo
Photobucket
Si Deo inaasar si Tina
Photobucket
Si Papa Eug


Kinontak ko si Arnie, yung kapatid ni Flor at friend ko din, tinatanong ko kung pwede kaming pumunta sa kanila. Nagconfirm naman yung bata. So nagdecide kame na instead na magmall punta nalang kami kina Flor. Pero si Deo, nagutom kaya kumain mun akami sa Jollibee Chinese General Hospital. Inorder ako ni Papa Deo kaya nagtrip ako magpicture picture.
PhotobucketPhotobucket
Si Papa Eug candid at hindi candid

Photobucket
Papa Deo bago umorder

Photobucket
Papa Deo and I sa Jabee

Photobucket
Kinain ko na order ni Papa Deo

Photobucket
Si Papa Deo antakaw! Whahahha!

Photobucket
Finalé, group pic


Matapos kumain, nag-abang kame ng jeep na papuntang divi sa may kanto ng blumentritt. Super dalang. Kinailangan na ngang umalis ni James kasi pinapauwi na sya ng mudra nya. Taga-Bulacan na kasi yun eh. In the end, nauwi din kami sa taxi. We're off to Flor's house.

Kina Flor, nakipagkwentuhan kami kay Mrs. Villanueva yung mom nya na teacher sa HCCS elementary. Ayun, nung una medyo masay ayung mood sa kwentuhan. Pero yung sumunod na eksena nakakaiyak. Super kwento talaga kay Flor. Nakayuko na nga lang ako kasi baka mamaya pag nakita kong lumuluha si Ms. eh maiyak din ako. Matagal din kami dun. 8pm na kami umalis dun. Pinakain pa nga kame ng Lauriat from Chowking.

Photobucket
Si Anna sa bahay nila Flor

Photobucket
Anna and Tina


After nun, sabay kami pumunta ni Deo sa sakayan sa may Iglesia ni Cristo. Actually mas inuna pa nya akong sinakay nakakita kasi kami ng jeep to Tayuman kaya pinasakay na nya ako kaagad. Wow medyo kinilig ata ako ng konti dun! Gentleman!

Photobucket