Sa isang linggong nagdaan, tatlong beses ko nang naisipang i-let go ang pinakamamahal ko. Sabi ko nga dati, alam ko na ang kasunod nang istoryang ito. Puro sakit at dalamhati. Pero nagugulat ako kasi sa tuwing nagiging firm na yung desisyon ko na iwan na sya, laging may nangyayari na nagpapabago sa isip ko.
1st Instance
Unang beses ko naisip yun nung sinabi nya na "Hindi ikaw yung wilbert na kilala ko". Minsan ko na nga lang ipakita yung yung tunay na ako, nireject pa ng pinakamamahal ko. Haaay buhay! Kung kilala mo kasi ako in person, masasabi mong medyo strong yung personality ko. Pero para kasi saken, hindi ko dapat ipakilala yung tunay na ako sa kahit kanino lang. Iyakin talaga ako, mabilis masaktan, at super stubborn. Nung tinext ko sya na kailangan ko sya tapos nireplyan nya ako ng ganun, parang gumuho yung mundo ko. Kaya parang sabi ko, "ayoko nah, I've been this road before. Magpapakatanga nanaman ba ako?". Pagkatapos ng ilang hours of self-pity. Naisip ko na humingi ng tulong sa mga BFFs nya. Sabi ko pa nga, "kung saken ayaw nya magpatulong sigurado ako hindi sya makakahindi sa mga bestfriends nya." Nagcompose ako ng message na naglalaman ng lahat ng nalalaman ko at nararamdaman. Sinabi ko sa kanila na mahal na mahal ko yung kaibigan nila. Na nasasaktan akong nagkakaganun sya. Na sana kausapin nila sya para kung anu man yung problema nya, hindi nya haharapin mag-isa. After nun, napag-isip isip ko na bigyan muna sya ng chance. "Kelangan mo nalang mag-intay Dyosa kung makakatulong ba tong ginawa mo para sa kanya".
2nd Instance
Dumating yung 2nd instance na gusto ko na maggive up kasi hindi pa din nagrereply saken yung mga minessage ko. Ang bilis ko talaga maparanoid pag broken hearted. Medyo hindi naman din sya kasi nagsabi eh. Isa pa kasi sa ayoko eh yung uncertainty. Kaya ko pa ng mga 70% pero yung wala talagang pasabi na ganun ung mangyayari, nakakalog yung utak ko. Eh mahal na mahal ko pa naman sya, kaya pag hindi sya nakikipagcommunicate saken, feeling ko hindi na nya ako mahal. Naniniwala kasi ako na ang pagmamahal may tatlong sangkap: communication, trust, understanding. Love Triumvirate ang tawag sa tatlong yan. Pag nawala yung isa, wala nang love. Pero nung medyo nag-eemo nako ng mega mega, nagreply yung lalaki nyang BFF saken. Ayun, binigyan naman nya ako ng assurance na gagawan nila ng action yun. "Tiis lang dyosa, tiis lang...", sabi ko nalang sa sarili ko.
3rd Instance
Hindi pa nag-twe-24 hours eh eto nanaman ang drama ko. Ayaw ko na talaga ng puso ko ipagpatuloy pa ito. Sumisigaw naman yung utak ko na itigil ko na daw yung kabaliwan ko. Bakit daw ba pilit akong naniniwalang mahal na mahal nya ako eh sinabi lang naman nya yun, hindi naman nya pinaparamdam? Gulong gulo na talaga yung isip at damdamin ko nung araw na yun. Hindi ako makapag-isip ng diretso kasi nga broken hearted pako. Out of the blue, may nagmessage saken sa Facebook, yung BFF naman nya na gurl. Sinabi nya saken na wala daw akong dapat alalahanin kasi strong naman daw sya at kinakaya lahat. Magjoin force daw sila ni male BFF para kausapin siya. "Dyosa, mahal na mahal mo sya dba? hindi ka papayag na mawala sya? Go na dyosa! kaya mo yan!"
It's funny. Humingi ako ng tulong sa kanila para matulungan sya, tapos they ended up helping me instead! Wahhahaha!! Dahil sa overwhelming support na hindi ko sya iwan, nagdecide na ako na titiisin ko muna yung ugali nyang ganyan. Paulit ulit nako pero, mahal na mahal ko talaga yung lalaking yan. Malulungkot ako ng sobra pag nawala sya sa buhay ko.
Sana after this drama, maging masaya kaming dalawa...
0 comments:
Post a Comment