Photobucket


Ang pinakamahirap talagang laban lagi, ay yung laban sa loob ng isang tao. Buti nalang nung bata ako eh hindi ako nagkaron ng identity crisis. Alam ko na sa simula na dyosa ako. Pero ngayon, ang hirap hirap ng laban na kinakaharap ko. Katulad nga ng sabi ko sa last post ko, torn ako sa dalawang personalities ko. Hanggang ngayon naglalaban pa din sila. Bigyan ko kayo ng script para mas maintindihan nyo. Si Betong yun benevolent side ko, si Wilbert naman yung malevolent. So here goes:

Betong: Mahal na mahal ko sya... Huhuhu!!!
Wilbert: Leche ka! Anung iniiyak iyak mo dyan! Dapat magalit ka sa hayop na yun! Iniwan ka nya sa ere ng walang dahilan!
Betong: Siguro may dahilan naman... Hindi pa lang nya masabi... Gusto ko syang intindihin... Bigyan nya lang ako ng explanation, masaya nako...
Wilbert: Punyeta! Kahit na magexplain pa sya, it won't erase the fact that he's a deserter! Pagkatapos ka nya gawing masaya, iniwan ka nalang basta basta kasi ayaw na nya! Tapos ka na sa pagiging flavor of the month mo! Kaya gumising ka hoy!
Betong: Basta mahal ko sya! Hindi ko maexplain pero mahal na mahal ko sya!
Wilbert: Mahal mo nga sya, pero mahal ka ba nya? Kung mahal ka nya kahit bilang kaibigan lang, siguro naman mapagbibigyan nya yung isang text ano?
Betong: Kagabi magkachat kami, siguro naman that means something...
Wilbert: You're pathetic! Ikaw ang nagsimula ng conversation hindi sya! Kung talagang mahalaga ka sa kanya, dapat kahit hindi mo itanong, bibigay nya yung explanation na hinihingi mo! Hindi naman sya bobo para hindi malaman yun. He owes that much to you!
Betong: Kung igigive up ko sya ng ganun kadali, hindi ko matutupad yung pangako ko sa kanya na hindi ko sya iiwan.
Wilbert: Tanga ka ba? Ikaw ang iniwan nya! Di ba sinabi mo din sa kanya na pag nireject ka pa nya kahit isang beses lang iiwan mo sya? Nakalimang rejection ka na! isang linggo lang yun! Anu pang iniintay mo? Iwanan mo na yang lalaking yan!

Sa huli, hindi pa din nagpapatinag si Betong sa pag ka stubborn nya. Haaay! Honestly, gusto ko nalang talaga patayin si Betong, kasi kung hindi sya naghohold on, edi sana hindi nako nakakaramdam ng sakit sa puso ko ngayon. Pero stubborn kasi talaga ako, gustong gusto ko din malaman yung mga sagot sa mga tanong ko. Alam ko hindi sya masamang tao, alam ko may explanation sya. Ang hirap lang, kasi pinapatagal pa nya yung mga bagay na pwede naman gawin ng isang iglap. Sometimes, the direct approach is better.

Meron syang ginawang bagay na talagang labis na kinakagalit ng kalooban ko, pero haaay Betong, bakit ba kasi ang bait bait mo!? Nakakainis ka nah!

Sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!!! Baliw na ata ako, I'm talking to myself. Kaen na nga lang ako ng mashed avocado pampakalma....

Photobucket


haaay.... FUCK THIS AMBIVALENCE!!!
Photobucket