June 9, 2011, Thursday, 2:31PM
Nagfefezbukelya ang lola nyo nang maalala na may event si White Knight na pupuntahan. Alam ko magpeperform sya dun. Tinext ko sya, sinabi ko na gusto kong makita sya sumayaw, gusto ko makita yung pinagpaguran nya. Hindi ko pa nga sure kung ngayon ba yun o kahapon.
3:23PM
May naisip na kaekekan ang dyosang ito! Eh kung puntahan ko sya dun? Gusto ko na ibigay sa kanya yung uwi ko galing Bulacan. Gustong∞ gusto ko sya makita. Not necessarily makausap. Basta gusto ko lang sya makita. Gusto ko lang maassess in my own four eyes yung kalagayan nya. Hindi na nya ako kelangan kausapin, basta gusto kong sabihin sa kanya, na naiintindihan ko na sya at hihintayin ko sya.
Dali dali kong niconfirm kung ngayon nga ba yung date nung affair na yun, since alam ko sa Cuneta Astrodome sya, nicheck ko agad yung schedule ng events dun. Nicheck ko muna yung kahapon, aba wala. Tapos yung ngayon, at ayun, naalala ko na yung name nung event. Alam ko yun yung sinabi nya saken nun. Sabi dun sa page, 12:30PM - 7:00 PM yun event. Medyo maaga pah kung aalis nako. So naisipan kong mga 5:30 na umales. Para saktong 7:00 andun nako.
5:28PM
Umalis nako. Super mega lakad ako papuntang sakayan ng jeep. Dahil fan ako ng Charmed, nagcast ako ng spell. Edited version ito kasi ito ay may specific purpose.
Search North South East and WestHabang naglalakad din, nagdadasal din ako. "Lord, sana po magkita kami. Kailangan po makita ko sya. Gusto ko po syang makita. Lord please, mahal na mahal ko po sya..."
For one who has left my humble nest
Search land and sea and sky above
Lead me now to the one I love
Mega sakay na sa jeep. Medyo mabagal yung jeep na nasakyan ko, palibhasa kasi walang mga enforcer. Pag dating sa Tayuman LRT, baba agad ako at umakyat sa station ng LRT. Bumili ako ng ticket papuntang Libertad. At sakto may dumating na Train, walang laman! Dali dali akong sumakay at umupo! Umupo ako ng diretso. Stoic. Nakatingin lang sa harap. Pero sa isip ko, nagdadasal pa din ako na sana makita ko sya. Mega emote ako sa train. As in. Megang mega emote to the point na maluha luha nako.
6:15
Dumating na ang train sa Libertad. Bumaba ako agad. Akala ko may jeep na may byaheng papuntang Cuneta Astrodome, un pala wala. So naglakad nalang ako from LRT to Cuneta Astrodome. Habang naglalakad, bumubulong ako na kailangan ko syang makita, gustong gusto ko syang makita. May nasalubong ako na mga nakaputi. Parepareho yung suot. "Shit! Tapos na yung program!". Napabilis ang lakad ko ng di oras. Halos nagsasalita nako in normal volume ng voice ko. "Lord! malapet nako! Siya nalang ang kulang! Lord! Gusto ko syang makita!", Paulit ko yang sinasabi habang naglalakad ng mabilis.
6:20
Dumating nako sa kanto ng jollibee at 7-11. Tinanong ko yung mga nakaupong mga nakapula kung tapos na ba yung program. Oo daw. Dali dali akong pumunta sa mga parking spaces. Tinitignan ko kung merong sasakyan na andun sya o kaya yung mga inarkilang jeep na malapit sa lugar nila yung nakasulat sa side. Wala. Pumunta ako sa gates ng Cuneta. Napansin kong may mga tao pa sa loob. Napagpasyahan ko na bumili muna ng tubig sa malapet na 7-11. Tubig 13php. Tinext ko sya. Kung andun pa ba sya sa Cuneta. Nagsend ako ng limampiso. Hindi sya nagreply. Lumabas ako ng 7-11 at babalik na sa entrance ng Cuneta. Habang naglalakad, naisipan kong tawagan sya. Nagring. Pero waley sumagot.
6:32
Pagkabalik ko sa entrance, naglalabasan na yung mga tao. Mukhang kakasimula palang ng exodus palabas ng building. Tumayo ako dun malapet sa side entrance. Nagcoconcentrate akong mamukhaan sya. andming taong lumalabas, nakikigulo pa yung mga pulubing pilit hinihingi yung free food nung mga participants. Grabeh super dami. Akala ko natapos na. May 2nd batch pa pala. Exodus mode ulet yung mga tao. Hindi nako makapagdasal kasi nagcoconcentrate ako. Tinatawagan ko yung cellphone nya ng ilang beses. May sumasagot pero background noises lang. Meron ding twice na nicancel yung call ko.
Naubos na yung 2nd wave pero hindi ko sya nakita. Napansin kong may lumalabas din sa Main Gate habang nageexodus yung 2nd wave. Since wala nang lumalabas sa side entrance. Lumipat ako sa main. Naubos na din yung mga lumalabas. Kaya naisipan ko na din umalis.
7:02
Home Bound
Paxenxa na at nawalan nako ng gana magsulat dun sa 7:02. yun kasi yung time na sinabi nya saken na hindi nya ako mahal. So ayun. FYI, ang isususlat ko sana dun, dun unang lumabas yung smile sa face ko. Isang napakatunay na kaligayahan ang nararamdaman ko habang nakasakay sa jeep papuntang Divisoria. Kasi, nagawa ko yung bagay na yun, kaya masasabi kong mahal na mahal ko nga sya. Oh well... ganun ang life!
0 comments:
Post a Comment