Photobucket


Hindi ko alam kung phase lang ba to o final answer na. Basta nagising nalang ako na naupos na yung apoy ng passion ko sa pagtuturo. I am honestly flabbergasted that such a big flame would be extinguished in a snap. Ever since I became a student teacher when I was in high school, I felt that the teaching profession is for me. Ngayon I am just left to wonder what made me realize the opposite.

Hindi ko na itutuloy yung pagkuha ko ng Education units sa PNU. Hawak ko ngayon actually yung requirements na sinadya ko pa sa UST. Looking at them now... Parang wala na din saysay. Hindi ko na din itutuloy yung pagkuha ko ng MS Engineering Sciences. Niplano ko lang talaga yung kunin kasi gusto kong magturo sa Engineering Science Department ng kung saaang Engineering School. So siguro yung MS nalang na pwede sa Industry na pinasukan ko. Maybe Material Science and Engineering or Instrumentation Engineering. Sabi nga ng fav prof ko MS Chemical Engineering daw, pero hindi ko pa alam.

Nasa Flash drive ko din yung manuscript nung Physics Supplement Book na ginagawa ko. It's entitled, Si Voltes V at ang Physics 1. Lahat kasi ng example ko eh patungkol sa characters sa Voltes V. Naenjoy ko syang gawin, kasi masayang gumawa ng examples na alam kong makakarelate yung mga bata. Hindi pa sya tapos kaya hindi pa ako naghahanap ng illustrator para magdrawing, at hindi ko pa natanong sa Toei Corporation kung papayagan nila yun iprint. Pero, it doesn't matter now. Wala nakong drive tapusin pa yun. Pinag-iisipan ko nga kung buburahin ko nalang, baka may makinabang pang iba. Yan tsaka yung isa pang Algebra Supplement na more on DotA yung examples.

Ewan ko. I feel empty. Akala ko mamamaterialize ko yung Project enREACH. Buti nalang hindi ko pa sya nasimula mag-isa. Kundi ang laking problema na bigla ko nalang syang ititigil. Siguro, teaching is really not for me. I was given an opportunity to teach pero ni-turn down ko din. Natanggap kasi akong Faculty sa Adamson. Kahit part time at least nagtuturo pa din. Siguro its really a sign na hindi talaga ako passionate for it.

Panu ba to, yung email ko may teacher feel din. Pati mga estudyante kong mga nagtetake ng educ, pinipilit pa din akong ituloy yung pagtake ng educ units and then LET. Pero parang it fell on deaf ears lang din. Hindi ko na talaga nakikita yung sarili kong tatayo sa harap ng klase at mageexplain with vigor. Wala na talaga yung passion for it. I tried to assess the situation pero wala talaga akong logical explanation kung anung nangyari. Bigla nalang nawala.

Wala na si Teacher Wilberchie. -RIP-

Photobucket