I experienced this scenario before.
it takes only one smile to cover a million tears..
May 1st hand experience nako sa ganito. Alam na alam ko na yung susunod. Alam na alam kong masasaktan ako ng sobra. I'll flood my bed with my tears again. Mawawala nanaman ako sa katinuan. Hindi nanaman magiging productive at magiging inutil muli. Madudurog ulit ang puso ko. Magdudugo ang damdamin ko. Mamamatay nanaman ako. Mamamatay na naman ang sarili ko na nagmahal ng sobra sobra.
Puso
Ilang araw na din simula nung una kong naramdaman yung uneasiness na hindi ko maexplain. Na there's this radiating anxiety within me kasi sabi ng instincts ko may mali. Panay ang text ko sa kanya araw araw. Kahit pa hindi ako nakakareceive ng reply, pilit kong tinatago yung nararamdaman kong kaba, basta text lang ako ng text sa kanya sa kung ano yung nangyayari sa buhay ko. Pero nung umuwi ako galing Bulacan, dalawang araw matapos ko maramdaman yung uneasiness na yun, dun na nagsimula yung paranoia ko. Hindi ko na mapigilan yung mga iniisip ko. Sya nalang ang nasa isip ko nung gabing yun. Nagtext sya at may napansin ako sa text nya. Parang may problema talaga sya. Hindi ko alam kung pano ko magawang iopen yung isyu na yun para mapag-usapan namin.
Gulat
In my attempt to catch his attention, tinext ko sa kanya yung tunay na nararamdaman ko. Hinahanap ko sya. Sinabi ko na kelangan ko sya. Nangungulila nako sa kanya. Ayoko na yung mga iniisip ko ng gabing yun, at sana kausapin nya ako para kumalma ako. Tinanong ko sya, "Nasan kna po?". Na-shock ako sa reply nya. I didn't expect that kind of response. Para akong sinampal ng malakas. effective naman kasi naging kalmado agad ako, pero napalitan naman ng takot yung nararamdaman ko. Nagsisimula na ang kinakatakutan ko.
Fortunately, nakapag-usap pa kami kahit sandali. Humingi ako ng tawad sa nangyari kanina. Marami daw lang daw syang iniisip. Nag-offer ako ng help na pwede nyang makausap. Mas gusto na lang daw nya na sa kanya nalang yun. Alam naman nya na nasaksaktan na nya ako at humihingi sya ng tawad dun. May iniisip daw syang mabigat na hindi daw ako makakatulong.
Feelings
Nadudurog yung puso ko. Umiiyak nako araw araw. Sobrang sakit na nang nararamdaman ko. Nafrufrustrate ako dahil hindi ko magawang matulungan sya. Nafrufrustrate ako na dahil feeling ko naleleft out ako. Nafeeling ko mag-isa lang akong lumalaban. Na lahat ng mga bagay sa sandaling panahon lang nagbago.
Sigaw
Gusto kong sabihin sa kanya na proprotektahan ko sya. Ako ang magtutuloy ng laban kung hindi na nya kaya.
Gusto ko syang yakapin. Yakapin ng sobrang higpit habang sinasabi sa kanya na andito lang ako para suportahan sya. Na pwede nya akong pagkatiwalaan at kaya naming dalawa yung mga problema nya.
Sana sa oras na maisipan nya na balikan ako, sabihin nya sakin na mahal nya ako. Yun na siguro ang pinakamasayang oras ng buhay ko.
Pero alam ko, wala na akong magagawa pa kundi maghintay lang. Hihintayin ko sya hangga't kaya pa ng puso ko. Hangga't nabubuhay pa yung Betong na mahal nya at mahal na mahal sya.
Inaantay ko ang 1st date namin. Baka maging una at huli na namin yung date na yun. Hanggang ngayon, hindi ko padin alam kung tutuloy ko pa din ang laban o mag-give up nalang ako. Pero for now, iintayin ko yung araw na yun. I'll just cross the bridge when I get there.
kung anuman ang maging resulta, pag nakalampas nako, there's no turning back.
be happy...
or die...
3 comments:
You can do this.. Kaya mo yan.. :)
sad. I feel you. these tough times would make you stronger. pramis. :D
someday, when you look back at this time and you are mature enough, matatawa ka na lang....
I hope for the best.
Salamat po sa inyong dalawa. Wala po talaga akong sinasabihan ng problema kong ito. Buti alam kong may mga sumusuporta saken. Salamat po... Next time Happy post naman after this drama.
Post a Comment