Sa totoo lang, there was a time during this whole mess na inisip ko na kelangan ko na ng counseling. Gulong gulo na kasi ako. Everything was haphazard. Walang kalinawan sa lahat ng nangyari. I asked my friends who are self-proclaimed psych nurses, and also my sister-in-law who has BS Psychology as her pre-med, if what are the symptoms of mild depression. Sabi ng sister-in -law ko:
Definitely social functioning is impaired (w/c I don't think is anyway affected in your case, hehehe)-True!
So next candidate for my case is... Anxiety. Pero pinabulaanan na yun nung dadee kasi sabi nya, hyper-active naman daw yung may ganun. Eh malungkot nga ako eh. Isip lang ng isip.
Kahapon nung papunta akong Laguna, nung nasa bus na ko, napansin ko na naiwanan ko pala yung earphones ko. Kaya hindi ako makapakinig ng music from my phone. Alangan namang mag-tugs-tugs-tugs ako sa bus, kakahiya naman sa ibang pasahero. So nagpasya nalang ako mag-isip isip ng konti.
Habang patuloy sa pag-andar yung bus at habang tuloy tuloy yung mga posteng nalagpasan namin, bigla nalang may pumasok sa isip ko. Isang desisyon na talagang kailangan kong gawin. Isang bagay na nagbukas ng pinto sa aking isipan...
0 comments:
Post a Comment