PhotobucketLinggo yun. Feb. 3, 2008. Pagkatapos ko maginternet at maligo. Pumunta nako sa bahay ng friend kong si Jebs. Ang sabi kasi nya may problema sya, so bilang kaibigan kailangan kong tumulong.

Kinuwento ni Jebs ang lahat lahat tungkol sa problema nya. Yun pala tungkol lang yun sa babaing textmate nya. Hindi naman ako magkapagcomment kasi hindi ko naman personal na kilala yung gurl. Tsaka I don't want to make conclusions yet kasi I tend to make harsh initial conclusions baka I'll make matters worse pah.

Photobucket
As usual nakatulog nanaman si Jebs. Si Averi din nakatulog (kuno) na. Ang natira nalang gising ay si Whel at ako. Earlier that night, napagusapan din namin yung problema ni Whel. It's about yung ex-gf nya. Well, I won't talk about that here coz it's a private matter. To make it short, nakapagkwentuhan kame ni Whel kasi pareho kaming hindi inaantok. So kinuwento nya yung tungkol sa gf nya. Ako naman nakwento ko yung isa sa mga away namen ni Albert.

Meron kasing instance na sinabi nya na naiilang daw sya sa bading. Ganito kasi yung istory nun. Meron kasi si Albert na close friend nung high school na gay din. Scheduled silang magdota ng mga 7pm. Sa kahihintay si Albert nakatulog nah kasi ang plano nya magrereview sya sa madaling araw kasi Prelims namin that time. Ang Baklang Joshua dumating ng mga 10 nah. Ginising si Albert. Nung una ayaw na ni Albert sumama, pero in the end, napilit din sya sumama. So nagdota sila until Midnight. Nung pauwi na sila, si Joshua nagsabi kay Albert nang, "Kuya, hatid mo naman ako samen." Eh ayaw na ni Albert kasi nga Hating gabi na nun. Nagpumilit pa rin si Joshua haggang sa sinabi ni Albert na, "Tigilan mo nga ako, lam mo minsan naiilang ako sa bading, kahit kay Whil minsan!" Ayun, nagsimula nang umiyak si Joshua, tapos hinatid din sya ni Albert.

Ang kinakagalit ko nun bakit pati ako? Hindi ko naman niyayakap ang arm niya nun, hindi ko nga sya inaakbayan, hindi ako nagpapadala ng gamit sa kanya, hindi ako nagappahatid kahit lang sa sakayan, ano ang dapat ikailang nya saken? Lahat nang nasabi ko kanina kay Joshua pwede yan, tapos akong hindi gumagawa nun naiilang sya? Sana simula pa lang sinabi na nyang ilang sya sa bading dba? Umiyak ako nun. Masamang masama ang loob ko.

Nung nakwento ko yun kay Whel, parang medyo nagalit din sya kay Albert. Ang pangit daw kasi nung ginawa nung nya. Tapos nakwento ni Whel na ako lang daw talaga yung kaibigan nyang bading. Although meron naman daw ibang friends of the 3rd sex pero iba daw kasi ako, kasi close kme at wala akong pagnanasa sa kanya. Initially, galit at takot din sya sa bading pero nung nakilala nya ako, i made a difference and proved that not all gays are evil. Nakakataba talaga ng puso yung sinabi nya. Haaay... Kilig! This got me all confused.