Kanina hindi pumasok si Albert. Kahapon nung nasa shop kame, inuubo na sya. Hindi ko alam kung pano sya nagkaron ng bug basta kanina hindi na sya nakapasok.

Pumunta ako sa bahay niya para ihatid yung mga quizzes na binalik kanina. Antagal nga nya akong pag buksan ng pinto. Well, hindi nya siguro inexpect na pupunta ako. Hindi rin naman kasi ako nagtext sa kanya.

Tinanong ko syempre kung ayos lang sya. Ok naman daw. Uminom na ba sya ng gamot? Uu daw. Nakita ko pa nga yung wrapper ng Tuseran Forte na ubos nah.

Magulo na naman yung kwarto nya. Yung Cabinet na inayos ko noon, sabog sabog na naman yung mga undies nya. Ang daming sapatos na nagkalat. Yung mga pantalon nya nakalapag kung saan saan. Yung isang orange T-shirt na lukot lukot nasa may sofa bed, sininghaan daw nya yun.

Tumambay din muna ako dun. Naghugas ng pinggan. Nag-ayos ayos kahit papano. Tinanong ko din kay Whel kung every what interval yung paracetamol. 4 hrs nga daw pagkumpirma nya.

Mga 4 something pm, nagpasya nako bumili ng tinapay tsaka gamot. Bumili ako ng Gamot dun sa may pharmacy sa lacson. Bumili ako ng 10 biogesic tsaka isang maliit na vics. Bumili naman akong Tasty Bread sa may bakery sa likod ng Suites. May palaman naman kasi si Albert so hindi nako bumili.

Pag kauwe ko sakto tumawag si Whel. Nasagot ko ang tawag nya. Tapos nagsimula na kaming kumain ni Albert. Konti lang kinain ko ah! Mga 3 loaves of bread lang! Pero infairness ang sarap nung palaman ni Albert.

Mga around 5 pinainom ko na sya ng gamot. At pinagbilinan magpalagay nung vics ointment sa girlfriend nya na pupunta mamaya. Ako na nga sana maglalagay kaso baka ano pa isipin nya.

Umalis nako, matapos ko damhin yung noo nya.