Grabeh! Kanina naranasan ko yung naranasan ng mga professors ko. Yung maubusan ng ink yung marker mo. Grabeh, super taranta ako. Kasi late na kami sa lesson, tapos ubos na lahat yung ink nung mga marker na nandun. Wala na akong choice kundi maghanap ng bago.
Plan A:
Bumaba ako sa Central Student Council Office para maghanap. Hinawakan ko ang doorknob. Hala! Hindi ko maigalaw! LOCKED! Shet! Patay! Ano na gagawin ko!

Plan B:
Si Jarry! sigaw ng isip ko! Buti nalang dala ko yung cellphone ko. Pero nahihiya ako eh. Pero tinext ko na rin si Jarry.
"Malapit ka lang ba sa TYK? I need help" text ko.
"Dito lang ako sa Health Service, baket?"
"May supplies ba ng marker sa office? we just ran out of ink."
"Ay wala, pero nasa SM sina Mon, papabili ako?"
"Ok thanks."

Nung hinintay ko sina Mon na makabalik, shortly after my last text kay Jarry, nakita ko sina Mon at Rexa pabalik ng building. Tanong ko kagad,
"May extra money ba kayo dyan"
"Wala na eh, Baket?"
"Naubusan na kasi kame ng ink sa mga marker."
"Meron ako."
"yung blue?"
"Oo, nadala ko."

With that bumalik na ako sa klase ko.

Nagstart nako maglesson sa Algebra. Kaso, 1st problem pa lang, nawala na yung ink nung marker. Whel and Shelby pa naman yung question nun. *peace Whel!*

Plan C:
Talagang pinagpilitan ko talaga yung blue marker. Kahit na nagpaparinig na yung mga bata na mag-ambag-ambag. Ayoko nga. Sabi ko sa parents nung mga bata nung Saturday, hindi kami kukuha ng pera sa mga bata. Eh kasi naman binigay ko yung pera ko kay Sir Rani, kaya wala akong pera.

Plan D:
Bumaba ako ulet. Nakalock nanaman yung CSC office wala nanaman sina Rexa and Mon. Nakita ko yung desk ni Kuya guard. May marker! Kaso nahihiya ako. Kahit lagi kaming nag-uusap ni kuya nakakahiya pa din hiramin yun.

Plan E:
Tinext ko ulet si Jarry.
"Naggive up na saken yung Marker T_T"
"Ganun?"
"Yep"
"Sige lalabas nako ako na bibili" at that moment kinilig talaga ako!
"Ok, thanks ah"

Bumalik ako sa classroom. Dun ko na hinintay si Jarry. After siguro, fifteen minutes dumating na sya. Hindi ko pinahalata sa mga bata na super kilig talaga ako. Lalo na nung nakita ko yung mukha nya. Shet! Parang gusto ko talagang maghihiyaw! Pero syempre, poised pa din inabot ko yung plastic na inaabot ni Jarry.
"thank you ah..."
And then he gave a nod and went on his way.

Ako naman bumalik na sa pagtuturo. Pero feel na fell ko pa din talaga yung kilig habang nagtuturo ako! =D