Ilang linggo ko na rin kinikimkim ang saket sa puso ko. Hindi ko naman masabi kahit kanino. Natatakot kasi ako sa sasabihin nila. Ayoko kasing magbago yung pakikitungo nila saken dahil lang dun. Isa pa, masaya talaga ako sa company nila. It's like home. Kaya lagi akong nageeffort na pumunta sa UST araw-araw, hindi lang dahil ako ang director nang TP4, kundi dahil gusto ko din ang presence nang mga taong nasisimulan ko nang mapalagayan ng loob.
Ok, here's the issue. Member kasi ako ng opposition party ng mga nanalo this year na officers ng UST-Central Student Council, ang AKLAS. Lakas ang party nila. Well, mostly naman din ng staff ng CSC ay member ng LAKAS TOMASINO COALITION. Ang problema ko, ayokong isipin nilang spy ako ng AKLAS, dahil hindi naman talaga. Kung bigyan din naman ako ng AKLAS ng tinge of interest na magspy for them, hindi ko rin gagawin. I believe in a healthy political competition. Resorting to such treachery for me is cowardice. Magbibitiw na lang ako sa post ko sa SIKLAB, the Engineering AKLAS affiliate, as the Legal Officer. Mag-isip sila ng magandang political strategy. Very remarkable kasi ang ang pag-sweep ng LAKAS sa majority ng Councils in the University. Although hindi ko naman sinasabing mali, madalas gamitin ng LAKAS ang face value ng isang candidate. Ang kelangan ng AKLAS total make-over. Hindi spy-spy. Kahit magbitiw ako, pwede ko pa rin naman ipressure ang Engineering Student Council kahit wala akong political party. Kaya rin naman ako sumali sa SIKLAB dahil I believe in their 4 trusses. I can't deny that we really did a great job dahil nakuha namin ang 7 out of 9 positions ng ESC. Kaya alam ko ding mahihirpan din akong magbitiw, if ever.
Hindi ko rin talaga alam kung pano ko sisimulang sabihin sa kanila yun. Ang napili kong sabihan ay si Jarry. Super baet kasi ng taong yun. Ewan ko ba, bat napakahalaga na saken ni Jarry in such a short period of time, well, hindi lang naman sya, pati din naman si Richmond, napamahal na din saken. And I won't let my political affiliation affect our friendship. Gustong gusto ko nang sabihin ang lahat lahat tungkol saken sa kanila nung nasa Batangas kami. Kaso, everytime that we talk about UST politics, it always end up bashing AKLAS candidates. Nagrereact lang ako pag-SIKLAB candidates. Well, totoo naman kasi yung sinasabi ko sa kanila. Deserve ng SIKLAB ang manalo sa ESC elections. Ang naging strategy lang kasi ng RESPECT, yung isa pang political party, eh i-highlight yung standard bearer nila, na si Kat Corpuz, at siguro nagdasal din sila na sana makargo ni Kat yung mga kasama nya. Obvious naman na hindi competent yung mga kasama nya, parang mga nahila lang. Pasalamat sila at hindi pwedeng magtanong ang mga audience directly sa mic. Kung hindi sinindak ko yung mga taga-RESPECT. Pero this coming new school year, I think babalik na ang LAKAS NG INHINYERONG TOMASINO. So tatlong political parties na ang maglalaban laban sa next LOCAL STUDENT COUNCIL elections sa Engineering. LAKAS na naman ang babanggain ko, party na naman nila.
Hindi ko din naman alam ang ideals ng Central LAKAS so hindi ko din naman sila maituturing na kaaway. For me, being a person seated in power takes a lot of responsibility. Especially that the CSC scopes the whole University. It is really a BIG responsibility. Kaya I salute any officer seated whether they came from AKLAS or LAKAS. As long as they are doing their job, I won't have any problem with them Basta wag lang nila lalagyan ng pulitika ang TP4. Ako talaga ang makakabngga nila. Mukha akong matapang no? Pero sa totoo natatakot pa din ako sa sasabihin nila pag nalaman nila. Gusto ko kasi saken manggaling, so I can see the look on their faces, and they can see mine too. They'll see that I'm really sincere in the things that I told them, I will really support all of their projects, in the best I can. Sana lang talaga, wag mawala ng trust nila saken pag sinabi ko na sa kanya.
0 comments:
Post a Comment