Wilberta: Ang Dyosa ng Underpass
Kakatapos ko lang manggaling sa SM Manila. Alam nyo na para para. Actually papunta pa lang ako sa SM Manila, nagpaparamdam na ang kalangitan na uulan sya. Nagparapara ako. Ang sabi ko pag uuwi nako at uulan bibili ako ng mas marami pang tokens! Member kasi ako ng Worlds of Fun kaya may mga freebies pag bumili ng marami. Eh nung dumungaw ako at hindi naman umulan, nagsimula nako maglakad pauwi.
Nung nasa may tapat nako ng UDM, ayan na umabon na. At hindi lang basta ambon, super lalaki nung bagsak eh. Sa may Lawton may underpass din. Sa tumawid ako using the under pass. Nung lumabas ako. Ayan na super lakas na ng ulan. Nakapunta pa ako dun sa kabilang underpass yung medyo malapit dun sa canteen ng mga schools inside intramuros. Dun nako nagpatila nang ulan.

Hindi nagtagal. May umakyat sa hagdan. Isang batang nakauniform, nakatsinelas, tapos may hawak na plastic. In my examination, yung black shoes nya yung nasa loob ng plastic. Infairness cute sya! Natempt nga ako bigyan sya ng calling card ang cutie. Kaso pinipigilan ko sarili ko kasi parang ang bata pa nya. Nagtanong pa nga sya sken. San daw yung papuntang SM. Sabi ko. Any jeep na papunta sa direction na yun. Habang tinuturo yung direksyon. Gusto ko na nga syang sabihan ng "wag ka munang umalis, patilain mo na ung ulan. Dito ka sa tabi ko kwentuhan tayo" Pero hindi ko na ni-try kasi mukhang in a hurry si kiddo. In the end umalis din si cutie. Tumawid sa kabila. Dun ata sumakay.

Naghintay pa ako ng kaunti. Tas may dumating na mag-anak. Nagstruggle sila sa direction. So tinulangan ko sila. Nagtuturuan kasi sila. Tinanong ko kung san ba sila papunta. Ang sabi nila sa Cavite daw. Sa Lawton po ba kyo pupunta? Sa sakayan ng bus? Ang reply nila, FX daw ang sasakyan nila. Ay sabi ko hindi ko alam yun. Tinanong nila ako kung san yung park and ride. Sabi ko, dun po sa kabila may isa pang underpass tawirin nyo po yun un na yun. Ayun umalis sila, sinugod nila ang ulan. Grabeh! Dyosa talaga ako! Underpass!

Resident Flood
Dahil sa sobrang lakas ng ulan, nagkaron ng flash flood. Para nga akong nasa Resident Evil World, yung mga Zombies yung flood. Diba yung Zombies may virus? yung Baha din naman meron ah! syempre, para makaiwas sa flood, maraming techniques ang dapat gamitin!
Ang yakap-the-poste no jutsu
-para hindi ka malaglag sa baha, to have support

Ang talon-talon-eklavou no jutsu
-alam mo na para hindi mabasa

Ang tingkayad-para-hindi-pasukan-ng-baha-ang-sapatos no jutsu
-kelangan pa ba iexplain yan?

Ang flylalou-sa-kabilang-sidewalk no jutsu
-syempre hindi lang naman sa isang side lagi yung baha no. kaya kelangn mo magpalipatlipat.


Unfortunately nung nasa may plaza Morga ako, natrap ako. Kahit san ako tumingin baha. Wala akong mapuntahan. hanggang sa magdecide ako na tawirin ang baha at makarating sa Shell Station. Nag-tingkayad-para-hindi-pasukan-ng-baha-ang-sapatos no jutsu ako kaso hindi ko natantsa yung baha. Pumasok sa sapatos ko! Para akong napoison! Kunwari, nanghihina ako, urgh urgh! Para nga akong tanga gumagwa ako ng mga sounds na ganun habang naglalakad, tapos tumatawa pa magisa.

Pagkauwi ko sa house, naginit ako ng tubig. Then nilagay sa timba ang tubig nilagyan ng alcohol, and presto, ang cleansing foot spa! Ang saya ng araw ko!