Sa istorya ni Jarry nung meeting nya with the Central Board (CB), talagang nagisa nga talaga sya. Kaya pala “pressure” yung reply nya saken sa text nung tinanong ko kung kamusta yung meeting nya. Well in my point view ano, most of the members ng CB ay talagang so full of themselves. Feeling kasi nila porque nanalo sila in a campaign eh they're superior na. Hindi uubra sakin yung ganyang attitude nila noh! Magbabarahan kami dun!
Ang kwento kasi ni Jarry, parang super nega daw lahat nung members ng CB. Lahat gusto sila yung i-prioritize. Lalong lalo na daw si Kat Corpuz yung sa Engineering. “My God, 2000 kami, andami namin, hindi ba pwedeng kami na mauna?” more or less ganyan daw yung sinabi ni Kat. Naku! Ang tagal na nya sa council noh! Hindi pa ba sya nakakaisip ng way na maoptimize yung tour? Kung nandun ako, babarahin ko yung babaing yun!
“Are you saying that the CSC should prioritize Engineering and leave other councils idle while waiting for the shipment for Engineering to be complete? Ikaw na nagsabi marami kayo, and right now we only have 750 kits and shipment is in batches. Ang panget naman kung hihintayin pa natin makumpleto yung para sa Engineering habang pinaghihintay natin yun iba. Why not look the other perspective? Another point is this is just a preliminary talk regarding the Thomasian Walk. We will still have to deliberate with Mr. Cachero regarding this. Hindi pa ito final. We will do our job, and you should do yours.” – Wilberta Dyosa
Hindi kasi ako naiintimidate sa position nila ano. Wag nilang pagmamayabang sa kin yun. I think kung hindi man ako angat, kapantay ko lang sila. Excuse me lang! Tsaka sabi nga ni Jarry, lahat ng tinatanong nila saken, nasasagot ko kagad. It shows na ni siang katiting ng intimidation wala sa katawan ko! Dapat talaga sa next time na imi-meet ni Jarry yung mga yun, assistant nya ako, para mambabara ako! Whahahaah!
0 comments:
Post a Comment