Ito lang ang kantang translated to Filipino na gusto ko. Ewan ko kung baket. Siguro dahil theme song ito ng mga baklang sawi o mga naging sawi. Bongga! Saludo ako sa atin mga beklas! From the original "Superwoman", this is "Hindi ako si Darna".



Hindi ako si Darn by Janine Desiderio
pag gising sa umaga
almusal mo'y handa na
kape mo ay mainit
itlog mo'y nalaga na

damit mo ay plantsado
ready pang opisina
may konti ka pang lambing
bago ikaw ay lumarga

ngunit bakit ba bigla na lang
ikaw ay nagbago binabasahan mo
na lang ako ngayon ng dyaryo

di na tayo nag-uusap
di mo na kinikibo
hindi ako iiyak
ngunit bakit naluluha

hindi ako si darna
wala akong lakas o kapangyarihan
upang hindi masasaktan
ako ay tao lamang
taong may puso rin at damdamin
marunong masaktan
ooohh baby yeah

tinatawan mo na lang
ang sinasabi ko sa'yo
kay lamig ng iyong mga halik
walang higpit ang mga yakap mo

parang ako'y balewala na
ako'y wala ng halaga
sabi nila iwan kita
ngunit di ko kaya

hindi ako si darna
wala akong lakas o kapangyarihan
upang hindi masasaktan
ako ay tao lamang
taong may puso rin at damdamin
marunong masaktan
oohh baby

hindi naman laging ikaw
na lang ang lagi kong iintindihin
habang ako nama'y nasasaktan
pagka't hindi ako si darna
na hindi tinatablan
kailangan din ng pagtingin
at pag-unawa mo sa 'kin

hindi ako si darna
wala akong lakas o kapangyarihan
upang hindi masasaktan
ako ay tao lamang
taong may puso rin at damdamin
marunong masaktan

sa lahat ng tulad ko na nagmamartyr din
wag mangangamba pagka't hindi kayo nag-iisa

pakinggan mo ang puso ko
ang puso ko ngayon alay ko
lahat sa'yo isa lang naman
ang hinihiling ko sa'yo
kailangan din suklian mo pag-ibig ko

hindi ako si darna
wala akong lakas o kapangyarihan
upang hindi masasaktan
ako ay tao lamang
taong may puso rin at damdamin
marunong masaktan

oooh baby yeah