Hindi ko inexpect na I would stay sa CSC office that late. Near 9:30 nako umalis. Wala rin sa plan ko na pumunta sa office, wala lang, bigla ko lang naisipang dumaan lang.
Pagdating ko may mga people, nagulat nga ako nandun si Jarry, sya kasi yung expected kong hindi pupunta sa activity nila. May exercise ekek project yung Office of the Student affairs namin. Ewan ko ba bat hapon nila ginanap yun. Well anyway, nandun din si Paul, yung PRO, si John, yung makwentong staffer, si Sky, alam ko lang yung name nya, at meron pang dalawa na hindi ko kilala, yung isa nursing obviously kasi may nursing book sya na binabasa, at isang gurlalou na wai spluk masyado.
Syempre, palusot, tinanong ko kung nandun si PI, isang staffer na staff din ng Central COMELEC, may tatanong kasi ako sabi ko. Philip Israel ang name nya, hindi Putang Ina. OK? Buti nandun si Paul, gusto ko na kasi as early as possible magawa yung website ng CSC. Pumayag kasi akong maging designer nun. Kaso yung mga “clients” ko hindi clear ang gusto. Hindi nila alam kung anong klaseng site ang gusto nilang gawin. Ganito kasi ang ni-suggest ko. Kung gusto nila na puro information, we'll use XML and CSS as language, kung gusto nila ng interactivity, Flash ang program na gagamitin. Unfortunately, wala talaga kaming idea kung ano yung gusto ni Kuya Cachi, yung president, dun sa site. After naming, magusap ni Paul, umalis na sya with Sky and the wai ispluk na gurlalou. Kami namang natira, kumain sa Wendy's.
Grabeh ang mga kasama ko, kung kain, kain talaga. Eh pano, ako lang ata yung mahirap dun sa mga natira. Ang mga binili nilang food, over a hundred yung prices, samantalang ako, 74.14 lang. Yung kay Jarry nga 214.56 eh. Pwede kong kasuhan yung branch ng Wendy's na yun, yung nakadisplay nilang prices wala pang 12% VAT. Bawal yun. Pagkaakyat ko, binanatan ako ni Jarry, “Ang tagal mong nag-isip yan lang binili mo?” Sa loob loob ko, eh sa wala akong pera ano! Aba, napansin ko lahat sila may frostie. Ang yayaman talaga. Leche! So ayun, kwentuhan galore, kahit puro boys ang kasama ko. Pinag-chit-chat-an ni Jarry tsaka nung nursing guy ang isang sakit called, Herpes Zoster. Actually, wala akong maintindihan, kundi yung medication lang, kasi kelangan daw ng Potassium permanganate compress. Napaisip naman ako. Oxidizing agent yung KMnO4, kung gagawin mo syang compress, dapat itapat mo sa ilaw para mangyari yung desired oxidizing effect. Napag-alaman ko din na may anti-bacterial properties ang KMnO4. Kinausap ako ni Nursing guy, “So Engineering ka?” Obvious ba? Nakikita mo ba yung Engineering shirt ko? After a few more chit-chats, umalis na kami at iniwan si Nursing guy sa Wendy's dahil dun daw sya mag-aaral.
Bumalik si atashi sa CSC office, kasama si Jarry and John. Wala rin naman kami masyadong ginawa. Pinagdiskitahan ni John at ni Jarry yung mga ipis na naglalaro sa office. Mukha syang malinis, actually, kulay golden sya. Bonggacious! Pero in the end, ipis pa din sila, kelangan patayin. Mukha ngang tanga si Jarry, kasi parang kinakarate nya yung mga ipis. Whahahahahaah! Shortly after, umalis na si John. Ako, binuksan ko yung favorite computer ko, at nagpasya nalang akong mag-update ng blog at magbasa-basa na din ngiba pang blogs. Matagal tagal din yun. Nung lumingon ako, wala si Jarry, pero alam ko kung nasan sya. Nandun sya sa kabilang side ng mga computers. Alam kong nandun sya kasi dun nanggagaling yung tunog ng cellphone nya. Nung nagpasya nakong umalis, kasi Desperate Housewives na, lumapit ako kay Jarry. Nakita ko syang nakahiga at medyo natutulog na sa mga ni-line up na chairs. Believe me, gusto kong magstay, ayoko sana kasing iwan si Jarry. Nafi-feel ko yung saket na iniinda nya, I have never seen a boy so fragile. Pero umalis pa din ako, I have responsibilities pa kasi to attend to. Pero deep inside me, I long to say to him these words: Friendship goes both ways. Lagi nya kasi akong tinutulungan, gusto ko ako naman ang makatulong sa kanya.
0 comments:
Post a Comment