Isa ito sa masasabi kong pinakabusy kong araw. Not to mention, nakakapagod.
Pizza Hut
Kumain kami ni Sir Raniel sa Pizza Hut Lacson. Wala lang. Minsan lang din naman kami kumain sa labas. Nasa may UST area sya kasi nag-aapply sya for a summer job. Alam ko naman kasi na limited lang yung datung nya, kaya I offered to treat him out for lunch. Ayun, nagamit ko nanaman yung ChES card ko. Ang bill namin Php 413 nalang. 10% ang discount so icompute nyo kung ano dapat talaga ang bill namin. Ayun, nakapagkwentuhan kami. Usual. Si Sir Raniel talaga ang pinakaclose ko sa lahat ng guy friends ko. Well anyway, nagjoke pa nga yun. "Hindi ko sasabihin na sa girlfriend ko na kumakain tayo sa Pizza Hut, baka magselos yun!" Ang sabi ko naman, "Baket naman? Pag si Albert ang dinala ko dito yung girlfriend nya magseselos noh!" Sabay tawa kaming dalawa! wahhahahhaha! =D
TP4 Parent's Orientation
Well, dumating ako ng late. Nag-alibi ako na may meeting ako sa QC para hindi ako mapahiya. Ang totoo kasi, diba nga kumain nga kami ni Sir Raniel sa Pizza Hut. Care ko kung maghintay sila. Well anyway, dumating ako sa Tan Yan Kee Auditorium na nag-eexplain si Cachi about TP4. After introducing me, abay tuluy-tuloy na ko sa pagsasalita. Dumating ako ng saktong 1:30 natapos ako magsalita 2:30. So More or less, 30 mins ako tuloy tuloy magsalita. Grabeh-ness! Ngayon ko lang din na-meet yung buong CSC-EB this coming school year. Shet! Ang Cute ni Jarry! yung Vice Pres! Nakakaloka! Love ko na ata sya. Tsaka napakadown-to-earth nya. Lagi nya akong ineentertain. Tsaka feel ko, even though we are members of opposing parties, sincere talaga sya sa service na gusto nyang ibigay sa TP4, na talaga namang nagpakilig sken!
ParaParaParadise
After ng affair ko sa CSC, dumerteso ako sa SM Manila para maglaro ng Parapara. Ang saya saya talagang sumayaw dun. Lalo na pag pinagtitinginan ka na ng mga tao. Yung bang maraming nanonood. Mas lalo kang gaganahan sayawin yung mga kantang show-off eh. Well anyway, at least, nakapagexercise na din.
1 comments:
sweet nyo naman ni raniel...
may tumatanggap pa ba ng summer job at this moment... sobra na kasing l8 eh... well push ur luck... sana next tym ako naman pakainin mo ng pizza...
Post a Comment