Hindi ko makalimutan si Jarry. Lagi ko siyang iniisip. As in. Lagi. Kanina, nung nagtuturo ako ng System of Linear Equations, mali mali na yung nasasabi ko. Nung nagtuturo ako ng Laws of motion nakalimutan ko yung first law kasi puro Jarry yung nagreresound sa utak ko. Buti na nga lang ay hindi ako nadudulas at nasasabi yung pangalan nya. Tapos habang nagtatype ako kanina sa CSC office dumating sya. Bukod kay Mon, sya lang talaga yung nakakausap ko. Tsaka sya lagi yung 1st na kumakausap sa akin. Lagi nyang tinatanong kung kamusta yung TP4. "OK naman, andami naming natackle kanina". Kung alam lang nya, kanina ko pa sya iniisip. Nung umalis ako sa CSC office boses nya yung huling boses na narinig ko. "Salamat!" narinig ko bago magsara yung pinto ng CSC office.
0 comments:
Post a Comment